A life without Sam.

748 20 2
                                    

Warson.

"Kapag mahal mo ang isang tao hindi ka mapapagod kakahintay sa kanya. Ginawa ang paghihintay na yan para malaman kung gaano ka katiyagang maghihintay para sa kanya." Wika ni Harold. Monday ngayon at hindi pa nila alam na papasok na ako ngayon. Dalawang linggo rin na pagmumukmok yun at kung hindi ko narinig ulit ang message ni Sam na nagparealize sa akin ay hindi ako matatauhan.

"Hashtag Hugot! Grabe! Ang lalim nun ah!" Napailing ako sa narinig kong sagot ni Rosas. Kahit kailan talaga laging may kalokohang alam yun.

"Tss. Bilib rin ako kay Warson eh. Kahit tinaguriang Chickboy ng School natin eh stick to one pa rin kahit papano. Kay Sam lang talaga umikot ang mundo niya. I bilib na talaga!" Napangiti ako sa sagot ni Sandrex. Pumasok na ako sa loob ng classroom at nagulat sila ng makita akong maayos na ang itsura.

"Hey. Welcome back bro! Sa wakas natapos na rin ang pagmomonghe mo. Haha!" Bating wika ni Rosas ng makarecover sa pagkagulat. Ngumiti ako sa kanila at binati sa paraan ng kamayan namin.

"Tangna! Katapusan na ba ng mundo? Ngumiti ka talaga?! Grabe!" Binatukan ko si Sandrex ng makitang nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Tumawa ito ng tumawa rin ako.

"Pre, welcome back." Bati ni Harold. Nagbatian kami gamit ang paraan ng kamayan namin. "Tuloy tuloy na ba 'to?" Dagdag na tanong niya. Tumango ako at umupo agad sa upuan ko. Pumikit ako at dinama ang hangin at pakiramdam na bumalik ulit sa school.

Kwento lang sila ng kwento ng mga nangyari sa school ng wala ako. Puro biruan at tawanan lang ang maririnig sa amin. Tumigil sila ng dumating na si Miss Sanchez.

"Oh? Mr. Rodriguez. Good to see you back." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin pabalik sa akin. Nagtatakang napatingin ako kina Sandrex nung kinalabit ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tss. Dapat inaasar na natin yan diba? Ano ng nangyari sayo?" Tanong niya. Nakanganga lang si Rosas sa akin habang parang baliw na nakangiti si Harold sa akin. Mga problema nito?

"Tinatamad ako." Sagot ko at nangalumbaba.

"Akala ko ba bumalik na talaga sa sarili niya yan?" Bulong ni Sandrex kay Rosas.

"Iuntog kaya natin sa pader yan mamaya? Mukhang nabaliw na ata eh?" Sagot naman ni Rosas. Lihim akong napangiti sa mga punagsasabi nila. Mga baliw talaga, di ba pwedeng tinatamad lang talaga? Tss. Di ko nalang sila pinansin at nakinig nalang kay Miss Sanchez.

--------

Breaktime.

Dumiretso ako sa office namin ngayon dahil alam kong maraming trabaho ang nagaabang sa akin. Kinausap na rin naman ako ni Harold tungkol dito kaya minabuti kong isubsob nalang ang sarili ko sa pagaaral.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang madilim na kwarto. Napabuntong hininga ako bago binuksan ang ilaw. Ganito ngayon ang nararamdaman ko. Malungkot at parang madilim ang buhay. Oo nga at nandyan sila Mama para suportahan ako pero iba pa rin talaga kapag nasanay kang kasama mo yung taong mahal mo.

Umupo ako sa table ko at binuksan ang laptop ko. I opened it at aksidenteng napindot ko ito diretso sa library kung saan makikita ang folder ng pictures namin ni Sam.

Ngumiti ako ng mapait ng makita kung gaano siya kasaya sa bawat larawan na iyon. Kuha iyon noong kami pa nung high school at ilang pictures na madalas ay stolen shot ko at ni Sandrex. Frustrated photographer din kasi ang isang yun. Bawat magagandang kuha niya kay Sam ay sinisend niya agad sa email ko.

Minabuti kong ilipat ang ibang atensyon ko sa ibang bagay. Sabi nga nila, ang daan para makalimutan at hindi mo masyadong isipin ang taong mahal mo ay sa pamamagitan ng pagiwas mo sa mga bagay na makapag papaalala sa kanya. I divert mo sa iba ang atensyon mo ng sa gayon ay hindi mo siya masyadong maisip at matutulungan mo ang sarili mong hindi malungkot.

I checked my Facebook at Instagram. Marami rin akong namiss dito. I took a selfie of mine and posted it directly in my Instagram with a caption of "Mr.Chickboy is finally back in Lee University." Isang minuto palang ang lumipas pero marami na agad naglike at nagcomment nito. Napatawa ako, iba na nga talaga kapag gwapo.

"You're smiling. That's good." Napabaling ako sa taong nagsalita sa likod ko. Nakita ko si Harold na nakangiting nakatingin sa akin. I smiled back to him.

"Yow? May gagawin ka rin dito?" Tanong ko.

"Wala naman, gusto ko lang naman na makausap ka." Seryosong wika niya.

"Tungkol sa ano ba?" Tumingin ulit ako sa laptop ko at nagsimula ng mag type sa MS Word.

"Tungkol kay Sam." Napatigil ako sa pagtipa at naikuyom ang mga palad. Hindi ko alam kung kaya ko na siyang pagusapan ngayon.

"Joke lang Pare. Haha! Masyado ka kasing seryoso eh." Dagdag niya. Alanganin akong napangiti. Ang adik eh.

"Hehe."

"Okay ka na ba talaga? Pwede mo naman kaming kwentuhan kung sakali eh." Wika niya. Muli akong ngumiti at inilagay sa ilalim ng baba ang kamay.

"Okay na ako. Hinihintay ko nalang yung pagbabalik niya." Wika ko sabay pakawala ng matipid na ngiti. Tss. Wala na talagang tigil yung pageemote ko. Nakakabakla na talaga.

Matagal bago siya magsalita kaya minabuti ko munang tapusin ang ginagawa ko. Alam ko naman na babalik siya kaya maghihintay talaga ako sa kanya. Kaunting tiwala lang sa sarili yan.

Kinuha ko ang IPod ko sa bag at nagsimulang magpatugtog.

Tanging hiling sa mga bituin.
Na minsan na sana'y ako'y iyong mahalin
Aking hiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin.
Patungo sa iyo.

Napailing ako. Pati mga kanta nakikidalamhati sa nararamdaman ko. Naisip kong hanapin si Sam, kaya ako bumangon at pumasok ulit. Hindi naman pwede na tumunganga lang ako at maghintay ng pagbabalik niya. Kailangan ko ring kumilos para mapadali ang paghahanap ko sa kanya.

Tumingin ako kay Harold na busy sa pagtitipa sa laptop niya. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanila o hindi ang ginagawa kong paghahanap kay Sam. Nahihiya na rin naman ako sa kanila. Alam ko kasi na ako rin ang may kasalanan kung bakit umalis si Sam. Kaya ako rin ang may responsibilidad na hanapin rin siya para maibalik at makapagtapat ako ng tunay ko na nararamdaman sa kanya.

Magkakabalikan kami at wala ng kahit ano mang pagsubok ang makapaghihiwalay sa amin. Magpapakatatag ako at hindi na magpapakatanga.

Kay dali lang sanang isipin lahat ng yun. Sana ganun rin kadaling gawin ang lahat.

Tumigil ako sa pagninilay nilay ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko.

Binuksan ko ito at namilog ang mata ko ng mabasa ang text ng na hire kong private investigator.

"May lead na po kami kung nasaan si Samantha Elise Concepción Sir."

-------------

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon