Warson
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipagusap kay Maegan. Pero nakita ko nalang ang sarili kong tinatahak ang daan papunta sa Park ng subdivision namin. Di pa tapos ang party pero nagpaalam rin ako na babalik maya maya. Di naman kasi siguro kami magtatagal mag usap ni Maegan.
Ewan ko kung bakit sa Park niya pa kami gustong magusap. Pero okay na rin, para naman nai-expose rin yung kagwapuhan ko diba?
"Maegan! Nandito na ko!" Sigaw ng makita ko siyang nakaupo sa duyan. Buti nalang safe dito. Di siya napahamak sa paghihintay sa hari ng kagwapuhan.
"Buti naman at napaunlakan mo ang paanyaya ko." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Lumalalim ata ang pagtatagalog nito ah?
"Hehe. Syempre. Ano bang paguusapan natin?" Tanong ko sa kanya. Nakakainip. Iinom pa naman kaming apat. Syempre, pagkagising namin bukas di na kami eatudyante. Sayang nga eh,mawawalan na kami ng discount sa lahat ng bagay. Discount na tanging senior citizen at student lang ang nakakakuha. Idagdag mo na rin pala ang mga disabled. Peace 'bro.
"Uhmm, I'll be back in US tommorow." Wika niya na nagpatigil sa akin. I mean, naging magkaibigan na rin kami at kahit kakaunti lang ang pinagsamahan namin ay tinuring ko na siyang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Naging magaan na rin kasi ang pakiramdam ko sa kanya. Tila binubuhay niya na rin ang nawalang si Samantha.
"B-but.. I mean,why?" Naguguluhang tanong ko. Akala ko kasi ay dito na siya habang buhay. Bakit niya ba kailangang umalis pa? Hayss.
"My family needs me. Ako nalang rin kasi ang hindi pa sumusunod sa kanila. Si Ate Jane ay nandun na rin at ako pati si Harold nalang ang hinihintay." Wika nito.
Hindi ako nakapagsalita agad. Para kasing pinana ang puso ko. May mabigat na arrow na tumama dito na nagpahirap ng paghinga ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Well, that's great then. Happy trip nalang sayo for tommorow Meg". Masayang wika ko. Ng lumingon ako sa kanya ay napansin ko ang pagpunas niya ng luha sa mga mata niya. Is she crying? "Teka? Bakit ka umiiyak? Wag mong sabihing mamimiss mo ko huh." Pagbibiro ko sa kanya.
Nagulat ako ng tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit. Ewan ko ba't pero parang pamilyar ang ganitong pagyakap niya. Kapatid nga siya ni Sam, pinapagaan kasi nito ang kalooban ko. Hinagod ko ang likod niya para mapatahan siya. Umaalog alog rin kasi ang balikat nito dahil sa pagiyak.
"Hey Meg. Stop crying. Baka mamaya di matuloy yang flight mo. Sige ka." Pagbibiro ko sa kanya. Lumayo naman ito sa akin at tumayo sa tapat ko.
"Bago ako umalis ay gusto kong sabihin sayo ang totoo." Wika niya. Bigla akong kinabahan. Hindi naman niya siguro sasabihin na mahal niya ako diba? Kapatid niya si Sam. At aware siya na ex ako ng kapatid niya.
"Gwapo na ako. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin ang totoo." Pagbibiro ko para alisin ang kaba na namumuhay sa dibdib ko. Bishet. Nakakabakla ang kaba. Ngumiti ito bago nagsalita.
"M-mamimiss ko 'to, pero di bale. Son..." Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Nangungusap ito at nangingislap. "Mahal kita noon pa man. Pero hindi ko hinihiling sayo na mahalin rin ako pabalik. Gusto ko lang malaman mo yung totoo kong mararamdaman."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagulat rin ako sa sumunod na pangyayari. Hinawakan niya ang pisngi ko't hinila para magtagpo ang mga labi namin.
Everything seems so magical. Tila tumigil ang mundo ko at kaming dalawa lang ang tanging tao dito. Ganito pala ang kiss. Kung kailan ako Grumaduate ng college saka ko pa 'to naranasan.
Her lips are moving at mas lalo pang nag freeze ang katawan ko dahil dito. Her lips is so sweet. Nakakaadik. Lasang strawberry. Bago pa ako makapag response ay inilayo niya na agad ang labi niya sa akin. She kissed me again at my cheeks at tumakbo palayo sa akin.