SC : Rosas' Gumamela.

569 14 0
                                    

Rosas.

Lagi nalang ako.
Puro nalang ako.

Ako na pinaka gwapo. Ako na pinaka matalino. Ako na pinaka habulin ng babae. Ako na pinaka romantiko. Ako si Rosas Santino. Ang Rosas Romantiko ng Lee University.

Hot and Gorgeous. Check.
Mayaman. Check.
Pinagkakaguluhan ng mga babae. Check.
Matangkad at Napakakinis ng mukha. Check.

Imagine. Yan ang mga qualities na hinahanap hanap ng mga babae na nandito sa akin. Ideal guy na nga kung matatawag.

Pero...

Pero...

Pero..

Pero!

Wala akong girlfriend! Lahat sila! Nakita niyo ba! Lahat sila may girlfriend! Si Warson, may Sam. Si Sandrex, my unknown girl din. Hindi pa namin kilala pero nakita na daw ni Warson. Si Harold naman may ... Tss. Nasa kanya si Irish my loves!! Asdfghjkl!

Ano ba kasi ang problema bakit madalas akong basted sa mga babaeng pinormahan ko?

[Si Irish lang naman pinormahan mo. Tss.] - Harold.

[Tangna! Ang hangin mo Rosas!] - Warson.

[Maganda yung syota ko. Wag lang epal diyan Rosas!] - Sandrex.

Tss! Pati ba naman dito? Dito sa special chapter ko! Merong eepal na mga pangit na katulad nila? Tss!

[Fvck you Rosas!] - All.

Tss. Nasalo ko naman lahat ng qualities na kinalalawayan ng mga babae. I have my own 8 pack ABS (taas T-shirt). My own charisma. At sariling talino, yaman at kagwapuhan na wala yung tatlo.

Mabait naman akong anak sa nanay ko. Hindi nagdo droga at laging nakangiti. Kailangan ko pa bang sumayaw sa Quaipo para bigyan ng babaeng maganda at iibigin ako dahil ako si Rosas Santino?

Tss. Hindi sa pagmamayabang pero magyayabang na talaga ako. Maraming babae ang nagkakadarapa sa akin. Hindi ko lang sila pinapansin kasi gusto kong maging faithful sa Irish my loves ko na may Harold na ngayon. Tss. Sumuko na ako sa kanya kaya no problema na sa akin. Wala akong laban sa forever nila. -_- Fvcking Forever.

Nakapagtapos na ako ng college at co owner ako ng business na tinayo naming apat. Ang daya nga nila eh. Puro talino ko lang ang inambag ko at ang siyang tunay na rason kung bakit lumago ang business namin.

Alam ko naman na magkaka syota rin ako.

"Sir Rosas. Nandito na po si Miss Yso." Natigil ang pagmumuni ko ng pumasok ang secretary ko. Nandito ako sa Santino Restaurant na pinamumunuan ko na ngayon. Pambihira naman kasi si Daddy eh. Ayoko sana nito kaso walang choice kasi ako lang ang nagiisang anak. Take note. Nag iisang pinaka poging anak.

"Papasukin mo nalang Jasmine." Utos ko at itinuon ang atensyon sa resume na hawak ko. Hiring kasi kami ng mga waitress ngayon. Actually, na interview na ito ng HR namin at nasala na rin ang lahat. Ang babae nalang na ito ang naiwan at siyang na schedule para sa Final Interview ngayon.

"Hi. I'm Rose Farrah Yso." Ng mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang isang babae na may makapal na salamin at naka business attire ngunit hanggang ilalim ng tuhod. Tss. She would passed in the search of Miss Manang of the year.

"Hi. You may take your seat." I said. Binasa ko ang resume niya at nagulat ako ng mabasang sa Lee University rin siya grumaduate. Ang course niya ay HRM at grumaduate ng Cum Laude. Ka batch ko rin ito. Nagtatakang napalingon ako sa kanya. Bakit hindi ko ata kilala ang babaeng ito?

"Uhmm. How are you Miss Yso?" I asked. Ngumiti ito at inilabas nito ang sungki sungki nitong ipin na madilaw pa. Putik.

"I'm fine Sir Santino." Diretsong nakatingin ito at ngumiti pa ng pagka asim asim - este pagkatamis tamis kung matatawag ngang ganito iyon.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon