Christmas 1.2 √

815 26 0
                                    

Warson

"Hindi ko alam na makakaya niyo ng gawin ang mga ganung bagay anak. Ikaw na ba ang susunod sa bagito? Bata ka pa!" Hindi ko mapigilan na mapa face palm ng tumulo ang luha sa mata ni Mama.

After she saw Sam in my room, she instructed me to follow her in our living room. Sumunod rin si Sam at mga iba ko pang kasama. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinasabi ni Mama.

"Mama.. Mali po kayo ng iniisip." Pag uulit ko. Ilang beses ko ng sinabi ito pero paulit ulit pa rin nito sinasabi na may nangyari sa amin ni Sam. Like what the hell?! Virgin pa nga ako!

"Ano'ng ibig sabihin ng nakita ng mga kaibigan mo at ng mata ko kanina? Nakahubad kayong dalawa tapos walang nangyari?! Tigilan mo nga ako Warson!" Nanlalaki ang mata na tanong nito. Ngumuso ako, hindi ba sila nakikinig sa akin?

"Hindi ko nga alam kung paano siya nakapasok sa kwarto ko Mama. Nakita ko na lang siya sa loob ng banyo na nakahubad na." Saad ko. Pumikit ako at sumandal sa sofa. Pero agad na nanlaki ang mata ko ng ma-realize ang sinabi. Nakita ko silang nakanganga at natigilan.

"What?! Nakita mo na siya na nakahubad!" Irish exclaimed. Hindi ko napigilan na mapa irap.

"Hoy! Legs lang naman ang nakita ko noh! Tumalikod kaya ako agad!" Naiinis na wika ko. Bakit ba ganito agad ang takbo ng isip nila? Hindi ko nga mahal si Sam tapos gagalawin ko pa? Pinagbibiro ba nila ako?

Napalingon ako sa dalawang lalaki na kanina pa nagpipigil ng tawa. I know what they are thinking. Gustong gusto talaga nito na nakikita na pinapagalitan ako.

"Sigurado ka bang wala talagang nangyari sa inyo?" Napalingon ako kay Mama ng muli itong magtanong. Ilang beses akong tumango ng tumango.

"Opo! Promise!" Mabilis kong sagot. Napalunok ako ng mataman ako nito na tinitigan. Pero mayamaya ay bumuntong hininga ito at ngumiti sa akin.

"Good." Wika nito at umalis patungo sa kusina. Dito ako tuluyan nakahinga.

Nakarinig ako ng buntong hininga sa kanan ko. From there I saw my younger sister sighed. Kumunot ang noo ko.

"Ano'ng nangyari sayo?" I asked.

She sighed again. "Sayang. Akala ko  magkakaroon na kami ng pamangkin." Naiinis na tumayo ako. Hindi ko siya sinagot at hinila si Sam na kanina pa tahimik sa tabi ko. We really need to talk something.

"Teka! Bakit mo isasama si Sam?" Histerical na tanong ni Irish.

"Gagawa na kami ng pamangkin niyo!" Inis na sigaw ko. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga kaibigan ko na nagpa init pa lalo ng ulo ko. Mga gago.

Dinala ko si Sam sa terrace namin. Alangan sa kwarto ko diba? Edi nasapak ako ng mga kapatid at mama ko. Isa rin 'to eh, hindi manlang kasi nagsasalita ng kinakausap ako kanina. Ako lang tuloy ang nag tanggol sa sarili ko.

"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Sam. Binitawan ko ang kamay niya at pina upo sa upuan sa tabi ko.

"Maguusap tayo." Mariing wika ko. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. Ng hindi siya magsalita ay nagsimula ako sa pagtatanong.

"Bakit ka na sa kwarto ko pagkagising ko kanina?" Pagsisimula ko.

"Akala ko kasi yun yung kwarto na binigay sa akin ni Irish. Mali ako ng napasukan kaya pasensya na." Wika niya.

"Bakit kasi naligo ka pa dun? Di mo ba alam na lalaki ang may ari ng cr na 'yun? Di mo rin ba alam na baka makita tayo nila Mama at kung ano ang iisipin nila? Lalaki ako at babae ka kaya may iisipin silang mali!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw sa sobrang inis. Matalino si Sam pero pakiramdam ko ngayon parang hindi.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon