Boracay Escapade 1.1 √

931 21 0
                                    

Warson.

Today is our schedule in our trip to Boracay. Maaga kami gumising at naghanda ng mga dadalhin namin for today's trip. Ito lang kasi ang time na pwede ang lahat kaya ito ang napili na date ng trip ng dalawang president - Harold and Irish of Engineering and Nursing department.

The prize we got was added as a contribution for our hotel accommodation of the whole gang. Halos lahat kasi ng officer ay sumama kaya marami rami kami. Then, we just added thousands for our foods.

This is only for three days, kailangan kasi na bumalik kami bago mag bagong taon dahil ito ang gusto ni Mama.

We rented two white Van with a sitting capacity of fifteen people. Kasama ko sila Rosas, Sandrex at Irish na parehong maiingay. Sa likod namin ay kasama pa ang ibang officers na kasama ang mga girlfriend nila.

Hindi ko mapigilan na mapasimangot ng marinig ang pagtawa ng dalawa. Inis na inilayo ko ang tingin sa katabi ko na kanina pa tawa ng tawa.

'Psh. Kasama namin si Drew at naba badtrip ako sa tuwing maririnig yung walang kwenta niyang joke. Tapos itong si Sam naman akala mo wala ng bukas kung makatawa.

Mas lalong lumala ang pagka inis ko ng tumawa ulit silang dalawa. Nagkunwari akong nasusuka kaya naagaw ko ang atensyon nilang dalawa. They both look at me with confusion.

"Sam. Palit tayo ng pwesto. Nasusuka kasi ako kapag malapit sa bintana." Palusot ko. Hindi na ito nagtanong at mabilis na nakipag palit ng pwesto sa akin ng tumigil ang sasakyan.

Pero hindi pa rin natapos ang pagki kwentuhan nila ng nasa gitna na ako. Para pa nga akong visible sa gitna nila. Ng tumingin ako sa harapan ay nakita ko ang mapanudyong ngiti nila Sandrex at Rosas.

Hindi ko sila pinansin at mabilis na nagsuot ng headset. Marahil ay nakaramdam sila ng pagod kaya tumigil na rin sila sa pagki kwentuhan. Lihim akong napa ngiti.




Traffic sa Edsa kaya natagalan rin kami. Nakatulog nga sa balikat ko si Sam. Isinandal ko naman siya ng maayos sa akin at natulog rin. Ang bango talaga ng buhok niya.

Nagising ako ng parang may nagbubulungan. Dumilat ako pero agad ring pumikit dahil sa pagkasilaw sa flash ng camera.

"Pandak! Ano ba!" Sigaw ko. Agad naman siyang tumakbo palabas ng van. Sumunod naman agad sa kanya ang dalawang lalaki.

"Hehe. Mukhang nawiwili ka diyan ah? Tara na!" Yaya sa akin ni Sandrex. Ng lumabas siya ay ginising ko agad si Sam. Parang batang kinamot niya pa ang mata niya at nag unat bago bumaba ng van. Ang cute niya. Ipinilig ko ang ulo ko at kinuha ang gamit niya. Kami nalang pala ang naiwan dito.

Pumasok na kami at agad ring nakasakay sa eroplano. Nasa harapan ko ang pinsan kong pinagitnaan ng dalawang ungas. Teka. Kanina ko pa napapansin 'to eh.

"Irish. Lumipat ka sa tabi namin ni Sam. Drew, pwede bang dun ka na muna sa tabi ng dalawa? Thank You." Wika ko. Magrereklamo pa sana sila Rosas pero hinatak ko na agad sa braso niya si Irish.

"Tss. Ano na naman kalokohan 'to Warson?" Naiinis na wika niya bago umupo sa tabi ko. Pinagitnaan nila ang kagwapuhan ko. O diba? Dapat nga maging proud pa sila.

"Bakit sunod ng sunod sayo ang dalawang yun?" Nagtatakang tanong ko.

"E-ewan ko sa kanila." Pairap naman na wika niya. Tss. Itali ko kaya sa paa ko 'to mamaya? Mabuti na nga lang at hindi na siya sumagot pa.

35 minutes lang ang itinagal namin sa taas ng kalangitan at ng makababa ay sumakay na naman ulit kami ng shuttle van papunta sa Caticlan para doon na naman sumakay ng bangka papunta sa isla. Napaka layo nga ng byahe namin at ng makarating kami doon sa hotel namin ay natulog agad sila sa kani kanilang kwarto.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon