New Chapter

659 16 1
                                    

Warson.

After 5 years.

"Uwaaah! Uwaaaah!" Napatakip ako sa tenga ko ng marinig ang pagiyak ng bata. Kaya ayoko dito sa bahay matulog eh, puro iyak ng anak ni Ate ang maririnig mo. Oo, may asawa na si Ate pero single mom lang. Kapag tinatanong namin siya kung nasaan ang ama nung bata ay sinasabi niyang past is past. Imposible namang si Joe ang tatay nito dahil hindi niya kamukha.

Bumangon ako at naligo agad. Bumaba ako pagkatapos at kumain sa kusina. Naabutan ko silang sabay sabay na kumakain.

"Kuya? Kain na po tayo." Wika ni Mai. Ngumiti ako sa kanya at tinusok ang hotdog ng tinidor. Graduating na si Mai ng college ngayon sa kurso na HRM.

"Kuya? Pakiabot nga po ng juice." Wika ni Alexia. Iniabot ko naman ito sa kanya at nginitian. Alexia now is a 2nd year college sa kursong Accountancy. Pareho sila ni Ate, si ate naman ay CEO na ng company namin. Siya ang pumalit kay Papa na nagretiro na ngayon.

Si Mama naman ang siyang nagaalaga kay Venus. Babae kasi ang anak nito ngayon. Kapag hindi naman busy si Ate ay siya rin ang nagaalaga sa pamangkin ko. Kahit alam kong gusto nila Mama na tanungin si Ate tungkol sa ama ng tatay ni Venus ay itinikom nalang nito ang bibig nito. Hindi mo rin naman kasi mapipilit ang isang 'to. Napakatigas ng ulo.

"Kuya? Pwede ba naming interviewhin kayong apat nila Kuya Sandrex? Parte kasi ng school paper namin. You know, kahit labag sa loob ko na isulat ang hearttrob daw noon ng Lee University". Mai said. Natawa ako bago tumango. Ganyan pa rin yan, kahit tahasan ang pagsusungit sa akin ay alam ko naman na mahal ako niyan. Gwapo kaya ang kuya niya. Anyway, HRM ang course niya pero sumali siya sa school paper ng University. Chismosa kasi, kidding.

"Ma, mauuna na po ako. Bye girls!" Paalam ko sa kanila. Mahuhuli na kasi ako sa klase ko. Siya nga pala, part time teacher rin ako sa Lee University.

Syempre, sa panahon ngayon. Kailangan na ng mga gwapong gurong katulad ko. Para naman ma enganyong makinig ang mga kabataan ngayon. Dumiretso ako sa Admins office dahil pinapatawag na naman ako ng "President".

Kumatok ako't narinig kong ang pagpapasok niya sa akin.

"Hi Miss President." Bati ko sa kanya. Umupo ako sa harap niya't itinaas ang paa ko sa upuan. Inalis ko rin ang shades ko't kinindatan siya.

"Tss. Bakit ngayon ka lang? Diba sabi ko 7:30 am?" Masungit na tanong nito. Tiningnan ko ang orasan ko't nakita kong kaka 7:30 palang. Abnormal rin ang isang 'to eh. Mahirap talaga kapag tatandang dalaga.

"Hindi naman ako late eh. Tss." Angal ko sa kanya at nagpout. Titingnan ko lang kung gagana pa rin ang mga charm ko.

"Nakuuuu! Wag mo nga kong gaganyan ganyanin Warson! Nakakadiri ka!" Wika nito. Napasimangot ako. Pinsan ko nga pala ito, hindi ito tatablan ng #Warsonkakaibangkarisma. Umayos ako ng upo at hinablot ang binabasa niyang papel. "Hindi mo ba nakikitang busy ako?!" Sigaw niya. Ngumisi ako. Ang sarap kayang tingnan ang pinsan mong galit na galit sayo.

"Pinatawag mo kaya ako dito." Irap kong wika na nagpa simangot pa sa kanya lalo. May kinuha ito sa drawer at ibinigay sa akin -- ay hindi pala, binato niya sa akin to be specific. Galit kasi siya sa mga gwapo. "Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Manual mo yan sa pagtuturo. Para may guide ka,'langya ka. Kung ano ano ang pinagtuturo mo sa mga engineering student dito. Palibhasa kasi eh puro lalaki kaya swak na swak ang mga ugali niyo. Hay naku." Reklamo nito. Napakamot ako ng ulo ng binuklat ko ang manual. Seriously? Philippine History na rin ang ituturo ko? Naalala ko yung ginawa kong pagsagot dati noon sa guro namin tungkol sa isang topic sa History na 'to eh. Tss. Bahala na si Batman.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon