Warson.
Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok sa unang araw ng pasukan. Syempre, 3rd year na kami at 2 years nalang ang natitira bago kami makagraduate. Yeah boy.
"Good morning Ma!" Masigla kong bati sa kanya. Humalik ako sa kanya at kumuha ng toasted bread. "Good morning Mai! Goodmorning Alexia!" Bati ko sa dalawa kong kapatid.
"Anong good sa morning kung mukha mo agad ang makikita ko? Tss. So ewwwie." Wika ni Mai. Ngumiti lang ako sa kanya. Ayokong masira ang magandang mood ko. Baka mamaya di ko maalalang kapatid ko 'to at mabuhusan ko ng kumukulong kape.
"Kuyaa! Post muna! Say Happy Monday!" Wika ni Alexia. Nagpost naman ako at sinabing "Gwapo ako". Sabay peace sign. Nakasimangot na bumalik ito sa pagkain.
Beep! Beep!
"Anak. Nandiyan na sila Irish. Hurry up kids!" Wika ni Mama. Uminom agad ako ng tubig at patakbong kinuha ang bag ko saka mabilis na sumakay sa Van nila. Naabutan ko si Irish na nakakunot ang noo habang nakatutok ang pansin sa phone.
"Good morning Kuya Rey!" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito't pinagbuksan ang kapatid ko ng pintuan. "Good morning Irish!" Bati ko sa kanya. Pero imbes na ngitian ay tinarayan lang ako. Napapailing na tumawa nalang ako bago tuuyang pumasok sa loob ng van nila. Nakita ko rin ang dalawang kapatid niya na tahimik na nakaupo sa likod niya. Babatiin ko sana ang mga ito pero umiwas agad ng tingin. Sayang, hindi nila makikita ang kagandahan ng kagwapuhan ko.
"Kuya Rey. Palit tayo." Wika ko bago paandarin ni Kuya Rey ang sasakyan.
"Pero Sir.." Wika niya sa nagaalangan na tono.
"Akong bahala.." I said while tapping his shoulder. Kahit nagaalangan ay sumunod ito.
"Teka.. Kuya rey? Saan ka pupunta? Mali late na po tayo." Reklamo ni Irish. Nanlaki ang mata nito ng makitang ako ang pumalit sa pwesto ni Kuya Rey. "Warson! Anong kalokohan 'to! Wag mong sabihin na ikaw ang magda drive!" Sigaw niya.
"Yipee! Exciting 'to!" Sigaw ni bunso.
"Kuyaaaaa! Umalis ka diyan!" Sigaw naman ni Mai.
Nginisian ko lang sila bago pinasok ang susi.
"Aaaaaahhhhhhh!" Sigaw nilang lahat. Tss. Tumunog pa nga lang eh. Mga adik talaga 'to. Hinawakan ko ang kambyo at agad itong pinaandar ng mabilis. Buti nalang may seatbelt ang sasakyan nila. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakakapit si kuya Rey ng mahigpit sa upuan niya. Di naman ako ganun ka bilis mag drive ah.
Pinindot ko ang nasa gilid kong bintana para mabuksan ito. Mas maganda kung makakalanghap sila ng fresh air. Haha!
"Kuya! May sumusunod po sa ating LTO!" Natatarantang sigaw ni Alexia. Tumingin ako sa side mirror at Tama nga siya, may sumusunod. Hininaan ko ng konti ang pagpapatakbo para makausap siya.
"Boss.. Over speeding po tayo". Wika niya sa akin. Ngumisi ako.
"Natatae na po kasi silang lahat kaya kailangan naming bilisan. May amoeba po kasi silang lahat. Pasensya na boss." Wika ko. Umarte naman silang lahat na parang masakit ang tiyan.
"Ganun po ba boss. Emergency naman pala. Sige, sa susunod tumawag ka nalang ng ambulance." Wika niya sa akin bago nagpaalam paalis.
"Warsoooooon!" Sigaw ni Irish. Agad kong pinaandar ulit ng mabilis ang sasakyan para hindi niya na ako pangaralan. Ang ingay kaya ng bunganga niya. Nadala na ako noh. Haha!
Ng makapasok kami sa gate ay mabilis akong lumabas ng Van at pinagbuksan silang lahat. Mukhang si Alexia lang ata ang nagenjoy sa pagiging driver ko ngayon.
"Yehey! Ulitin natin yun sa susunod kuya! Haha!" Hinawakan nito ang kamay ko at patalon talon kaming pumunta sa classroom niya. Hindi ko na naman kailangan ihatid pa ang mga yun, malalaki na sila at ang obligasyon ko lang naman eh ang bunso namin. Inayos ko ang buhok niya bago siya tuluyang pinapasok.
ah! Ang sweet naman niya sa kapatid niya.
Oo nga eh. Ang sarap niyang asawahin.
Kyaaa! Tara pabuntis tayo!
Napapailing nalang ako habang naglalakad paalis sa highschool department. Iba talaga ang charisma ko. Hanep! Abot hanggang langit.
"Bro! Gumaganda ka lalo ah!" Bati sa akin ni Rosas.
"Yow! Namumulaklak ka pa lalo ah!" Ganti ko na ikinatawa ng mga classmate namin. Umismid lang ito't bumalik sa upuan nito. Hindi yan marunong magalit kaya wag mong poproblemahin yan. Nagtatampo lang yan. Haha! Ikaw ba naman makakita ng mas gwapo sayo na kay aga aga diba?
"Son! Dadaan na si Sam." Wika ni Harold. Agad akong dumiretso sa likod ng pintuan. Inabot sa akin ni Sandrex ang rose. Ng malapit na siya ay agad akong lumabas ng room at iniabot sa kanya ang rose.
"Isang Rosas para sa isang binibining kay ganda ganda." Halatang nagulat ito dahil nakaawang ang kissable lips nito. Tila nahipnotismo sa kagwapuhan ko. I gave him a kiss on a cheeks at mabilis na umalis sa harap niya bago masampal. Malay mo sampalin nga ako diba? Hehe.
Narinig ko ang tuksuhan at sigawan sa labas. Tumingin ako sa bintana at binigyan pa siya ng flying kiss. Namumula ang mukhang umalis ito habang nakayuko.
Hehe. Umpisa palang yan ng Mr.Chickboy moves ko. Nagenervon pa ko kaya no sa pagod muna. Hehe.
--------------
"Let's go out in a date baby." Yaya ko kay Sam. Nakita ko kasi siyang kumakain kasama ang iba niyang classmate dito sa canteen. Kasama ko naman sila Sandrex at Rosas na suportadong suportado ang kalokohan na mga pinaggagawa ko.
"P-paano m-mong nalaman na nandito ako?" She asked uneasily.
"Baby naman, nasayo kaya ang puso ko. Isa lang ang koneksyon natin kaya naramdaman kong nandito ka nga." Nakangiti kong wika sa kanya.
"Ayieeehhhhh!" Kinikilig na wika nila.
Pinalipat ng dalawa ang mga kasama ni Sam at naiwan kaming dalawa dito. Nakapangalumbaba ito habang tinutusok tusok ang cake. Nagiba na ba ang favorite niyang chocolate flavor? Mango na ngayon?
"Mango na pala ang favorite mo?" Tanong ko sa kanya.
"N-no. I mean, yan lang kasi ang available na flavor ng cake ngayon." Wika niya.
"So, are you free Saturday evening?" Nakangiti ko pa ring tanong. Matagal niya akong tinitigan bago tumango. Automatic akong napasigaw at itinaas ang kamay pasuntok sa hangin.
'Yesssss!" Sigaw ko na nagpalingon sa kanilang lahat. Nag thumbs up ang dalawa sa akin at nginitian ko pabalik. Umupo ako ng pilit na akong pinapaupo ni Sam.
"Ano ka ba, nakakahiya kaya." Wika niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at mabilis na bumalik sa upuan. "Thank you". Wika ko.
Nahihiyang tumango lang ito at agad na kinain ang pagkain niya.
Mahuhulog rin ulit sa akin si Sam. At kapag nangyari yun, siseryosohin ko na siya hanggang sa ikasal kami.
"Rosas. Give me my shades. Pampadagdag gwapo." Wika ko kay Rosas ng makalapit sa amin. Napapailing na kinuha nito ang shades at mabilis na iniabot sa akin. Napapiling naman na ngumiti si Sam. Kinikilig na yan panigurado. Galawang Warson ba naman. Haha.
----------