Warson
"Yieeeh!" Pangaasar sa akin nila Sandrex ng makarating ako sa office namin. Pambihira, kalat na kalat na ang nangyari sa amin kagabi ni Sam. Iba talaga kapag sikat ka sa school niyo. Walang sikretong hindi maaaring matago. Tss.
"Kwento ka naman lover boy. Hahaha!" Dagdag ni Rosas. Kahit ayoko man ngumiti ng masyado ay wala akong nagawa kundi ngumiti ng pagkalaki laki. Shemay. Malandi ako pero parang mas lumalandi ako lalo ngayon.
Naalala ko na naman ang scene namin kagabi. Kinikilig ako amputik. Di ko mapigilang ngumiti kahit sila Mama ay napapansin rin ang pagngiti ko kaninang umaga. Inihatid ko siya sa bahay nila at kinilig ako ng hinalikan niya ako sa pisngi. Putik! Nakakabakla pala kapag in love ka!
"Ayieeeh. Nakakatakot yang ngiti mo Son. Para kang asong natatae diyan. Haha!" Binatukan ko si Rosas ng nanira siya sa pagmo moment ko. Leche.
"Eh kung ilunod kaya kita sa kumukulong nitrogen? Para manigas ka at gawin ka naming bulaklak ng tuluyan?" Pananakot ko sa kanya. Pero imbes na matakot ay tinawanan niya lang ako. Bwisit.
"Anong kaguluhan ito?" Tawag pansin sa amin ni Harold. Kakarating lang kasi nito galing meeting. President pa rin siya ng organization namin.
"Haha! Alam mo na ba Harold? Nag date kasi si Warson kagabi kaya para siyang gumamit ng Ponds for women kung makapag blush ngayon. Hahahahaha!" Wika ni Rosas. Mabilis kong inihagis sa kanya ang papel na nadampot ko. Ang lakas makapang asar nito ngayon. Tss.
"Oh my goddddd! Report ko 'to! Bakit mo niyukot! Waaaaah!" Sigaw ni Rosas ng madampot ang papel. Napangisi ako. Buti nga.
"Tss. Ang iingay niyo. Mahiya kayo sa bisita." Agad kaming napalingon kay Harold. Hindi namin na pansin na may kasama pala siya sa likod niya. Lumakad siya palayo at laking gulat ko ng makita si Ate Jane. Kapatid ni Sam!
"A-ate Jane!" Wika ko sa natatarantang tinig.
"Warson.." Ngumiti ito sa akin. Pinagpagan ko muna ang sofa bago siya pinaupo. Mahirap na. Baka may pulgas pa ni Rosas. "Bakit ka po nandito?" Magalang kong tanong.
"Tss. Akala mo kung sinong mabait." Bulong ni Rosas sa likod ko. Tss. Pambihira naman oh. Paano napunta yan sa likod ko? Siniko ko siya para umalis pero sumiksik lang siya lalo sa akin. Til a tuloy nakayakap ito sa akin ngayon.
"Wala naman. Kinamusta ko lang si S-Samantha dito. Naalala ko na dito ka rin pala nagaaral kaya kinamusta na rin kita." Wika niya. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.
"Ayos lang po ako Ate Jane. Kayo po?" Tanong ko pabalik.
"A-ayos lang. Siya nga pala, babalik na ako sa States bukas. Kailangan na rin kasi ako ng Ate mo dun. Uhmm. Can you please take good care of my younger sister Sam." Wika niya. Kung may kinakain lang ako ngayon ay malamang na naibuga ko na ito sa harapan niya. Good thing wala dahil minus pogi sign na yun sa pamilya nila. Speaking of family, bakit parang wala pa akong alam sa kanila tungkol doon?
"Ate Jane? Nasaan po ba ang parents niyo? Ang pamilya niyo" Tanong ko na nagpatigil sa kanya. Tila ano mang oras ay iiyak na ito. Masama ba ang naitanong ko? Bago siya sumagot ay tumayo na si Harold.
"Ate Jane? May pupuntahan ka pa po diba?" Wika nito. Tumango naman si Ate Jane at nagpaalam na aalis na. Are they avoiding that question? Pati si Sam kasi ay hindi pa rin sinasabi yun sa akin.
Minabuti kong sumunod sa kanila. Naabutan kong magkayakap si Sam at Ate Jane. Si Harold naman ay nakatingin lang sa kanila. Meron ba akong hindi nalalaman dito? Hindi. Hindi naman maglilihim sa akin si Harold.
"Warson? Alagaan mo tong kapatid ko huh. Bye. Let's go Harold." Wika niya. Tumango ako bago ngumiti. Matagal muna akong tinitigan ni Harold bago umalis. Ng wala na sila ay lumapit sa akin si Sam. Bakas sa mukha nito at nangyaring pag iyak.