Agreement √

1.1K 21 0
                                    

Warson

Napanganga ako ng marinig ang sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Inayos ko ang upo ko at humalakhak.

"Nagbibiro ka ba? Matagal na pero hindi ka pa nakaka move on? Grabe! Natatawa ako!" Hinawakan ko pa ang tiyan ko habang tawa pa rin ng tawa. Ang galing niya kasing mag biro! Parang totoo!

Pero natigilan ako ng yumuko ito. Nakaramdam ako ng awa. I am about to comfort her when she smiled at me.

"O-oo. Nagbibiro lang ako." Nginitian ko siya pabalik. I am right. Nagbibiro lang siya pero bakit nakakaramdam ako ng pagka dismaya?

"It's good." Mahina na wika ko. Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko matapos ang lahat ng awkward namin ngayon.

Nakita ko ang bulaklak sa gilid namin. Rose? Saka ko naalala ang bet namin. Baka pwede kong sabihin sa kanya na tulungan akong manalo para sa kotse? Napangiti ako at tinawag ang pansin niya.

"Sam.."

Nag angat ito ng tingin at tumingin sa akin. Kumunot ang makinis na mukha nito. "Ano yun?"

"Hindi mo na ako mahal diba?" Namula ang mukha nito at tumango.

"O-oo. B-bakit?" Nagsalubong ang kilay ko sa sagot niya. Pero ngumiti rin ako pagkatapos.

"Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?" I need to win this bet. Ipapalamon ko kina Sandrex ang mga kotse nila. Napangiti ako ng ma imagine na kinakain nila ang mga ito. Pero naputol ng lumingon sa akin ang namumula na si Sam.

"H-huh? Bakit a-ako?" Bumuntong hininga ako. Mahaba haba ang paliwanagan na mangyayari sa amin.

Sinabi ko sa kanya ang lahat. Pero hindi ang plano ko na gantihan siya para maipa mukha sa kanya ang kagwapuhan ko na sinayang niya noon.

Teka. Naka move on na talaga ako. Gusto ko lang talaga siyang gantihan. Kung hindi niya na ako mahal,  edi mabuti rin. Pero sisiguraduhin ko na mamahalin niya ulit ako para kapag iniwan ko siya ay iiyak siya ng todo.

Pagkatapos kong sabihin ang lahat ay yumuko ito. Hindi ko tuloy makita ang naging reaksyon niya sa lahat.

"Papayag ka ba? One month lang ang hinihingi nilang palugit. Pagkatapos nito ay kanya kanya na tayo. I'll give you the other car as a reward." Nakangiti ko na offer sa kanya. Syempre, mas maganda kung fair diba? Pero sa akin na yung sport car ni Sandrex.

"At saka we will have our own contract. Para patunay na sa iyo nga talaga mapupunta ang isang sasakyan. Hindi kita tatakbuhan. May isang salita ako. Promise!" Itinaas ko ang kamay ko at nangako. Ngumiti ako na ginantihan niya ng matamis ngiti.

"Okay. I'll help you." Nanlaki ang mata ko. Sa sobrang tuwa ay napatayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank You! Thank You Sam!" Paulit ulit na wika ko. Natigilan lang kami ng biglang mag palakpakan ang mga tao sa paligid.

Namula ang mukha ko at nahihiya na kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Fvck! Naka move on na talaga ako! Promise!

"Dadaan muna tayo sa isang linggong ligawan pagkatapos ay sasagutin mo na ako  hanggang sa abutin tayo ng one month. Pero dapat tayo lang ang nakakaalam nito."

Tumango ito at ngumiti ulit sa akin. Hindi ko pinansin ang nanunudyo na tingin ng lahat. Masyado akong masaya para pansinin pa sila.

--------

Ng makarating sa bahay ay nakita ako ni Ate papasok. Tumakbo ito palapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Big bro! Kamusta ang date niyo?" Nakangiti nito na tanong.

Naalala ko ang kotse na mapapasa akin kaya napangiti ako ng malawak. "Okay lang."

Nanlaki ang mata nito at talon ng talon sa sobrang saya.

"Waaah! Sabi ko na eh! Inlove pa rin kayo sa isa't isa! Waaah!" Napa face palm ako ng nagsisigaw si Ate. Nagsilabasan ang mga kapatid ko ng marinig ang sigaw.

"Ate? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Mai.

Nagpose ako ng kumuha si Alexia ng picture ko. Gwapo pa rin ako kahit stolen shot lang yung mga pictures kaso ayoko ng mga ganun kaya kapag may nakikita akong kukuha ng picture ko ay nagpopose agad ako. Pogi kasi ako.

"Si Sam na ulit at Warson!" Naitakip ko ang kamay sa tenga ko ng marinig ang matinis na sigaw ni Ate. What the hell?!

"Weh? Di nga?" Kumunot ang noo ko na makita si Irish sa gilid ko. Anong ginagawa ng pandak na ito dito? Gabi na ah? Naka pajama ito at may hawak hawak na gatas. Magmo movie marathon siguro 'tong dalawa.

"Hindi pa. Liligawan ko palang at pumayag agad." Nakangiting wika ko. Tumalon talon sa tuwa sila Ate at Alexia habang si Mai naman ay walang paki na umalis. Ang pandak ko lang na pinsan ang nakatitig sa akin ng mabuti. Parang sinusukat kung nagsasabi talaga ako ng totoo. Una akong nagbawi sa sukatan namin ng tingin at paakyat na sa kwarto ng tinawag ako ni Irish.

"Warson.."

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang malungkot na mukha niya. "Oh?"

"Please.. Don't hurt Sam." Iniwan niya akong natitigilan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin dun? Nagkibit balikat ako at umakyat sa kwarto ko.

Tinawagan ko agad ang tatlo para sabihing pumayag na si Sam sa gagawin kong panliigaw. Humiga ako sa kama ko at inunan ang braso sa ulo.

"Ganun kabilis? First date palang!"

"Are you kidding?"

"Tss..."

"Oo nga. Kahit itanong niyo pa. Bukas nga magsisimula na akong manligaw sa kanya!" Pagmamalaki ko. Ngumisi ako sa kanila kahit hindi nila nakikita.

"Matatalo yata kami!" Reklamo ni Sandrex. Tinawanan ko sila at nag asaran. Maya maya ay nagpaalam na si Harold na mag re review pa, sumunod si Sandrex at pinatayan ko ng tawag si Rosas. Napangisi ako, nai imagine ko na ang galit niyang mukha.

Bumuntong hininga ako at naisip ang mga gagawin ko bukas. Actually ay planado ko na ang lahat kapag bumalik si Sam pero hindi kasama dito ang panliligaw sa kanya.

I breathe in. Kaya ko 'to.

---------

√ Edited.

Vote. Comment.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon