Sandrex.
"Who are you?" Pag uulit na tanong nito sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Seeing my girlfriend holding one man's hand is the saddest thing I've ever seen in my 14 years of existence here on earth. Ang bata ko pa nga pala para makaramdam ng heartbreak.
"Wifey." Nasasaktan kong wika. Hindi dapat ako nagpapakita ng kahit anumang sakit sa kanya. I'm Sandrex Manalo for god sake! Hinahabol ako ng mga babae. Gwapo at mas macho pa sa lalaking yan.
"Excuse me po kuya huh. Pero, hindi po kasi kita kilala. Dadaan na po kami ng boyfriend ko kaya kung pwede po sana ay padaanin niyo nalang po kami." Nakangiti niyang wika. Wala akong nagawa at pinadaan nalang sila. Nakatitig lang ako sa magkahawak nilang kamay habang papaalis. Fvck! Pinagloloko lang ba niya ako? Girlfriend ko siya pero bakit? Bakit niya nagawa sa akin ang ganitong bagay?
Umuwi ako sa bahay na hindi malaman ang gagawin. Fvck. Hindi rin ako nakatulog kakaisip kay Sandra. Hindi niya ba ako totoong mahal? Bakit ganun ang nangyari sa amin?
Hindi ako mapakali at kinuha ko ang motor bike ko at pinaandar papunta kila Sandra. I need to talk to her. Hindi rin niya kasi sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Hayss. Nagsasawa na ba siya sa akin?
Alas diyes na ng gabi ng makarating ako sa bahay nila. Nag door bell ako at nakita kong pinagpapawisan ang katulong habang binubuksan ang gate.
"Manang? Okay lang po ba kayo?" Nag aalala kong tanong. Pero nginitian niya lang ako at pinapasok ako sa mansyon ng mga Marquez.
"Sino ba kayo? Ano ba kasing ginagawa ko dito? Nasaan ang mommy at daddy ko?!" Sigaw ng nagaalburutong si Sandra. Nagulat siya ng makita ako. Lumapit siya sa akin at yumakap sa braso ko.
"Waaaah! Hubby! Kinuha ata nila ang mga magulang ko. Tulungan mo akong hanapin sila!" Naguguluhan akong napatingin sa mommy ni Sandra. Umiiyak ito habang yakap yakap naman ng asawa nito.
Mr. Marquez handed me a medicine. Kahit hindi ko alam kung para saan ito ay pinainom ko kay Sandra. Maya maya ay nakatulog na rin siya sa mga bisig ko. Kinuha ito ng daddy niya at inihatid sa kwarto niya. I think their is something wrong with Sandra.
"Sandrex, hijo.." Umupo ako sa katapat ni Mrs. Marquez. Namumugto ang mata nito sa kakaiyak. "I think you deserve to know this." Bigla kong narinig ang pagrogodon ng puso ko. Tila bigla ako nakaramdam ng kaba.
"Ano po yun Tita?" Kahit naguguluhan ay pinilit ko pa ring ngumiti.
"Sandra has an Alzheimer's disease. Her brain tends to forget everything. Kami, ikaw, tayong lahat. Akala ko noon, magaling na siya kasi nagagawa niya ng makabalik sa mansyon ng mabuti. Naging masaya siya noong makilala ka niya. At nagpapasalamat ako sayo dahil dito. Her ex boyfriends usually break up with her after they found out Sandra's condition. At maiintindihan namin yun kung sakaling yun rin ang gawin mo sa prinsesa namin." Umiwas ako ng tingin sa nalaman ko. Fvck! Bakit kasi si Sandra pa?
"Ngayong nalaman mo ito. Sana ay itago mo ito sa iba. Kung lalayo ka sana yung malayong malayo kasi ayokong nahihirapan rin siya." Dagdag pa nito bago humagulgol ng iyak.
"No Tita. I'll take care of Sandra." Wika ko na nagpanganga sa kanya. Itinaas ko pa rin ang noo ko para hindi siya magtaka. Ito ang gusto ko. Ang alagaan ang girlfriend ko.
-------
"MOM! May lalaki po dito!" Sigaw ni Sandra ng makita ako. Pinuntahan ko kasi siya sa kwarto niya ng matapos ang pag uusap namin ng mama niya. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Nag iisip ng mga bagay na pwedeng gawin para mawala yung Alzheimer niya.
"MOM!" Pag uulit na sigaw nito. Sumisiksik ito sa gilid ng kama niya at nakataas ang kumot hanggang dibdib niya. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Lalo siyang nagsumiksik doon, humalik ako sa noo niya at dahan dahang lumabas.