Warson
"Let us welcome the candidates for Mr. And Ms. Santa Claus 2014." Wika ng announcer. Isa isa kaming naglakad palabas ng stage. Magkikita kami ni Sam sa gitna at rarampa ng sabay sa catwalk. Sampu lahat ng sumali at kami ang pinaka last. Nagkaproblema kasi kami sa numbering dahil pinalitan pa ang representative namin.
"Ngumiti ka ng maayos." Nakangiting wika ni Sam habang sabay kaming rumarampa. Hinawakan ko siya sa bewang at bahagya itong pinisil. Nagulat ito at akmang lalayo ng hinapit ko ulit pabalik sa akin. Dumadagundong ang buong University sa lakas ng sigaw ng fans.
"Ngumiti ka ng maayos." Panggagaya ko sa kanya. Pero ngumuso lang ito at mas lalo lang pumangit. Ipapatalo niya ba ang team namin? Pinaharap ko siya sa akin at nagtitigan kami. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Halatang nagulat rin siya sa ginawa kong paghawak sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"Waaaaaaahhhhhhhh!" Malakas na sigawan ng mga tao.
"Its showtime". Bulong ko sa kanya ng dumilat siya. Napangiti ako ng makitang namumula ang mukha niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na naglakad paalis ng stage. Baka matunaw na kasi ako sa malagkit na pagtitig ng mga babae sa akin. Kawawa naman ang sunod na henerasyon kapag hindi na nila nakita ang kakisigan ko diba?
"Whoaaaa! Haha! Ang galing mo talaga magpakilig Son! Nakakabakla!" Humalakhak ako sa ginawang pagsalubong sa akin ni Rosas. Akmang yayakapin ako nito ng agad kong iniharang ang kamay ko sa mukha niya.
Tapos na rumampa ang lahat at nagbobotohan na ngayon. Naglagay sila ng sampung bayong sa ibabaw ng stage at doon ibabase ang pagkapanalo. Kung sino ang may pinakamaraming pera na naipon ay siyang tatanghalin na panalo. Ito lang kasi ang naisip na pinaka mabilis na paraan para makaipon ng pera.
"Gago. Tumigil ka nga sa kabaklaan mo." Nakangiting wika ko sa kanila. Binatukan nila ako at ginulo ang buhok. Daig pa nila ang mga babae sa pagsasabi na ako ang mananalo.
"Ang daming chicks sa bayong niyo o!" Sumilip kami sa stage at nakita ko ang pagkakagulo nila sa bayong namin. Napangisi ako. Mukhang tiyak na nga ang panalo namin.
"Ang ganda natin ngayon ah!" Isinatinig ni Sandrex. Nilapitan ko si Sam at hinapit ito sa bewang.
"Thank You." Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Madalas ay yuyuko ito at mahihiya pero ngayon ay ngumiti lang ito ng buong saya.
Magsasalita sana ako pero naunahan agad ako ng may magsalita at tawagin kami paakyat ng stage. Agad kong nakalimutan ang tanong sa isip.
"May I request the candidates for the awarding." Tumalima kami at umakyat ng stage. Hawak hawak ko ang kamay ni Sam. Pilit niya ngang kinukuha pero hindi ko binawi. Maraming nakatingin sa amin. Dapat malaman ng mga lalaking ito na akin lang si Sam.
"Wow. Ang gaganda at ang gagwapo nga naman ng mga candidates natin. Sino ang bet niyong manalo guys?" Itinapat ng host ang microphone niya sa crowd.
"10!" Malakas na sigaw nilang lahat. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko sa sinabi nila. Ang benta talaga namin sa mga 'to. Sabagay, gwapo nga kasi.
"Okay. Ang Mr. And Ms. Santa Claus 2014 natin ngayon ay sina....." Napansin ko ang paghigpit ng pagkakahawak ng kamay ni Sam sa akin. Hinalikan ko ang kamay niya para sabihin na okay lang ang lahat. Natigilan ito at namumula ang mukha na tumitig sa akin. Aasarin ko sana siya ng marinig ko ang pagtawag ng pangalan naming dalawa.
"Mr. Rodriguez and Ms. Concepción!"
Agad akong napatalon at niyakap si Sam. Halata sa mukha nito ang pagkagulat na naging dahilan ng hindi niya agad pagyakap sa akin ng mahigpit. Pero maya maya ay yumakap ito pabalik sa akin. Fvck. Sobrang saya ng puso ko!