Warson
Simula ng bagong taon ko pa nararamdaman ang kakaibang damdamin na ito. Iba talaga ang epekto sa akin nung sinabi ni Sam nung New Year's Eve.
"Mr. Rodriguez.."
Fvck. Mamahalin niya daw ako kahit peke lang ang relasyon namin. Sinong tao ba ang hindi kikiligin dun? Minsan lang ang mga babaeng ganun.
"Mr. Rodriguez.."
Mahal ako ni Sam? Mahal niya nga ba talaga ako? Pero diba nga iniwan niya ako dati? At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman laman ang naging rason niya. Tss.
"Mr. Rodriguez.."
Simula ng araw na iyon ay pabalik balik lang sa isip ko ang mga nangyari. Imagine! Mahal talaga ako ni Sam! Posible rin ba na mahal ko pa rin siya? Tss. Hindi! Hindi dapat mangyari yun.
"Mr. Rodriguez!"
"Ay kabayo!" Lecheng teacher 'to oh. Narinig kong naghagikhikan ang iba kong classmate. Pigil na tawa naman ang pinakawalan nila Rosas.
"Anong kabayo!" Sigaw niya.
"Sabi ko Ma'am mukha kang kabayo." Sagot ko. Nakita ko ang pag usok ng ilong niya.
"Anooo!" Sigaw niya pabalik. Makikipag sigawan ba sakin si Maam? Baka matalo lang siya sa lakas ng boses ko.
"Joke lang Maam. Ano po ba yun?" Kailangan kong magpakabait diba? New Year's Resolution ko nga kasi. Tss. Yan na naman tayo sa NYR na yan eh. Mahal daw ako ni Sam eh.
"Mr. Rodriguez!" Nabigla ako ng sumigaw na naman ang teacher namin. Tss. Pambihirang teacher naman to oh. Dapat may batas sa Pilipinas na kapag ang teacher ay sumasagot o sumisigaw sa estudyante niya ay makukulong ng ilang taon. Idadagdag ko pa ang pagkakakulong ng ilang buwan kapag nahuli ang guro na iniistorbo ang estudyante sa pagdi day dreaming. Tss.
"Ano na naman Ma'am? Tss." History kasi ang subject namin sa kanya.
"Kapag hindi mo 'to nasagot ng maayos ay lalabas ka kaagad ng classroom natin." Pagbabanta niya. Tumango ako at taas noong tumayo. Matalino kaya ako.
"Kung ika'y bibigyan ng pagkakataon ng magiging presidente. Anong batas ang iyong ipapanukala." Ngumiti ako sa tanong niya bago sumagot.
"Kung ako'y bibigyan ng pagkakataon na maging presidente, dadagdagan ko ang mga batas ng mga tao. Ang mga karapatan nila at mga nararapat nilang gawin ." Nakita ko ang pagtango tango niya. O diba? Sabi ko sa inyo eh. Matalino nga kasi ako.
"Hmmn. Pwede, tulad ng mga ano?" Dagdag niya. Muli akong ngumiti bago sumagot. Pumunta ako sa harap at tumingin ng diretso sa mga mata ng classmate ko. Kahit natatawa ay itinikom ko ang bibig ko.
"Unang una sa lahat, ipapanukala ko ang batas na nagsasabing bibigyan ang mga tambay ng sweldo. Ang mga mayayaman ay mararanasan kung paano ang maging mahirap sa pamamagitan ng palitan ng kabuhayan ng mga tao. Gagawan ko rin ng batas ang tungkol sa pagsagot sagot ng guro sa mga estudyante. Sila ay makukulong ng ilang taon at mapapawalang bisa lang ang kasalanan nila kapag gusto ko na. Ikatlo, ang lahat ng mga pangit ay ipapadala sa ibang bansa para paretokohin para makilala ang bansa natin na humahawak sa title na "may mga pinakamagandang tao sa mundo" at ang huli ay ilalagay ko ang condom as part of our necessary needs. Yun lang po maraming salamat." Wika ko sabay bow. Nagsigawan ang mga classmate ko at nakita kong nalaglag ang panga ni Ma'am. Sabi ko sa inyo eh. Smart ako.
"Mr. Rodriguez! Get out of this room! Now!" Tss. Tingnan mo nga naman. Sinagot ko naman ang tanong niya ah? Anong mali dun? Kailangan ko na nga atang maging presidente ng Pilipinas para maipanukala at mabigyan ng hustisya ang mga estudyanteng katulad ko na pinapalabas ng classroom kapag sinasagot nila ng tama ang guro. Tss.