Operation:Finding Sam

757 18 0
                                    

Warson.

Hawak hawak ko ang mapa kung saan may pulang marka kung saan namin posible makikita ang lahat ng taong nag ngangalang Samantha Elise Concepcion sa Pilipinas. Napanganga ako ng makita ang binigay sa akin na bilang ni Harold ng mga taong ganun ang pangalan.

"Saan kaya ang uunahin natin diyan? Masyadong marami eh. Tss." Reklamo ni Rosas. Nakapalibot kami sa isang round table at lahat ay nakapangalumbaba kakatingin sa mapa ng Pilipinas. Naaasar ako, ang liit liit nga ng Pilipinas pero bakit sobrang lawak naman ata ng mga lugar dito? Malayo layo rin ang tatahakin namin noh. Tss.

"Ano kaya kung yung malalapit na lugar muna? Ano sa tingin niyo? Ang lawak ng Luzon eh, the other day nalang ang Visayas at Mindanao. Whooo! Grabeng road trip to Men!" Natutuwang wika ni Sandrex.

"Tama si Sandrex. Unahin muna natin ang Luzon since malapit lang naman tayo dito. Ano sa tingin niyo?" Tanong naman ni Harold.

"Sakin okay lang, chikababes hunting na rin tayo. Haha!" Dagdag ni Rosas. Binato ko siya ng ball pen na hawak ko. Abnormal talaga, babae nalang lagi yung laman ng utak eh. Tss.

"Wow! Hiyang hiya naman ako sa pagbato mo. Akalain mo! Ang Chick boy pa talaga ang nangbato? Pang aapi na to ng mga gwapo men!" Umupo ito sa sofa at napapakamot ng batok. Adik talaga.

"Tss. Tigilan niyo na nga yan. Di natin matatapos ang task natin dito eh. Tss." Pagsusuway ni Harold. Tumahimik naman kami at nakinig nalang muna sa sasabihin niya. Para rin naman sa akin ito kaya makikinig muna ako.

"Ganito ang plano. Every weekends lang tayo aalis. Since magtatapos na ang 2nd year life natin kailangan natin na i balance ang oras natin sa pagaaral at dito rin. Okay lang naman sa inyo iyon diba?" Tanong ni Harold. Tumango kami at hindi na nagbigay komento pa. Naghihintay kami sa susunod pa niyang sasabihin.

"So, Rizal ang una nating iiukutin. Masyadong malaki ang lugar na ito pero dahil ito ang pinakamalapit sa location natin ay yun nalang ang napili ko. Ihanda niyo na ang gagamitin natin dahil mahabang byahe ito. Buong araw rin ang gugugulin natin para matapos ang paghahanap natin sa Luzon area." Tumayo kami at nag unat ng kaunti.

"Whooo! Let's start our road trip now!"

----------

"Saan ang punta niyo Kuya? Bakit Van yun dalang sasakyan nila Kuya Harold?" Nagtatakang tanong sa akin ni Alexia ng maabutan niya akong nakaharap sa salamin at inaayos ang buhok ko. Alam ko naman na gwapo ako pero kailangan ko pa rin naman panatilihin ito para sa oras na mahanap namin si Sam eh hindi siya magsasawa sa akin.

"Sa tabi-tabi lang bunso." Sagot ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Itinaas baba ko ang kilay ko at ngumiti sa kanya.

"Ang laswa mo Kuya. Saan ba yung tabi tabi na yan?" Tanong niya. Imbes na sagutin siya ay kinuha ko na ang malaki kong bag at patakbong bumaba. Bumusina na kasi yung mga ugok kaya alam kong naiinip na yung mga yun.

"Ma! Aalis na po ako! Bukas nalang po yung uwi ko! Byeeee!" Sigaw ko. Nakapagpaalam na rin naman kasi ako sa kanila kagabi. Buti nga pinayagan agad ako. Iba na talaga kapag gwapo.

"Leche! Ang tagal ah!" Reklamo ni Rosas ng pagbuksan ako ng Van. Inilibot ko ang tingin ko sa loob nito. Si Harold ang driver namin, malalaki rin ang bag na dala nila at prenteng nakahiga si Sandrex sa dulo. Si Rosas naman ay may hawak na curls at nakaharap sa laptop niya. Adik. Ang sasarap ng mga buhay.

Umupo ako sa tabi ni Harold at inihagis sa likod ang bag pack ko.

"Arayyyy! Leche naman oh!" Reklamo ni Rosas. Napailing ako at sinensyasan si Harold na paandarin na ang Van. Huminga ako ng malalim.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon