Warson.
"Tss! Nakakainis talaga lahat ng lalaki. Pare pareho lang silang lahat na manloloko!" Wika ng pinsan ko na si Irish. Nakakunot ang noo nito at tila hindi iniintindi ang pinapanood.
"Oo nga! Nakakainis!" Sang ayon ni Mai. Napailing nalang ako habang nanonood ng NBA. Hindi ako makapag concentrate dahil ang iingay nila sa pagkikwentuhan.
Sometimes I wonder where the hell they are getting this energy to start a conversation in morning and ends it by evening. Ilang energy drink ba iniinom nila para maging ganito lagi ka hyper? Hindi ba sila napapagod sa kakadakdak?
"Ang iingay niyo." Hindi ko mapigilan na reklamo sa kanila. Ng hindi ko sila narinig magsalita ay hindi ko mapigilan lumingon sa gawi nila. They are shooting me death glares.
"Yung kuya mo na yan! Isa pa yan. Nakuu! Napakababaero niyan sa school."
"Hayaan mo yan, makikilala niya rin si Karma soon."
Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo. Mukhang madadamay pa ako sa mga problema nila sa buhay buhay. Tumayo ako at bumuntong hininga.
Masama bang maging gwapo? Katanungan na hanggang ngayon ay hindi ko masagot.
Lumapit ako sa TV at pinatay ito. Mukhang hindi rin naman ito mapapakinabangan dahil mas maingay ba sa TV yung dalawa.
Ako lang rin naman ang matatalo kapag pinatulan ko sila. Buti nalang at bukod sa gwapo ko na mukha ay understanding din ako sa mga toyo ng mga babae.
Pero,babaero ba ang tawag sa hinahabol ng mga babae? Ako na nga yung hinahabol ako pa yung tatawagin na babaero? Pasok naman ako sa mga iilan na lalake na tinatawag na charismatic.
"Pare! Basketball?" Lumingon ako sa kaliwa ko. Nakita ko yung kapitbahay na malaki ang ngiti sa akin. Ngumiwi ako dahil natatandaan ko na may lakad kami ngayon.
Inayos ko ang bike ko at mabilis na sumakay para hindi niya na maawat pa.
"Nako! Wag na. Magagasgasan lang ang gwapo kong mukha kapag nagkataon. Next time Pare!" Sigaw ko habang papalayo na sa kanila.
Kung hindi ko pupuntahan ang mga kaibigan ko sa computer shop ay sasama ako kaya lang naka schedule na ang araw na ito para sa kanila. Maglalaro pa kami ng league of legends at kailangan kong manalo para makuha ang taya. Sayang din yun.
Ng dumating ako ay naka upo na sila at hinihintay ako para makapagsimula na. Naupo na rin ako at nagsimula ng maglaro. Matapos ang ilang oras ay napasigaw ako sa tuwa.
"Yow! Panalo na ulit ako! Gimme your shirt and money now!" Masayang sigaw ko kina Sandrex at Rosas. Nagkakamot ang ulo nilang ibinigay sa akin ang napalanunan ko.
Nangingiting inakbayan ko sila at niyaya sa favorite bakeshop namin malapit sa computer shop na ito.
They are my Bestfriend. We're both eighteen years old and taking up Computer Engineering at Irish's school named Lee University. School na pagmamay ari nila Tita Suzette.
Nalipat ang tingin ko sa kanila. "Witwew!" Sitsit nila sa isang babae na halos nakahubad na sa ikli ng damit na suot.
Ngumiti ang babae sa amin at kumindat. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahilan para batukan ako ng dalawa. Natatawa na ginantihan ko sila ng batok. Mga gago talaga.
"Ikain na natin yung napalanunan mo!" Sigaw ni Rosas pagbaling sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang Lacoste polo shirt at ipinilit na ipakain.
"Oh, nakakain mo ba?" Kinuha niya ito at ibinato sa akin. Nagingiti ako na habang umiiling iling.