Warson.
"Hey ! How is it now?" Tanong ni Irish ng lumapit siya sa akin. Nandito ako sa bahay ngayon dahil magpapasukan na ulit next week at pinauwi na rin ako ni Mama kahit hindi ko gusto. Tss. Muli ko na naman naisip ang mga ginawa ko para lang maibalik siya sa akin.
Flashback.
"Chocolates? Pampataba 'to. Ayoko nito. You could give it to my Yaya instead." Reklamo nito ng dumalaw ako the next day after ng paghaharana ko. Napailing ako at itinago ang pagkalungkot sa popular ko na ngiti. Sana nga hindi magmukhang peke 'to eh.
The next day ay binigyan ko naman siya ng libro dahil alam ko mahilig siyang magbasa ng libro. I bought all the local and international writers work dahil hindi ko alam kung anong genre ang gusto niyang basahin.
"Gosh! Plano mo bang gawing library ang bahay ko? Ang daming libro nito." Saad niya ng makita ang ilang kahon ng libro. Aish. Ang mahal kaya ng bayad ko diyan. Tss.
"Paborito mong magbasa diba?" Saad ko na nagpatahimik sa kanya. Kumunot ito at tumalikod nalang bigla sa akin.
"Just leave it their. Ipapaayos ko nalang kay Yaya yan sa kwarto k-ko. Thank you". Napangiti ako nun dahil sa wakas ay tinanggap niya rin ang regalo ko sa kanya. Hindi hayop o Yaya niya ang makikinabang pa dun.
By every 3 days ang interval ng pagdalaw ko sa kanya. Yun din kasi ang utos nito sa akin. Okay lang naman sana sa akin yun kaso ayaw tanggapin ng sistema ko na hindi ko siya makikita araw araw kaya nagkasya nalang ako sa patingin tingin sa mga larawan namin noon sa cellphone ko. Putik. Nakakababa ng pag ka gwapo ko.
Flashback ends.
"Hahaha! Grabe! Hindi ko alam na ganyang pagpapahirap pala ang gagawin ni Sam sayo? Haha! Kamusta ang pagmimeet niyo ni Karma? Haha!" Wika ni Irish ng matapos kong ikwento ang ginawa kong panliligaw kay Irish in almost a month. Ang hirap talagang maging lalaki. Pero mas mahirap kapag gwapo kang katulad ko.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil ito sa kakatawa't sumeryoso agad ang mukha. Tumikhim ito bago nagsalita ulit.
"Anyway, hindi ko pa nakikita ang pangalan ni Samantha sa mga nagpaenrol this school year. Sigurado ka bang dito na ulit magaaral yun?" Kunot noong tanong nito. Tumango ako bilang sagot.
Ito naman talaga ang sinabi nito sa akin bago ako bumalik ng Manila. Na dito na daw siya ulit magaaral. Ewan ko nga kung bakit hindi pa siya nagpapakita. Nagprisenta rin naman kasi ako na ako na ang maghahatid sa kanya sa bahay nila pagkagaling ng airport. Ayokong nahihirapan ang mahal ko.
"Okay. Oo nga pala, minsan nalang kami magkatext ni Sam. Ganun ba siya ka busy sa Iloilo?" Tanong nito. I shrug my shoulder kasabay ng pagiling. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya kapag hindi ko siya nakikita. I mean, she also needs her privacy and I trust her enough naman.
"Siguro". Sagot ko.
"You know what, ngayon ko lang napansin ang ibang naidudulot ng sakit sa tao. Napapabago pala nila ito. Katulad nalang ni Sam. Look at her attitude towards you, ibang iba na kumpara sa dating Sam na sweet at napakabait. Ngayon, parang dragon na eh." Wika ni Irish. Humiga ito sa kama ko't niyakap ang hotdog pillow ko. Walang basagan ng trip huh, ang tunay na gwapo. May hotdog pillow. Hehe.
Napalingon ako sa kanya sa sinabi niya. Yeah, nagbago nga si Sam. Hindi na siya yung dating babae na kaya mong malapitan kapag may kailangan ka. Hayss. Pero kahit ganun ay mahal ko pa rin siya.
"Mahal ko naman eh, kaya okay lang." Sagot ko bago hinila ang hotdog pillow ko. Abnormal talaga 'to. Kababaeng tao tapos nandito sa kwarto ko. Pero sabagay, mas okay na rin pala 'to kesa mag stay siya kila Harold o Rosas. Mga adik pa naman yun.