Warson.
Naiinis ako! Ang tanga tanga ko! Bakit ganun! Nagpakaduwag ako't umalis agad ng hindi ako makilala ni Sam. Umalis agad ako't iniwan sila doon sa bahay nila Sam.
Ang duwag duwag ko. Jerk! Oo. Nakauwi na kami ngayon sa Manila. Ang plano lang naman namin ay hanapin si Sam diba? Pero naiinis ako ng di mawari. Bwisit!
"Anak? Nandito si Irish sa labas ng kwarto mo. Papapasukin ko na siya". Wika ni Mama. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan para matakpan ang embarrassment ko. Tss. Hindi ko na nagawang makapag paalam sa kanila kahapon dahil nagmadali ako agad na umalis at nagpa book ng ticket sa aming lahat. Ang tanga ko. Oo alam ko! Pagkakataon na ang naglalapit sa amin pero nagpakagago ako. Bullshit!
"So, magtatago ka nalang diyan habang buhay?" Tanong ni Irish sa akin. Hindi ako kumilos at hinayaan nalang siyang magsalita. Alam ko naman na mapapagod rin yan kapag hindi ko siya sinagot.
"You know what Son? You're such a coward. Kapag nalaman mong ayaw na sayo or worst hindi ka kilala eh aalis ka na agad without even saying any word? Alam kong mahirap magmahal. I've already experience that, pero you cannot learn when you don't experience how to be hurt."
"You deserved being left by Sam. You know what, if you're just being honest on what you really feels inside. You won't experience this kind of hardship and drama at all."
"Be a man Warson. You're the kind of guy whom I idolized for being so cool and too confident. There are no harm in trying. Malay mo pagsubok lang pala ni Sam yun sayo. Remember, Sam got hurt the last time you reject her. Maybe she just wanted you to feel the same way for you to know how hurt she is that time.."
"Watch out for the falling pieces Son. It's Samantha's turn to shine now." Iniwanan niya agad ako pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yun. Hindi niya manlang ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita ulit. Bwisit.
Somehow, Tama rin siya. I deserved this kind of hardship. I know it's my fault why Samantha left me. If she wants me to court her over and over again. I'll let her. I'll go with the flow.
Nangako rin pala ako sa sarili ko na once bumalik si Samantha ay dapat kong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Well, ipapakita ko sa kanya kung gaano katindi magmahal ang isang chick boy. Chickboy ata tong hinarap niya.
---------
"Binibini.. Sana iyong tanggapin itong pag ibig na tanging alay sayo." Narinig ko ang hagikhikan ng dalawang ugok ko sa likod. Nandito kami sa labas ng bahay ni Sam sa Iloilo and were doing the harana thingy as what Irish had suggested yesterday. We'll be staying here for the whole month of May.
Tss. Ewan ko kung anong pumasok sa ulo ko't nadali ako ni Irish. I mean, hindi naman ako palasunod sa utos ng iba dahil nasanay akong ako ang maguutos. Pero ngayon, bwisit. Manliligaw na naman daw ako. Binigyan niya ako ng tips kung paano i- win back yung ex ko at normal lang daw na ideny niya kami. Syempre, bitter ex daw eh.
Pumili kasi ng gwapo eh. Kaya nasaktan. Cheka. Joke lang. Parang kinikiliti yung buong katawan ko dahil sa niyerbos. Kinikilig ako na hindi naman dapat. Tss. Kasi naman eh.
"Ahem, ahem. Mic test. Mic test. Ahem!" Binatukan ko si Rosas ng magsalita ito ng pagkalakas lakas. And adik ampusa.
"Aray! Pahihirapan ka pa ni Sam niyan sige ka." Wika niya habang nagkakamot ng ulo. Tss. Epal talaga ang bulaklak na yan. Hay!
"Ano ba kasing kakantahin mo Son? Nakakahiya na sa mga kapitbahay nila dito oh. At saka ilang minuto na ba tayo nandito?" Wika ni Sandrex habang nakatingin sa hawak na gitara.
"Just watch and learn." I started strumming my guitar and sing one song. Unti unting bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pinakamagandang babaeng mahal ko. Makita ko lang siya araw araw sigurado ng maganda lagi ang araw ko. Asawahin ko nalang kaya 'to? Kaso baka batukan ako ni Mama. Eh kung buntisin ko nalang kaya? Joke. Hehe.
Pumipikit pikit ako para makita niyang seryoso ako sa pagkanta ko. Kay Sam ko lang nararamdaman ang ganito ah. Nakikita ko ang pagngiti niya sa bawat pagkanta ko. Iba talaga ang nagagawa kapag gwapo.
"I wanna grow old with you." Kanta ko sa pinaka last part ng kanta. Ramdam na ramdam ko ang emosyon ko dito. Gusto ko kasing siya na ang makasama ko sa huli. How I wish sana in the future mangyari nga yan.
Ngumiti ako sa kanya matapos kong kumanta. Lumapit ito sa akin at agad kong ibinigay ang bulaklak sa kanya. Aaaah! Ang ganda niya talaga! Ilang buwan lang kaming hindi nagkita pero ang laki na agad ng pinagbago niya.
Yung kaputian niya ay mas lalo pang tumingkad. Humaba na rin lalo ang buhok niya na gustong gusto kong amuyin. Hay. Ito ba ang babaeng iniwan at tinanggihan ko? Tss.
"Magtititigan nalang ba tayo hanggang mag umaga?" Wika niya na nagpabalik sa ulirat ko. Kumunot ang noo ko sa paraan niya ng pagsasalita. Slang na eh. Sabagay, sabi nga nila kapag ang babae masasaktan nagbabago agad. Lalo na't kay gwapo pa ng nanakit sa kanya. My gwapo problems.
"Aw. H-hi S-sam." Napakagat ako ng labi ng mapansin kong nautal ako. Bwisit. Nasaan na napunta ang pagiging cool ko? Narinig ko ang hagikhikan nila Sandrex. Mga adik talaga.
"Anyway, thank you sa effort mo na paghaharana. But it would be better sana kung hindi lypsynch. Halatang halata kasi. Tinago niyo manlang sana sa mas tagong lugar ang cassette niyo. Well, it's good naman. Thanks for this guys. Goodnight." Sunod sunod na wika nito at agad na pumasok sa bahay nila.
Patay na halos lahat ng ilaw sa bahay nila Sam ng marahan nila Rosas na tinapik ang balikat ko. Ni halos hindi ako makagalaw sa sobrang bilis ng pangyayari.
"Son.." Tawag pansin na wika ni Rosas. Kitang kita ko sa mukha nila ang awa.
Oo, lypsynch lang yun. Hindi naman kasi ganun kaganda ang boses ko. Malay ko ba na mapapansin niya yun? Dati naman hindi eh. Pupurihin at yayakapin niya agad ako pagkatapos ng ginawa kong panghaharana. Ganun na ba kasakit ang ginawa kong pananakit sa kanya noon?
Sana my Crtl+Z command tayo sa buhay natin. Para isang press lang sa command na ito ay madali nating maitatama lahat ng maling desisyon natin sa buhay. Para lahat ng mali ay pwede na nating maitama. Para lahat tayo ay masaya at kontento.
Para na rin hindi ko na ginagawa ito ulit. Naiinis ako. If only I could go back into our past. Magiging mabuting boyfriend ako sa kanya.
"Tara na Son. Mukhang pahihirapan ka talaga ni Sam ah." Wika ni Sandrex. Nagpahila ako sa kanila at sumakay na agad sa kotse nilang dala. Lumingon muli ako sa bahay nila Sam, particularly sa bintana ng kwarto niya. Napabuntong hininga ako't itinuon nalang ang pansin ko sa daan.
Alam ko, babalik ka rin sa akin Sam. Alam ko yun at pipilitin kong mangyari. I need to win you back. Magiging masaya na tayo't wala ng hahadlang pa.
Sisiguraduhin ko yan..
----------------
Oh yeah.
Inspired lang sa Binibining Pilipinas kaya nakapag update. Hihi!Please do Vote and give comment guys :) Thanks.