The Bet √

1.5K 28 0
                                    

Warson

"Pare! Kamusta!" Bati sa akin ni Sandrex ng pumasok ako ng hapon sa classroom namin. Nakaupo ito sa armchair ng upuan ko.

"Okay lang." Nakangiti kong wika. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang katahimikan nila.

"Anong nakain niyo at ng mapakain ko sa inyo palagi para ganyan nalang kayo habang buhay?" Biro kong tanong sa kanila. Except si Harold aka Boy Serious.

Nagtinginan ang dalawa at napa iling iling  si Harold ng ulo niya. Itinaas nito ang paa nito sa upuan na katapat niya.

"Ano?" Natatawang puna ko. Inalis ko ang headset ko sa tenga at itinaas rin ang paa.

"Okay kalang ba talaga?" Nagaalalang tanong sa akin ni Rosas. Tumaas ang kilay ko. Ano ba talaga ang nakain nila? Nakakapanibago. Umupo ito sa katapat kong upuan.

"Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo bulaklak." Inis na tanong ko. Para silang babae kung makaakto.

"Ikaw na magsabi Sandrex!" Sigaw nito sabay batok kay Sandrex. Nanlaki ang mata ng isa at binatukan din.

"Gago! Ikaw na bulaklak! Ikaw ang tanong ng tanong."

"Leche! Ikaw na!"

"Hindi! Ikaw na kasi!"

Magpapatayan pa ata ang dalawang 'to bago magsalita. Sasabihin ba nila sa akin na tinatanggap na nilang ako ang pinaka gwapo sa aming lahat? Napahawak ako sa baba ko at ngumisi. Ang gwapo ko talaga.

"Nagaalala ang mga yan kasi nakita mo ulit si Sam. Ano ba ang feeling?" Kalmadong tanong ni Harold.

Natigilan ako. Ini expect ko na itatanong nila pero hindi ko napaghandaan ang isasagot. Idinaan ko ang kaba sa pagtawa.

"Gago to si Harold. Bakit mo sinabi!" Inis na wika ni Rosas. Lumakas ang pagtawa ko na ikinalingon nila.

"Sus! Okay lang ako! Bakit hindi ako magiging okay? Siya lang yun at naka move on na ako." Proud na wika ko.

Nagtinginan sila sa isa't isa at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Matagal na katahimikan ang bunalot sa amin.

Natigil lang ito ng may marinig kami na ingay sa labas ng classroom.

"Wow! Dyosa yan pare!"

"Hindi diwata yan."

"Tangek! Artista yan."

"Hindi! Yan yung hinulog sa akin ni lord para maging asawa."

Kumunot ang noo ko ng makita ang pinagkakaguluhan nila. Nakatalikod ang babae na may mahaba na buhok at hindi alintana ang mga mata na nakatingin sa kanya. Nagkibit balikat ako at hindi ito pinansin.

Another slut in the campus? Ngumiti ako.

Pero natigil ang pag iisip ko ng marinig ang sigaw ni Rosas.

"Warson! Si Sam!"

Agad kong tinakbo ang hagdan pababa ng room at sumigaw para mahawi ang daan ng nagkukumpulan na estudyante. Akmang lalapitan ko ito ng lumabas ang pinsan ko at kinausap ito.

Natigilan ako. Naisip ang ginawa ko ngayon. Bakit ko ba siya lalapitan? Nasabunutan ko ang sarili ko ng hindi ko ito mahanapan ng sagot.

At saka ano bang ginagawa niya rito? I shake my head to erase that question from my mind.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon