Harold.
"Warson! Palabasin mo ko dito! Kapag ako nakalabas dito, kakalbuhin kita ng malaman mong hindi ka talaga gwapo!" Sigaw niya. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. After 5 years, nagkita ulit kami. Limang taon na pagtitiis. Limang taon na pangungulila sa kanya. Sa wakas, natapos rin.
Hindi niya ata napansin ang pagpasok ko sa kabilang pintuan. Hindi ata siya pamilyar sa office namin dahil hindi niya alam na dalawa ang pintuan ng conference room namin. Tss. Iniiwasan niya ba ako?
Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko at dahan dahan naglakad patungo sa kanya. Umupo ako at pinapanood lang ang pagkalampag niya sa pinto. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin yung babaeng minahal ko.
Ng mapagod siya ay umupo siya sa upuan katapat ko. At gumuhit sa mukha niya ang pagkagulat. Nginitian ko siya pero hindi ko inaasahan ang pagtulo ng luha niya at pagtayo para yumakap sa akin.
Sinalubong ko ang yakap niya at narinig ko ang paulit ulit niya na sinasabi. Hindi ko rin napigilan ang pag agos ng luha ko.
"You're back." Wika niya habang humahagulgol.
Hindi ko napigilan ang mapaluha. Gayundin ang pagbalik ng mga alaala ng nakaraan.
5 years ago.
Hindi ko mapigilan na masaktan dahil sa pagiwas na ginagawa sa akin ni Irish. Nanliligaw ako sa kanya pero 'tangna talaga! Nakakabadtrip. Bakit sa ganitong paraan pa kasi nila nalaman ang tungkol kay Maegan?
Si Maegan na kakambal ni Samantha. Naiinis ako dahil ang paglihim kong ito sa kanila pa ang naging rason para kamuhian niya and worst baka hindi na niya ako payagang ituloy pa ang paniligaw sa kanya. Fvck!
Dumadalaw siya kay Sam pero kapag nagkakasalubong kami ay diretso lang ang tingin niya. Hindi ko rin mabasa ang nilalaman ng isip niya.
Sinubukan ko ngang kausapin siya nun pero mas nagalit pa ata siya sa akin.
"Irish.." Wika ko ng pigilan ko siya sa braso. Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. Walang kaemo emosyon ang mukha niya.
"Let's talk." Dagdag ko pa. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagsasalita kasi wala rin naman siyang sinasabi.
"I know nagkamali ako. Pero, sorry. Kailangan ko lang naman itago sa inyo ang lahat dahil yun ang makakabuti. Sana, hindi ito maging reason para patigilin mo ako sa panliligaw sayo. Mahal kita Irish at sana ay ---"
"Bitawan mo ako." Pagpuputol niya sa paliwanag ko. Wala sa sariling napabitaw ako sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Hindi kita kilala. Kaya layuan mo ako." Dagdag niya na nagpadurog ng puso ko. Hindi ko namalayan ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Maging ang pag alis niya ay hindi ko na rin napansin.
Natauhan lang ako ng tinapik ako sa balikat nila Sandrex at Rosas. Nakangiti ito sa akin na tila ba sinasabing magiging maayos rin ang lahat.
Nanghihinang bumalik ako sa kwarto ni Sam. Maraming tubo ang nakakabit sa katawan niya. At payat na payat na rin ang buong katawan niya.
Paano ko ba paamuhin si Irish? Alam ko naman na nasaktan siya sa ginawa kong paglilihim nito sa kanya. Pero nahirapan rin naman ako sa nangyaring ito. Hindi ko rin ginusto na ilihim ito sa kanya noon. Sadyang pinapahalagahan ko lang talaga ang privacy ng pamilyang tinanggap ako kahit anak lang ako sa labas ni Mom.
Mahirap kapag kailangan mong piliin na paglihiman ang taong gusto mo kapalit ng sikretong ito ng pamilya namin. Pinanatili ko pa rin ang apelyido kong Cruz kahit gusto na ni Dad na ipabago ito at gamitin ang apelyido nila Sam na Concepción. Dad rin kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Pero pinili kong huwag nalang. Kahit patay na ang ama ko ay yun pa rin ang kinikilala kong ama.