Rosas.
Hindi ko naman kailangan mag paka emo kung makikita ko si Sophiya na may kasamang lalaki. Ewan ko pero pakiramdam ko'y nabutas ang puso ko't nawala ang dugo nito. Tila nawasak rin ito kapareho ng salamin at hindi ko na kayang maibalik pa ito sa dati gamit ang glue. Ganito pala ang feeling kapag broken hearted. Mas masahol pa ito sa nararamdaman ko kay Irish nun.
"Pare? Okay ka lang ba?" Tanong ni Sandrex.
Hindi ako sumagot. Ganito ang mga tao eh. Kahit nakikita nilang hindi ka naman talaga okay ay tatanungin ka pa talaga nila kung okay ka. Nasaan ang hustisya sa bansang Pilipinas?
"Ang tanga talaga ng tanong niyo. Di dapat tinatanong kung okay lang ba siya. Ang tamang tanong ay "Rosas? Kamusta ang pagiging broken hearted?" Pang aasar ni Warson.
Isa pa 'to eh. Akala ko matino na ang sasabihin. Palibhasa kasi wala ng problema kay Maegan. Tss. Mabuti na lang at nandito si Harold. Kahit hindi nagsasalita ay alam kong tumutulong sa akin.
"Kilala mo na ba ang tunay na naglason sayo?" Tanong niya. Tumahimik ang dalawa at nakinig sa amin. Nandito kami sa bahay ko. Nagiinuman na naman. Ilang araw na rin ng makalabas ako ng hospital pero anino ng fiancée ko ay hindi ko nakita. Tapos, malalaman ko nalang na may kasama siyang lalaki. Paano ko nalaman? May nagpasa na unknown number sa phone ko at nakita ko ang picture nilang magkayakap. Leche.
"Fiancée ko nga ata talaga eh. Siya talaga ang nagluto ng sinigang na yun." Nahihirapan kong sagot.
"Diba nag pa imbestiga ka naman? Ano bang sabi dun?"
"Oo nga. At saka, mukhang hindi ka pa sigurado eh. Kita mo nga oh, may ata ka pang sinabi."
I looked at the two. Seryoso ang mukha nila at walang bahid na biro ang pagkakasabi nila.
Totoo naman talaga na may doubt pa ako. Kung hindi si Sophiya ang may gawa nun? Sino naman? Masyado naman akong mabait sa mga babae ko kaya alam ko na wala akong nakaaway. Wala rin akong pinaasa na babae. Gwapo lang ako at habulin ng babae pero hindi ko ugaling mag paasa.
"Ang mabuti pa niyan Rosas. Kausapin mo si Sophiya. I think, you need to clarify some things. Hindi tama na siya agad ang huhusgahan mo. Hear her side. Ilang beses na rin ba siyang nagri reach out sayo?" Napakamot ako sa batok ko at tumango sa kanya.
Clarifications. Yun lang siguro ang kailangan namin.
————
Gulat na yumakap sa akin si Sophiya ng makita ako sa dala ng bahay nila. "Rosas! I'm very happy to know you're now okay." Yumakap ito ng mahigpit at humalik sa pisngi ko.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya. "We need to talk." I said.
Natigilan ito at naguguluhang umupo sa tabi ko. "W-what is it Rosas?" She asked. Matagal na rin simula ng hindi kami magkita nito. At kahit ayokong aminin ay namimiss ko talaga siya.
"Didiretsuhin na kita. Ikaw ba ang naglason sa akin?"
Lumaki ang mata nito at yumuko. Please Sophiya. Sana hindi ikaw. Hindi ko kasi makakaya na siya ang gustong pumatay sa akin. Maya maya ay narinig ko ang pag hikbi niya.
"Do you think I'm capable of doing that crap Rosas? Don't you trust me?" She asked back.
Natigilan ako. I just wanna know the truth.
"Oo nga't hindi natin gusto ang isa't isa noong una tayong nagkita pero hindi naman sapat iyon para pumatay ako ng tao." Wika niya matapos ang ilang sandali.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. "Pero ikaw ang nagluto ng sinigang na iyon. You only made it for me. Kaya sino ang hindi mag iisip na ikaw ang lumason sa akin?" Sigaw ko.