New Beginning

671 14 0
                                    

Warson

"Hey. A-ang daya mo talaga. Iniwan mo lang ang gwapong katulad ko. Nasasayang tuloy ako. W-wala kana kasi." Wika ko. Nandito ako sa puntod ni Sam.

"Ikaw dapat ang magsasabit sa akin ng medal ko eh. Medal bilang pinaka gwapong lalaki sa Lee University." Tumawa ako ng pagak ng marinig ko sa tenga ko ang tinig ni Sam kapag tumatawa. Kahit ilang taon na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

Gagraduate na ako this coming April. Ang bilis ng panahon noh? Dati second year palang ako at kasama ko pa siya. Ngayon, graduating na kami at h-hindi ko na siya kasama. Pinahid ko ang luha ko na kumawala sa mata ko.

"Tss. Sabi ko hindi na ako iiyak eh. Kaso hindi ko pa rin mapigilan. Nakakainis nga eh." Pagkakausap ko sa kanya. Umihip ang malakas na hangin at ramdam ko na hindi niya gusto ang nakikita niyang luha sa akin. Ganyan yan eh, iiyak rin kasi siya kapag nakikita akong umiiyak.

"Alam mo ba namimiss pa rin kita. Kahit ilang taon na ang nakakalipas simula ng m-mawala ka sa amin." Wika ko. Biglang nagbalik ang alaala ko nung panahon na nililibing si Sam.

Halos lahat ng tao ay naghihinagpis sa pagkawala niya. Ang mga kaklase namin ay halata ang pagkagulat dahil nalaman nila ang tungkol kina Harold at Maegan. Lahat sila ay puno ng pagtataka pero wala ni isa ang nagtanong. Lahat sila ay marunong irespeto ang katahimikan ng lahat.

"Son? Kailangan na nating umuwi." Yaya sa akin ni Mama. Nagsialisan na ang lahat at tanging ako nalang ang naiwan. Parang hindi ko kayang iwan si Sam. Hindi pa rin ako sanay na wala siya.

"Mauna na po kayo Ma." Wika ko. Matagal bago niya ako iniwan. Uuwi naman ako eh. Kailangan ko lang sanayin ang sarili ko.

"Sige. Hihintayin kita sa kotse." Wika niya bago umalis.

Dito sa puntod na ito ako nangako na hindi ako magbabago. Na tutuparin ko ang lahat ng kahilingan niya. Pwera lang ata sa kahilingan nitong gawin kong kapalit niya ang kakambal nito.

Hindi ko pa lubusang kilala si Maegan. Hindi ko alam ang ugali niya kaya paano ko matutupad ang huling hiling niya na iyon?

Gusto ko. Si Sam lang ang mag mamay ari ng puso kong ito. Ayoko ng may iba pa.

Tumayo ako nun at sumunod na kay Mama pagkatapos kong mag alay ng isang maikling dasal sa puntod niya. Hinding hindi kita makakalimutan Sam.

5 years ang course naming apat kaya naunang nakagraduate sa amin sila Irish. Pinagaaralan na nito ang pamamahala sa eskwelahan nila. Pero nagpa part time nurse ito sa Hospital ng Tita niya.

"Alam mo ba Sam. Natutuwa ako sa pinsan ko ngayon. Nag matured na rin kasi siya ngayon. Sayang nga't hindi mo nakikita ang pang iinis ko sa kanya eh." Natatawa kong wika kada maalala ko ang mga trippings na ginagawa ko pa rin sa kanila.

Hiling ni Sam na sana ay hindi ako magbago. Ginagawa ko pa rin naman ang mga nakasanayan kong gawin noong nabubuhay si Sam. Kung tutuusin nga ay nabuhay naman ako na wala masyadong Sam sa paligid ko. Pero sabi nga nila, once na masanay ka sa presensya ng isang tao ay hahanap hanapin mo.

"Haha. Sorry nga pala sa ginawa ko dati huh. Wala lang talaga ako sa matinong isip nun ng ginawa ko." Hinging paumanhin ko sa kanya.

Sinubukan ko kasing sundan siya noon. Magulo ang isipan ko't hindi ko alam ang mga pinaggagawa ko. Sinubukan kong maglaslas noon pero agad akong isinugod sa hospital nila Mama.

Ilang batok pa ni Ate ang nakuha ko. Umiiyak silang lahat ng magmulat ako ng mata. Ilang pangaral ang natanggap ko. Ilang araw na tulala rin ako.

Ng maramdaman ko ang sampal ni Irish noon ay saka lang ako nagising sa mga kahibangan ko. Ikaw ba naman sampalin ng amasonang yun? Kahit maliit yun ay grabe naman ang kalyo nun sa mga kamay. Hehe. Joke lang.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon