Warson
"Saan siya makikita?" Nagmamadaling tanong ko sa investigator na inutusan ko. Ng mag text siya kanina ay nagmadali agad akong nakipagset ng meeting sa kanya. Mga 5 minutes lang rin ang itinagal ng paghihintay ko sa kanya bago nakarating.
"Here is her contact number and address." Inabot niya sa akin ang kapiraso ng papel bago ininom ang kape na in order ko para sa kanya. Putik, kape lang yan pero ang mahal mahal pa. Wala pa yan sa perang binabayad ko sa kanya. Tss.
Binasa ko ito at agad na itinago sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko ang cheke ko at ibinigay sa kanya. Ang yaman ko noh? Joke lang, sabi niya kasi pag nahanap ko na talaga yung hinahanap ko saka lang siya magpapabayad. Bakit ganun? Kasi gwapo ako. Yan ang malaking naitutulong ng pisikal na anyo ko sa mga business ko.
"Pupuntahan mo na ba ngayon?" Tanong niya habang mataman na nakatitig sa akin. Tumango ako sabay tingin sa relo ko. Hapon na, kailangan kong makabalik sa school mamaya.
"Oo, mauuna na pala ko. Thank You dito. Tatawagan nalang kita kapag positive." Tumayo ako at nagpaalam agad sa kanya. Dumiretso agad ako sa kotse ko para tahakin na ang daan patungo sa address na ibinigay ng private investigator.
Actually, kinakabahan na ako ngayon. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa na malaman na nandito lang sa Pilipinas ang taong hinahanap ko. Ang taong pinakamamahal ko.
Malayo layo rin sa syudad ang address na ito kaya minabuti kong mag text kila Mama na gagabihin ako ng paguwi. Nagdadrive pa rin ako nun ng marinig ko ang pagring ng phone ko. Tumatawag si Sandrex. Sinagot ko ito at ikinabit ang headset sa tenga ko.
"Wazzup Son! Sasama ka samin?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Anong pinagsasabi mo?" Sagot ko.
"Nakikita namin ang car mo. Tagaytay ang tinatahak mo na daan." Narinig ko ang tawanan nilang lahat. Batid ko'y nasa iisang sasakyan lang ang mga 'to. Tss. Sila pala yung nasa likod kong pula na sasakyan. Bakit hindi ko manlang napansin yun?
"HELLO! WARSON!" Napangiwi ako ng marinig ang sigaw ni Sandrex. Gago talaga.
"GAGO.WAG.MO.KONG.SISIGAWAN." Mariin at dahan dahan kong wika. Narinig ko na naman ang halakhakan nila. Mga adik talaga.
"Saan ba ang punta mo Son?" Boses ni Harold. Natigilan ako, sasabihin ko ba sa kanila ang ginagawa kong paghahanap kay Sam? Tss. Gusto kong ako muna ang makakaalam at makakakita sa kanya. Ayoko munang humingi ng tulong sa kanila.
"Sa sagradong lugar kung saan tanging mga gwapong katulad ko lang ang makakapasok." Sagot ko na ikinatawa nila. Pambihira tong mga 'to. Di ba kapani paniwalang gwapo ako o sadyang naiinggit lang sila sa akin?
"Ulol! Gumising ka na! Haha!" Minabuti kong patayin ang phone ko at tumigil sa isang restaurant para hindi nila mahalata ang gagawin ko. Umorder ako at kumain muna, nakakagutom kayang mag drive ng malayo.
Lumipas ang ilang minuto at alam kong hindi na nakasunod ang tatlong ugok sa akin, minabuti kong lumabas at ipinagpatuloy ang pagmamaneho para makarating agad sa lugar na nakalagay sa papel na ito.
Mga ala sais na ng hapon ng makarating ako sa address na iyon. Tumigil ako sa isang malaking bahay na may pulang gate. Nag doorbell ako at naghintay ng ilang minuto bago may lumabas na tao.
"Hello po? Sino po ang hinahanap nila?" Tanong sa akin ng babaeng sa tantya ko ay nasa bente ang edad.
"Ako po si Warson. Nandyan po ba si Samantha Elise Concepcion?" Diretso kong tanong.
Kumunot ang noo nito at magsasalita na sana ng may tumawag sa kanyang babae.
"Inday? Nasaan na po pala yung mga files na pinapahanap ko sa inyo?" Biglang tumakbo ang katulong papalapit sa tumawag sa kanya kaya minabuti kong pumasok kahit hindi nila sinabi.