Special Chapter 2

887 19 0
                                    

Rosas.

Ako si Rosas Santino. Ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng lupa. Ako lang naman ang tao na kapag nakaside view ay kamukhang kamukha si James Reid, kapag nakatalikod ay walang panama si Zack Efron at kapag nakaharap naman ay nalalamangan ang mga grupo ng One Direction sa sobrang kagwapuhan.

18 years old at nakatira sa magandang paraiso na gawa ng aking ina. Nagtataka ba kayo kung bakit Rosas ang pangalan ko? Mahilig kasi si Mama sa Rose na bulaklak at inakala niya noon na babae ang ipinagbubuntis niya.

Kinder palang kami nun ay magkakaibigan na talaga kami nila Sandrex at Warson. Sadyang pinagtagpo lang talaga siguro ang mga gwapong katulad namin kaya kami naging magkaibigang tatlo. Kaklase rin namin si Irish, yung pinsan ni Warson. Hihi. Si my loves. Kinikilig tuloy ako. Amputik.

Naalala ko pa nun, mahal na mahal talaga ako nun kahit kinder palang kami. Este mahal na mahal ko pala siya. Classmate namin siya sa sariling eskwelahan nila.

"Hoy pandak!" Asar na tawag ko sa maliit na batang nakita ko na nakaupo sa upuan ko. Lumingon siya sa akin at inirapan lang ako. Hindi ko alam pero pinanganak na ata akong taglay ang kalandian at kagwapuhang namana ko sa ikalawang gwapo sa pamilya namin. Syempre, ako kasi ang nangungunang gwapo sa pamilya namin. Sumunod lang si Daddy. Nagiisang tagapagmana ng kayamanan ng mga Santino.

"Hoy Pandak!" Tawag ko ulit sa kanya. Lumapit pa ako sa kanya at sinundot sundot sa tagiliran. Pero hindi siya nagpatinag at hindi talaga ako pinansin. Pambihira, sa kanya lang ata hindi tumatalab ang kagwapuhan ko eh. Tss.

"Psssst!" Tawag ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Nakita ko ang mga classmate namin na nagtatakang nakatingin sa akin. Kasama na rin doon ang admiration sa mga mata nila. Minsan lang kasi sila makakita ng ganitong kagwapong mukha. Sinundot sundot ang tagiliran niya para pansinin lang ako.k

"Ano ba? Ang epal mo!" Sigaw niya sa akin. Napangiti ako. Sa wakas napansin niya rin ako. Kinindatan ko siya at binigyan ng flying kiss. Tumatawa lang sa akin sila Warson at Sandrex. Tumigil na ako sa pangungulit sa kanya at nakinig sa teacher namin.

Tss. Bata palang ako ay tumatak na sa isipan ko na siya ang gusto kong maging girlfriend. Kahit maraming nanliligaw sa akin ay hindi ko sinasagot dahil gusto ko siya lang yung magiging first and last girlfriend ko.

Pero malabo na atang mangyari yun.

Highschool na ng makilala namin si Harold. Si Harold na naging kaibigan namin. Kahit malayo ang ugali niya sa aming tatlo ay naging matatag naman ang pagkakaibigan naming apat. Naging isa siya sa mga heartrob ng Lee University. Gwapo rin naman kasi siya katulad namin.

Unang dating palang niya ay napansin ko na ang kakaibang pagtingin ni Irish sa kanya. Ewan ko ba pero ng makita ko na nagtitigan sila ay parang tinusok ng libo libong karayom ang puso ko. Pero hindi ko nalang pinansin yun.

Nagsimula na rin akong magparamdam ng pagkagusto ko kay Irish nun. Binabakuran ko agad ang mga nagaattempt na manligaw sa kanya.

Magtatapat naman na dapat ako kay Irish nun ng totoo kong nararamdaman pero pinakiusapan ako ni Warson. Adik kasi yun eh, overprotective sa pinsan niya.

Pare. Alam ko na may gusto ka sa pinsan ko pero pakiusap. Sana naman patapusin mo muna siya sa pagaaral bago maligawan. Ayokong may ibang umaagaw ng atensyon niya maliban sa pagaaral niya. Sana maintindihan mo."

Yan ang saktong salita ang sinabi niya sa akin noon. Mga salitang magpa hanggang ngayon ay ginagawa ko.

Pero hindi ko ata kayang makita na yung taong minamahal mo ay nakikita mong nagmamahal na sa iba. Nakita at napansin ko ang kakaibang tinginan nila Irish at Harold ng magsimula na silang mamili ng representative para sa Mr. and Ms. Santa Claus. Kahit hiyang hiya ay binoto ko pa ang sarili ko para ako ang maging representative at si my loves ang partner ko. Kaso ipinaubaya ko nalang kay Warson yun kasi mapagbigay talaga kami sa kapwa namin gwapo.

Gago rin yung isang yun eh. Aayaw ayaw tapos ng nalaman na partner ni Sam si Drew eh gumawa ng paraan para maging kapartner yun. Tss. Nagagawa nga naman talaga ng pag ibig.

Dahil dun ay napagpasyahan kong dagdagan pa ang pagpapansin kay my loves. Lagi akong tumatabi sa kanya pero lumalayo naman siya agad at tumatabi kay Harold.

Naisip ko nga na baka close lang talaga sila. Hindi ko binibigyan ng malisya yung pagkakalapit nilang masyado sa isa't isa noon. Yun ang naging kamalian ko na dapat hindi ko ginawa.

Kinausap ko si Harold noon noong New Year's Eve.

"Tol? May gusto ka ba kay Irish?" Diretsong tanong ko sa kanya. Nabigla siya sa tanong ko at biglang lumingon sa direksyon ni Irish. Bigla rin namang lumingon si Irish sa gawi namin at ngumiti rin. Naiinggit ako. Bakit ganun? Parang dahan dahang hinihiwa ang puso ko sa sakit.

Lahat ng Santo ay tinawag ko na para ipagdasal na sana hindi yung sagot niya.

"Oo Rosas." Sagot niya na nagpalaglag ng balikat ko. "Alam ko may gusto ka sa kanya Rosas. Pero lalaki rin ako at kahit noon pa man ay gusto ko na rin siya. Iginagalang ko naman yun at balak ko naman sabihin sa iyo yun pero nauunahan ako ng hiya. Kaibigan kita pero sa iisang babae pa tayo nagmahal." Dagdag niya. Ininom ko ang wine na dala ko at inubos ang laman nito. Ramdam ko ang pait na gumuhit sa lalamunan ko pero wala iyon kumpara sa sakit sa nararamdaman ng puso ko.

Matagal bago ako muling nakapagsalita. Bigla atang umurong ang dila ko sa pagsasalita at ganun nalang ang nangyari sa akin.

"Kung ganun, kailangan nalang ata nating magpaunahan sa pagkuha ng puso ni Irish?" Tanong ko. Tanggap ko naman yun eh. Kaibigan pa rin naman siya kahit papano.

Ngumiti siya at nakipagkamay sa akin. "Yeah, may the best pogi win". Biro niya. Tumawa ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

Ganun nga ata talaga kapag kaibigan mo ang kaagaw mo sa isang babae. Hindi mo mapipigilan ang hindi mainis o mainggit kapag nakikita mo siyang kasama ang kaibigan mo at masayang masaya silang magkasama.

Katabi ko sa pangtatlong upuan sa airplane nun si Irish. Masaya nga ako ng tumabi siya sa akin pero agad na napalitan iyon ng inis ng makitang tumabi rin si Harold sa kanya sa gilid. Tss.

Lalo pang dumagdag sa inis ko ang pagpapalipat ni Warson kay Irish sa upuan ni Drew. Nakatabi ko tuloy ang labanos na hilaw na to. Tss. Nakakainis.

Ng dumating kami sa Boracay ay nagplano akong magtapat na kay Irish. Ngunit hindi na natuloy yun ng makita ko kung gaano kasaya si Irish sa piling ni Harold.

Natanong ko sa sarili ko kung kaya ko rin bang gawin sa kanya iyan. Ang makakatawa siya ng ganyan kaganda, feeling ko kasi may gusto rin siya kay Harold. Hindi lang masabi dahil ayaw pa ng pinsan niya.

Ng makita kong nagsusubuan sila ay nakaramdam agad ako ng selos. Selos na kahit noon pa man ay ayaw ko ng maramdaman. Pinapabulag lang kasi nito ang isang tao at nagiging rason ng paghihiwalay.

Kaya kinagabihan ay niyaya ko sila Warson at Sandrex na uminom. Feeling ko kasi sasabog na ang dibdib ko sa masyadong maraming emosyon na bumabalot dito. Nakakabaliw.

Umuwi ako sa bahay pagkatapos ng bakasyon namin sa Boracay. Sinalubong agad ako nila manang at kinuha ang bag na dala ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at humilata sa kama ko.

Dumako ang tingin ko sa picture sa side table ko. Picture naming dalawa yun ni Irish simula bata hanggang college. Nakakatawa ngang isipin na kahit itinuturing niya akong kaaway ay nagagawa niya pa ring pumayag sa munti kong kahilingan na makapag pakuha ng larawan kasama siya.

Napabuntong hininga ako.

Paano ko ba kakalimutan ang babaeng bata palang ako ay siya ng pinangarap kong makasama habang buhay?

----------------------

Rosas Santino at the picture. :)

Vomments please.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon