Miserable.

812 14 0
                                    

Warson.

"Hi Babe! It's me Sam! Obviously ako nga diba? Haha! Sorry. Sabi ko kasi kay Harold, ibibigay lang ang message na ito sayo kapag nakabalik na ako sa States. Alam ko kasi na hindi mo naman talaga mababasa ang message na ginawa ko sayo sa papel. Alam ko kung gaano ka katamad magbasa." Tumigil siya sa pagsasalita at ngumiti. Halatang pinipigilan niya ang pagiyak sa paghinga ng malalim. Hindi rin niya napigilan ang pagtulo ng luha niya kaya pinunasan niya ito gamit ng likod ng palad niya.

"A-ano ba yan, n-naiiyak na naman a-ako. Hayss." Napangiti ako ng makita ko kung gaano siya kacute habang nakanguso at namumula ang buong mukha dahil sa pagiyak.

"Hayss! So, sorry kasi for the second time i-iniwan na naman kita. S-sorry, sa pagbabalik ko ipinapangako ko na hinding hindi na kita iiwan. P-pangako yan. Sana magawa mo pa akong ulit hintayin katulad ng ginawa mo. H-hindi kita mabibigyan ng eksaktong panahon kung kailan ako babalik pero nangangako ako na babalik talaga ako." Tumingin ako sa itaas para pigilan muli ang pagtulo ng luha ko. Kagabi pa ako iyak ng iyak at hindi ko gustong umiyak pa muli.

"B-babe. Noong una, iniwan kita dahil sa pamilya ko. Nalaman nila ang r-relasyon natin at binantaan nila ako na sasaktan ka kapag pinagpatuloy ko pa ang relasyon nating dalawa. Natakot ako para sayo, naisip ko na bata pa naman tayo at alam ko na kung tayo ang para sa isa't isa sa huli ay magkikita ulit tayo. Di nga ako nagkamali dahil pinagtagpo ulit ang landas nating dalawa. I-iniwan kita ng walang paalam noon dahil alam kong pipigilan mo ako at yun ang ayokong mangyari. Alam mo naman na ikaw ang kahinaan ko diba. ---". Huminga siya ng malalim para pigilan muli ang pagtulo ng luha niya. Pinunasan ko rin ang luha sa mga mata ko na kanina pa labas ng labas.

"Be happy without me. Magpakasaya ka katulad ng dati. Kung dumating man ang babaeng magpapasaya sayo ngayon. Okay lang, alam ko naman na matagal ka na ring naghihintay sa akin. Ang sama ko pala para sabihin na hintayin mo pa ako. Irish! I edit mo yun huh. Alisin mo yung sinabi ko na hintayin niya ako at ang pangakong babalikan ko siya. Baka hindi ko matupad yun at umasa siya haggang huli." Ngumiti ako ng ngumiti rin siya sa akin. Pakiramdam ko kasi ay nasa malapit lang siya ng ngumiti siya. Gusto kong punasan ang luha na kanina pa labas ng labas sa mata niya. Nahihirapan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak dahil sa akin.

"G-game ulit. Sana nga burahin mo yun 'Rish. Babe? Mahal na mahal kita. Antayin mo yung babaeng para sayo okay?" Tinakpan niya ang bibig niya para pigilan ang malakas na paghagulgol. Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang bagay para hindi siya makitang umiiyak. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan sa akin.

"I-ikaw lang ang babaeng para sa akin Sam." Sagot ko. Sana nga naririnig niya rin 'to. Sana..

"A-ano ba yan. Wala ng kwentang message 'to eh. Puro hagulgol ko nalang ang naririnig. E-edit m-mo to 'Rish huh. Ayoko pa namang nakikita si Warson na umiiyak ng dahil sa akin." Agad na tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Pareho lang kami. Ayoko ring nakikitang umiiyak siya.

"Son? Babe? Wala akong iba kung yun ang iniisip mo. Ikaw lang ang lalaking minahal ko. Gusto kong kalimutan mo na ako. Hindi mo na naman kailangan na malaman pa ang dahilan ko kung bakit pa kailangan kong umalis ulit ngayon. Basta, gusto kong makita kang masaya ulit if ever na makabalik ulit ako. M-mahal na mahal kita Babe. G-goodbye." Nagwave pa ito ng kamay nito habang umiiyak.

Ilang ulit ko na itong pinapanood ngayon. Nakailang ulit na pero hindi pa rin mapigilan ang pagiyak ko. Gusto kong magalit kay Sam dahil hindi niya manlang nasabi sa akin noon ang tungkol sa pagayaw ng pamilya niya sa relasyon namin. Nasaktan ako dahil sinarili niya lang ang pagsubok at problema na dapat ay katuwang naming sinusolusyonan.

"Son? Tama na yan." Pagaalo sa akin ni Irish. Ng mabalitaan niya ang nangyari sa akin ay agad siyang nagtungo sa bahay namin kasama si Harold. Ibinigay nila sa akin ang CD at pinanood ko. Hindi ko na nakita ang sulat na ginawa sa akin ni Sam. Hindi ko alam kung saan ko na inilagay yun at ang laking tanga ko!

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon