Ligaw : Day 3 and 4 √

1K 18 3
                                    

Warson

"Usap usapan ang banner mo sa labas! Ang sweet sweet! Nakakabakla!" Ngumisi ako kay Rosas at humalakhak ito na umakbay sa akin.

Nakapaskil sa gate ang banner ko na may nakasulat na. "Warson's heart owned by Samantha." Lahat ng mapapadaan dito ay kinikilig at kinukuhaan ang ng picture. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa tuwing maiisip ang magiging reaksyon ni Sam dito.

"Umaasenso si Loverboy! Ilang libo nagastos mo dun? Gara natin!" Tanong ni Sandrex.

Nakipag apir ako sa kanila. Ngayon ay alam kong nakita niya na ito. Na ipost niya na kasi ito sa Instagram niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti.

"Ano ba talaga ang reason ni Sam at iniwan ka niya?" Natigilan ako sa tanong ni Sandrex. Sa totoo lang ay hindi ko ito tinanong sa kanya. Hindi ko na kailangan pang malaman ang dahilan. Hindi na nito maibabalik ang lahat.

At pareho na kaming naka move on kaya wala na akong pakialam dito. Nagkibit balikat ako at sumagot.

"Ma at Pa."

"Huh?" Nagtataka na tanong nila. Tumawa ako at lumabas ng room. Tatambay ako sa Engineering Department. Mas malamig doon at presko. Narinig ko ang pagtatalo ng dalawa bago ako tuluyang makaalis.

"Ano ba yun?"

"Mama at Papa ata yun?"

"Huh? Eh anong connect nun sa pagalis ni Sam?"

"Baka ayaw ng parents ni Warson?"

"Ang bait kaya ng parents nila."

"Eh ano yun?"

"Ewan. Nakakabobo rin si Warson paminsan minsan eh."

"Tara bigti!"

"Harold ano ba meaning nun?"

"Malay ko at pakialam ko." Sagot ni Harold. Nakita niya ako at inakbayan bago sumabay sa akin paalis.

"Ano daw?" Tanong ni Sandrex. Napahalakhak ako ng malaman na hindi pa rin talaga nila nakuha.

"Malay daw niya at pakialam niya. Ang labo nilang kausap. Hay naku."

"Kaya nga. Buti nalang matalino tayo."

Napahalakhak ako ng makita ko silang magkahawak kamay na lumabas ng classroom. Ginulat ko sila at napayakap sa isa't isa. Pinicturan ko sila bago tumakbo ng tuluyan papunta sa Engineering Department. Sigurado akong trending na to sa school website pag nagkataon.

------

Day 4

Sam

This is the last day at bukas na ang plano kong "sagutin si Warson". Sabi niya isang linggo lang ang dapat itatagal ng panliligaw niya kaya nagpiprepare na ako ng gagawin para dito. Kinausap ko na rin si Irish para magpatulong sa gagawin kong surprise para bukas. Saktong sakto na Friday at katapusan ng first week ng December.

Ewan ko pero kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam pero grabe ang kaba sa dibdib ko. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa department namin ng may bumunggo sa aking grupo ng mga babae.

"Ouch!" Reklamo ng mukhang clown na babae. Makareklamo siya parang siya talaga yung nasaktan. Ako kaya yung natamaan. "Tingnan mo nga yang dinadaanan mo!" Wika nito habang nanlilisik ang mga mata.

"Ikaw ang naunang nakasakit." Kalmado kong wika. Sa totoo lang ay ayokong makipag away sa kahit kanino ngayon.

"Aba't sumasagot ka pa. Nakikilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo!" Nakaabang ang tatlo niya pang alalay at parang handa na akong patayin. Kabago bago ko palang dito may makakaaway na agad ako.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon