Warson
"Warson! Bumangon ka na diyan! Nandyan na sila Irish." Narinig kong sigaw ni Mama sa kabilang pinto. Naiinis na tinakpan ko ang tenga ko ng unan.
Kapag ako ang naging presidente. Ipagbabawal ko ang paggambala sa gising ng mga taong natutulog. Ang aga aga gigisingin ako!
Mabuti na lang at hindi na sila nag ingay pa. Maipagpapatuloy ko na ang pagtulog ko. Ngunit muli kong narinig ang pagbukas ng pinto. Amoy niya palang kilalang kilala ko na.
"Male late na kami! Bumangon ka na nga diyan!" Inis na mas inipit ko pa ng unan ang tenga ko. Ang ingay talaga ng mga babae kahit kailan! Pero hindi ko na nakayanan ang muli niyang pagsigaw.
Bumangon ako. I looked at her while my right eye is still close and my left eye is open. Mga piling gwapo lang nakakagawa niyan.
"Ang ingay mo talagang babae ka." Reklamo ko sa kanya habang kinukusot ang mata. Humikab ako at nag inat. Inalis ko ang kumot sa katawan ko. Ipinakita ko sa kanya ang dashboard abs ko. Ngumisi ako ng makita ang pagpula ng mukha nito.
"Leche ka Son! Magbihis ka nga! Nakakainis ka. Hihintayin kita sa baba! Leche na umaga! Bwisit!" Sigaw ni Irish. Tinakpan agad nito ang mata at tumalikod bago nagmarcha paalis ng kwarto ko.
Tagumpay na napangiti ako. Napapala niya sa pambubulabog sa akin. Sabay kasi kami na nagpupunta ng school, inutusan ni Mama. Kapag ako lang kasi mag isa, hindi ako nakakarating sa school. Tatambay pa ako sa computer shop at maglalaro. Kaya ayan, pinapasundo ako kay Irish.
Nagkibit balikat ako at pumasok sa cr para maligo. Matapos ay nagbihis ako at nagtake ng photo. Selfie Monday namin ngayon ng mga kabarkada ko. Pagkatapos ay pinost ko agad sa Facebook ko at tinag sa kanila. Hindi ko mapigilan ang pagngisi ng makita kung gaano ako kagwapo.
Paramihan kami ng like ng photos ng mga kabarkada ko at kung sino ang may pinaka maraming likes ang siyang mananalo at ibibili ng kahit ano ng mga natalo.
Pinapangit ko na ang post ko para manalo naman sila. Lagi nalang kasi ako ang nananalo. Dapat makatikim rin ako ng pagkatalo kahit minsan. 'Ika nga nila, Give chance to others, right?
"Kuya! Post muna!" Sigaw sa akin ng bunso namin na kapatid ng makarating ako sa dining room. Nag post ako at pinicturan niya ako agad.
"Kumu quota kana bunso huh. Anong gagawin mo diyan?" Yan ang madalas na tanong ko sa kanya pero matagal na rin akong hindi nakakakuha ng matinong sagot sa kanya.
"Secret." Nakangiti na sagot ni Andrea. Bunso ng pamilya. Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos ay tumakbo agad papunta kay Mama.
"Kanina pa nakasimangot si Irish. Bilisan mo nga Kuya." Masungit na wika ni Mai. Nakabihis na rin ito tulad ng bunso namin.
Sabay sabay kasi kaming umaalis para tipid na rin sa gas. Tiningnan ko ang oras at 7am na. May 30 minutes pa pala before time.
"Tara na!" Yaya ko sa kanila. Kinuha ko ang isang slice ng tinapay at nagpaalam na sa kanila. Mang aasar muna ako sa dalawa.
Dumiretso ako sa labas at sumakay sa kotse nila Irish. 17 palang si Irish kaya hindi pa pinapayagan na mag drive mag isa. May sarili rin naman akong kotse kaso dinala ni Ate yung susi dun sa States kaya di ko magamit gamit.
Napasimangot ako ng maalala siya. Sa aming magkakapatid siya ang pinaka ayaw kong makasama. Ipinilig ko ang ulo ko para hindi siya isipin ulit. Nakakasira lang ng gwapo kong umaga.
"Tara na Kuya.." Narinig kong wika ni Irish ng sumakay ako sa passenger seat katabi ni Kuya. "Mabuti naman at hindi mo nagawang magpalate ng gising." Masungit na puna niya. Ngumisi ako sa kanya pero umirap lang ito sa akin. Gwapong gwapo talaga sakin 'tong pinsan ko.