SC : Sandrex Girl

495 12 0
                                    

Sandrex.

Araw araw pagkatapos ng klase ay dumidiretso ako ng park para mameet siya. Kung hindi sa park ay sa 7/11 naman.

Araw araw rin naman kami nagkakausap. Hindi alam nila Warson ang tungkol dito. Gusto ko kasi private ang buhay love life ko.

"Sandrex! Nandito ka na ulit!" Wika niya. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Tila natulos ako sa kinatatayuan ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Hoy! Ayieeeh! Crush mo na ko noh?" Wika niya. Tila nanlamig ang buo kong kalamnan. Nag init ang buo kong pisngi. My goddd!

"Hoy! Hindi noh!" Umiwas ako ng tingin at umupo sa bench. May root beer kasi ako na dala.

"Haha! Alam mo ba! Ngayon ko lang napansin ang pangalan natin. Sandra and Sandrex. Wow! Puro buhangin! Hahaha!" Wika niya at tila nagti twinkle pa ang mga mata nito. I smirked.

"Ikaw ata ang may crush sa akin eh!" Pang aasar ko sa kanya.

"Oo!" Nangingiti niyang sigaw. Natigilan naman ako. Hindi naman ito ang unang beses na may nagtatapat sa akin pero iba pala kapag ang nagsasabi nito sayo ay taong gusto mo rin. Fvck! Did I just said it? Nevermind.

"Hahaha! Minsan lang ako magka crush. Kaya dapat matuwa ka." Napangiti nalang ako. Ginugood time niya lang ata ako eh.

Nagulat ako ng bigla nalang siyang tumayo. Lumapit siya sa puno malapit sa bench na inuupuan namin. Kumuha siya ng pocket knife at may isinulat doon.

Tumayo ako at sinundan siya. I saw her writing something. Ng matapos siya ay humarap siya sa akin at tinakpan ang mata ko. I heard her counting from 5 to 1.

"Two.. One.. Tsaran!" Sigaw niya at ng idinilat ko ang mata ko ay napangiti ako.

Sand <3 Infinity.

"Haha! Bakit infinity na 'to?" Natatawa kong tanong.

"Walang forever kasi kakabreak lang namin ng boyfriend ko nung 23". Natawa ako dahil nag pout pa siya at parang bata. Pfft.

"Tara na nga't mag food trip!" Inakbayan ko siya't hinatak papunta sa tindero ng fish ball. Ito rin ang naging gawain namin dito kapag tumatambay sa park. Magkikwentuhan, magaasaran at maghaharutan. Ang hyper nga ng babaeng 'to eh.

Tawa ng tawa lang siya habang pinapahiran ako ng sauce ng fish ball. Pfft. Isip bata talaga 'to.

------

Isang araw ay papunta ako sa Park. Alam kong sinusundan ako ng mga ugok na yun kaya iniba ko ang daan ko. Dumiretso ako sa bahay. Naka one month na pala kaming pagkikita ni Sandra. Iba na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang more than friends na.

Minabuti kong umuwi sa bahay at ng malaman kong wala na yung mga ugok ay lumabas agad ako ng bahay. Kumuha ako ng flowers sa garden nila Mama.

Habang papunta sa park ay nakasalubong ko ang powerpuff girls. They're wearing their respective colors. Haha!

"Hi Prince Sandrex! Para sa akin ba yang bulaklak na yan?" Tanong ng nakakulay red.

"No! Para sa akin yan!" Sigaw ng naka color blue.

"No. It's mine." Sigaw ng naka yellow.

I saw Sandra on the back of the girls. Ngumiti ako sa kanya at kumaway naman siya agad. Napatingin ang powerpuff girls at nagulat ng makita si Sandra.

"My god! Our Prince Sandrex is in love with that crazy girl?!" Reklamo ng naka red.

Dumaan lang ako sa harap nila at dumiretso kay Sandra. Inakbayan ko siya at hinarap ang triplets.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon