New Years Resolution.

875 22 0
                                    

Warson.

Kabi kabilang ingay na naman ang naririnig ko. Putik. Mamaya na nga pala ang katapusan ng taon na 'to. Tinatamad akong bumangon at nag ayos ng sarili ko bago bumaba ng kusina. Akalain mo nga naman na 12nn na ako nagising? Busy sila Mama sa paghahanda ng ihahanda namin. Paano ba naman kasi, naginuman pa kami ni Sandrex kagabi sa bahay nila. Malapit na daw kasi magpasukan muli. Tss.

"Anak? Pakitulungan nga ang ate mo sa pagbabalot ng regalo." Utos sa akin ni Mama ng makita ako. Nakagawian na kasi nila Mama na kada katapusan ng taon nagbibigay ng regalo sa pamilya namin.

Tumango lang ako at pinuntahan sila Ate sa sala. Dun naman kasi sila usually nagbabalot ng mga regalo. Naabutan ko ang tatlong babae kong kapatid na naka indian seat at nagtatawanan. Kumpleto kami ngayon ah. Umupo ako sa tabi nila at saka hinawakan ang gift wrapper.

"Tutulungan ko kayo." Nakangiti kong wika. Natigilan naman sila at nagtatakang napatingin sa akin.

"May lagnat ka ba Kuya?" Tanong ni Alexia.

"Katapusan na ba talaga ng mundo?" Sinabayan pa ni mai ng pagiirap.

"Tss. Wag nga kayong magulo. Tutulong na nga eh." Masungit na wika ko. Hindi na ba pwedeng magbagong buhay? Nginitian lang ako ni Ate at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Alam niya naman kasi kung kailan ako seryoso kahit baliw ang isang yan.

"Oh Tama na yan, gagawa pa tayo ng New Years Resolution natin huh." Wika ni Ate. Nakagawian na rin naming magkakapatid na gawin ang mga bagay na ganito kada bagong taon. Bale isang taon namin itong itatago at kukunin ulit ito pagsapit ng bagong taon. Titingnan namin kung ano ang mga nagawa namin at ang mga hindi.

Matapos naming balutin lahat ng regalo ay kinuha na ni Ate sa pinagtataguan niya ang mga papel na sinulatan namin.

Binasa ko ang mga ilan sa isinulat ko dito.

- Gumising ng maaga.

Nah. Hindi ko na nagawa ito kaya nilagyan ko ng x sa tapat nito. Paano ba naman kasi ako gigising ng maaga kung lagi akong gabi na kung matulog?

- Magbabawas ng kapogian.

Oh. Hindi ko na naman nagawa 'to. Ilang taon na rin kasi na palagi ko itong naisusulat pero wala pa ring nangyari. Kaya nilagyan ko ng x mark dun.

- Less Bullying.

Hehe. Nagawa ko. Hindi ko na kaya inaasar ng madalas si Irish at mga kapatid ko. Kaya nilagyan ko ng check mark. Improving kaya ako.

- Less Flirting, More on Studying.

Nagawa ko 'to huh! Hindi na ako masyadong nakakapagchicks. Pero chicks lang talaga ang lumalapit sa akin. Kaya nilagyan ko ng check mark.

- Move on.

Natigilan ako. Inilagay ko ba talaga 'to? Pero akin naman kasing penmanship 'to. Naka move on naman na talaga ako eh. Kaya nilagyan ko 'to ng check. Madali lang mag move on ang isang tulad ko noh. Kaming mga gwapo pa!

Inilipat ko sa papel lahat ng may markang x at ibinigay kay Ate. Inilagay niya naman ito sa isang box at siya ulit ang magtatago.

"Patingin ako Kuya!" Nabigla ako ng biglaang hinablot ni Alexia ang papel na hawak ko at binasa ng malakas.

"Gumising ng maaga, Magbabawas ng kapogian, Less Bullying at Less Flirting and more on studying? Haha! Bakit nasobrahan ata ang kahanginan mo dito Kuya?" Natatawang tanong niya. Tss. Kay bata bata pa marunong ng manlait. Ganyan ko ba talaga siya pinalaki? Tss.

"Nung sinusulat siguro ni Kuya yan nasobrahan siya sa iniinom na gamot kaya ganyan ang mga pagsisinungaling na ginawa niya diyan." Dagdag na wika ni Mai.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon