Harold.
"Pumapayag na rin ako sa gusto mo. Hindi na kita gagambalain pa."
Yumuko nalang ako at pilit itong tinatanggap. Wala na rin naman kasi akong magagawa pa dun.
"Pero.." Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakangiti siya ng wagas. "Pero.. Wag kang maghahanap ng iba dun. Maghihintay ako sa pagbabalik mo kahit hindi sigurado kung kailan. I'll wait for you forever. I think ako naman dapat ang maghintay dahil sa ginawa mong matiyagang paghihintay sa panliligaw mo sa akin. I'll do partying and shall never think of you. I'll never do the stalking thing also. Hahayaan kita. I think you need your own time to forget those things happened in your family." Tumutulo rin ang luha nito habang umiiyak na nakatinin sa pool.
"Irish.." Bulong ko. Gusto ko rin siyang yakapin.
"I don't hate you Harold. Nasabi ko lang yun dala ng galit. Ipangako mo naman na babalik ka oh. Para hindi ako magmukhang tanga kakahintay sayo dito. Alam ko pagkakatanga 'tong matatawag pero kaya ko naman gawin yun hangga't nandyan ka na nangangako sa akin. I love you Harold. And I'll wait for you to comeback." Hindi ko na napigilan ang sarili ko't hinatak siya papasok sa mga braso ko. Hindi ko naisip 'to. Hindi ko akalain na sasabin niya ang mga ganitong salita.
"I'll be back Irish. I'll be back for you. At ipininapangako ko yun sayo." Wika ko.
"Just do it idiot." Napangiti ako sa katarayan niya. Hayss. Mamimiss ko ang amasonang ito.
----------
Kinabukasan ay malungkot kaming pareho ni Maegan. Nakausap rin naman kasi silang dalawa ni Warson. Bahala na siguro si batman para sa kanilang dalawa. I trust Warson. Alam ko may gagawin siya kahit dinideny niya ang feelings para kay Maegan.
Niyakap agad ako ng mahigpit ni Irish ng makarating siya. Halos malagutan na nga ako ng hininga dahil sa ginagawa niya. Pinunasan ko rin ang luha sa mga mata niya. Tss. Napakaiyakin talaga ng amasonang mahal ko.
"Be careful here okay? Take care of yourself." Paulit ulit ko na wika sa kanya. Tango lang naman siya ng tango habang iyak pa rin ng iyak.
"Eh wag ka nalang kayang umalis?" Pagbibiro niya sa akin. Kinurot ko ang pisngi niya at niyakap niya lang ulit ako.
Hayss. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'to.
"Babalik ka huh." Wika niya.
Narinig ko ang pagtawag sa flight namin. At mas naramdaman ko pa ang paghigpit ng yakap niya. Ayaw na niya ata akong pakawalan.
"Bye Irish. I love you. Please take care." Wika ko habang dahan dahan kong pinapakawalan siya sa yakap ko. Kinuha ko ang luggage ko habang dahan daan ring pinapakawalan ang kamay niya. Nahihirapan ako.
I pulled her hands and locked her in my arms. I hold her cheeks and kissed her fully in lips. It was magical. My first kiss. Hindi ako marunong humalik pero ginawa ko ito para lagi niya akong maalala.
Pinutol ko ang halik namin at hinalikan ulit siya ng smack bago ako tuluyang makapagpaalam. Natatawa ako habang naiisip ko ang itsura niya habang nakatulala habang hawak hawak ang mga labi. Well, my innocent amasona girl already had her first kiss.
-----------
"Harold! Harold! Wag mo munang galawin yang si Irish! Malalagot ka sa pinsan niyan!" Sigaw ni Rosas matapos ang ilang minuto naming pagyayakapan at pagiiyakan.
After 5 years ay ngayon lang ulit kami nagkita. Well, I do stalk her kapag umuuwi ako dito. Hindi ako nagpapakita sa kanya pero siya nakikita ko.
Gusto kong yakapin siya kapag nakikita kong malungkot siya. Punasan ang luha niya kapag umiiyak siya. Sabihing okay lang at makakaya niya ang lahat kapag nakikita kong nahihirapan siya sa pamumuno sa eskwelahan nila.
Pero hindi ko ginawa. Gusto kong tumayo siya sa sarili niyang mga paa. Gusto kong matuto siya sa mga pagkakamali niya. Isipin at maranasan ang buhay na wala ako. Alam kong mahirap na kapag nasanay siyang wala ako sa tabi niya. Pero may tiwala naman ako sa pagmamahal niya at pagmamahal ko sa kanya.
"Harold? Let's go." Wika niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Marami ng nagbago sa kanya. Pero ganun pa rin siya kaliit. Joke lang. Ayos nga yun eh. Para kapag magkayakap kami maririnig niya yung sinisigaw ng puso ko. Pangalan niya lang kakabit ng apelyido ko.
"Yeah. May surprise pa pala tayo kay Warson. Tara na." Wika ko at hinila siya palabas. Sinet up na namin ang lahat sa school. Ewan ko nga't paano nila Rosas napilit 'to eh. Buti nalang at napapayag na rin siya.
Matapos ang surprise nila kay Warson ay hinatak ko agad siya palabas ng school. Isinakay ko siya sa sasakyan ko at tinahak ang daan sa rest house namin sa Antipolo.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya papasok ng bahay. Naform ng "o" ang bibig niya ng makita ang kabuuan ng bahay.
Pinuno kasi ito nila Rosas ng Christmas light. Akala niyo ba si Warson lang ang magaling mag surprise?
Hinatak ko siya at dinala sa loob ng maliit na sinehan namin. Wala lang, gusto ko lang manood ng sine kasama siya.
"Manonood lang tayo ng sine?" Tila naasar na wika nito. Inaakala niya siguro magpo propose rin ako katulad ng ginawa ni Warson. Lagi kasi nitong sinasabi kanina kung gaano ka romantic ang nangyari sa kanilang dalawa.
"Yes. Bakit? Ano bang akala mo?" Natatawa kong tanong. Hindi siya sumagot at nakangusong umupo sa couch. Binuksan ko yung malaking TV at pinasak ang DVD na puno ng movies. Pinapili ko siya at napangiwi ako ng pinili niya ang Korean movie. Kumislap kasi ang mata nito ng makita ang unknown person na masyadong maputi at singkit. Tss.
Kumuha ako sa mini kitchen at naghanda ng popcorn. Inilagay ko agad ang singsing na hawak ko at inihalo doon. Syempre, nakahanda na rin akong pakasalan siya. 5 years na ang lumipas at hindi na dapat lumagpas pa dun. Tama na ang 5 years na paghihintay. Payo ni Rosas to eh.
Nakangiting inilapag ko iyon sa tapat niya. Napasimangot naman siya ng makita ang popcorn.
"Bakit may cheese yan?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Ayoko ng may cheese eh. Pero sige na nga. Kakainin ko nalang rin kasi ikaw ang gumawa." Dumukot ito at nakita kong napasama ang singsing sa pagsubo niya.
"T-teka lang!" Sigaw ko pero nasubo na niya. Pilit ko ibinubuka ang bibig niya at kinuha ang singsing sa loob. Kinuha ko agad ang tubig at ibinigay sa kanya.
"Waaaaah! Harold! Ano ba!" Sigaw niya matapos makainom ng tubig. Isinusumpa ko talaga ang mga koreanong yan. Kaso baka batukan ako ni Irish kaya secret lang yun.
"Sorry." Pinunasan ko ang singsing ng maayos at lumuhod sa harap niya.
"Irish.. Sorry. Hindi ko sinasadya yun. Akala ko kasi mapapansin mo yun eh. But, kahit hindi man ito kaengrande katulad ng nangyari kina Warson at Maegan sana ay tanggapin mo ang pag ibig na alay ko sayo. Irish.. Will you be my wife?" Hinampas niya ako sa braso bago tumango. Tss. Amasona nga talaga.
"Oo naman! Gago ka talaga. Paano nalang kapag nalunok ko yun? Tss!" Niyakap niya ako habang naluluha na rin.
Sa wakas. Napagtagumpayan namin ang lovestory namin. Matagal man ang panahon ang lumipas. Marami man kaming pagsubok na hinarap. Pero at least, nakita pa rin namin ang sarili namin sa isa't isa. Nagmamahal at hindi magsasawa sa isa't isa.
Malaki talaga ang naitutulong ng paghihintay ng matagal. Kasi sa paghihintay na iyon. Marami kang natututunan at mas lalo niyo pang mapapatatag ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Kasi malalaman mo ang totoong ninyong nararamdaman para sa kanila.
Ako po si Harold Cruz. Hindi ako chick boy katulad ni Warson. Kasi pagmamay ari lang ako ng nagiisang babae na minahal at mamahalin ko habang buhay. Si Irish Shin Lee.
------------
Wait for Sandrex turn guys! SC : Sandrex Girl.