Second Life.

715 14 0
                                    

Warson.

Nagising ako na tila nanggaling ako sa mahabang pagtulog. Iminulat ko ang mata ko't nakita kong natutulog si Mama malapit sa higaan ko. Hawak hawak nito ng mahigpit ang kamay ko at napansin ko ang mugto nitong mga mata. Iginalaw ko ang kamay ko at iniabot ang mukha niya. Pinunasan ko ang mata niyang may luha.

Iginala ko ang mata ko't nakita ko sila Mai at Alexia na nakaupo sa sofa at natutulog habang nakasandal ang ulo kay Ate. Si Papa naman ay nakatulog rin sa paanan ko. Nakarinig ako ng hilik at nakita ko ang dalawang ugok na nakahiga sa sahig habang magkayakap. Napangiti ako.

Gabi na pala. Tumingin ako sa orasan at 1:00pm na.

"Son? Gising ka na?" Wika ni Irish. Inabutan niya ako ng tubig at agad kong inubos ang laman nito. Nagpasalamat ako sa kanya at nginitian. Ngumiti rin ako sa kanya. Inilagay ko ang index finger ko sa pagitan ng labi ko para senyasan na tumahimik siya. Pero na gising na si Mama at agad na pumalahaw ng iyak. Nagising rin ang iba at dinamba ako ng yakap.

"Waaaah! Gising ka na Kuyaa!" Sigaw ni Alexia at Mai. Niyakap nila ako ng mahigpit at natatawang pinalo ako.

Pansin ko ang pagod sa kanilang mga mata. Ang mga eye bags nilang pwede ng kiluhin sa pagkalaki laki.

Panaginip lang pala ang nangyaring lahat. Napagalaman kong isang linggo rin akong nandito sa hospital. Pasalamat daw sa nagligtas sa aking babae dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala na daw ako ngayon.

Tumahimik silang lahat ng tanungin ko ang kalagayan ni Sam.

"Anak.." Wika ni Mama. Lumamlam ang mata ko't nanikip ang dibdib ko. Hindi pa naman siya patay diba? Aantayin niya pa daw ako eh.

"Ma. He needs to know the truth." Singit ni Ate. What truth it is?

"Ano yun Ate?" Kinakabahang tanong ko.

"Kakagising lang ni Warson Anak --"

"She's still in Coma." Wika ni Ate. Napabagsak ang balikat ko pero napangiti pa rin. At least may pagasa pang mabuhay siya. Gagawin pa namin ang Forever namin.

"You need some rest 'Bro." Wika ni Ate at muli akong napabalik sa pagtulog.

--------------

Hospital, Bahay, Eskwelahan.

Yan lang ang palagi kong pinupuntahan matapos kong makalabas ng hospital nitong nakaraang linggo. Stable na ang kalagayan ko't hinihintay ko nalang ang pag gising ni Sam. Kailangan niya na ring gumising dahil itutuloy pa namin ang forever namin.

"Anak? Hindi ka ba napapagod?" Tanong sa akin ni Mama nung nakauwi ako sa bahay isang araw pagkagaling sa school. Morning naman lahat ng pasok ko at gabi naman ang oras ng pagbabantay ko kay Sam. Umuuwi lang ako sa bahay para maligo at kumain. Pero madalas ay sa hospital at sa fast food chain na rin ako kumakain.

Tumingin ako kay Mama at ngumiti sa kanya.

"Bakit naman ako mapapagod Ma? Kapag si Sam na ang pinaguusapan ay walang pagod pagod." Kinuha ko ang chocolate loaf at inilagay sa bag. Babaunin ko nalang 'to dahil nagmamadali akong puntahan siya.

"Halos dun na kasi ang bahay mo. Pinagsasabay mo ang pagbantay kay Sam at ang pagaaral mo." Wika niya. Humalik ako kay Mama at nagpaalam na aalis na.

"Okay lang po ako Ma. Aalis na po ako." Wika ko. Magsasalita pa sana ito pero minabuti nalang nitong itikom ang bibig nito. Kaya mahal ko si Mama eh. Sinusuportahan niya kami sa gusto namin.

"Sige. Mag iingat ka." Wika niya.

Sumakay ako sa kotse ko at tinahak ang daan patungo sa hospital. Pagdating ay naabutan ko sila Sandrex at Rosas na nakikipaglandian sa mga batang nurse. Tss. Mga 'to talaga oh.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon