Warson
"Wow! Kamukhang kamukha mo si Maleficent sa costume mo Kuya!" Masayang bati sa akin ni Alexia habang kumukuha ng picture ko.
Muli akong napa simangot. Mukha kasing nadaya ako sa nabunot ko kahapon.
Pinabunot kami ni Harold kahapon ng mga character ng susuotin ngayon. At sa minalas malas ay ito pa ang nabunot ko. Hindi ko alam ang magiging costume nila Sandrex at Rosas dahil hindi nila ito sinabi sa akin. Pero base sa mga reaksyon nila ay masama rin ito.
"Manahimik ka bunso. Hindi pogi si Kuya ngayon". Nagpeace pose ako sa kanya habang kinukuhaanan ako ng picture. Napahagikhik ito ng makita na ang result. Nakakabadtrip. Bumaba ako at nagulat rin si Mama sa suot ko.
"Juskomaryosep! Ano ba yang suot mong bata ka? November na ba ngayon? Hindi ako na inform". Exaggerated na wika ni Mama.
Pacute ko siyang tiningnan at tinawanan niya lang ako.
"Ma. Yung ba- woah! What the hell!" Sigaw ni Mai ng makita ako. I rolled my eyes again. Ang arte talaga nito. "Do I need to call the Mental Hospital now? Omg! Hindi muna kita kapatid ngayon Kuya! I gotta go!" Ginaya ko ang paraan nito ng pagsasalita at tumigil lang ng tinapunan ako ng masamang tingin ni Mam.
"Ang arte talaga nun. Bye Ma." Paalam ko sabay halik sa pisngi niya.
"I like mo yung status ko sa Facebook! I changed my profile picture too! Please like it too! Thanks anak!"
Natawa ako. Buti pa si Mama, kada month ata ang pagpapalit ng profile picture. Narinig ko ang sunod sunod na busina ng sasakyan. Napailing ako. Hindi talaga makapag hintay yung mga yun.
Napangisi ako ng makita ang pinsan ko na nakatalikod at may kausap sa phone. Pumwesto ako sa likod niya at nag antay na humarap siya.
"Boooo!" Pananakot ko.
"Waaaaaah!" Sigaw niya. Itinakip ko yung kamay ko sa tenga ko habang tumatawa.
"Kuya Rey! Help!" Napatigil ako ng tawa ng malaman kong hindi niya ako masyadong nakilala. Pogi pa rin naman ako ah?
"Miss Irish. Si Warson po yan." Buti pa si Kuya Rey nakilala ako kahit hindi ako kaano ano. Nakakatampo na tuloy.
"Argh! Leche! Let's go na po Kuya Rey!" Padabog niyang hinampas ang kotse kaya ginaya ko rin siya.
Humarap siya sa akin at sumigaw. "Ano ba! Sisirain mo ba yung kotse ko?!"
"Ginagaya lang kita. Hehe". Inirapan niya ako at pinagcross sa dibdib ang mga kamay.
Sumigaw ulit ito at natatawang napailing ulit ako. Ang sarap talaga nilang asarin.
"Sana bumalik na si Sam para magtino kana. Nakakainis." Bulong nito na nagpatahimik sa akin.
Natigil ako sa pagtawa at itinuon ang pansin ko sa daan. I don't want to hear and remember her name anymore. End of conversation!
Ng makarating kami sa school ay ipinahatid ko si Alexia kay Mai at dumiretso ako sa building namin. Nagulat ako ng may bumato sa akin ng maliit na bato. Lumingon ako at nakita ko si Irish na may hawak na supot.
"Sayo nalang." Ibinato niya sa akin ang supot na may laman na tinapay. "Ibato mo sa akin ng pabalik. Di mo ba natatandaan ang turo ni Tita Alma? Kapag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng tinapay." Nakangising wika niya.
Inihagis ko pabalik sa kanya ang tinapay.
"Sorry na. Hindi ko sinasadya ang pagbanggit ng pangalan niya. Wag ka ngang magdrama dyan! Di bagay sa costume mo." Ngumiti siya bago ako tuluyan na iwan.