Special Chapter 1 √

867 27 6
                                    

Harold.

Simula palang highschool ay magkaklase na kami nila Warson. Sa kanila ko unang napiling lumapit dahil sila lang ang nakita kong matino sa mga kaklase ko. Nakakatawa mang isipin pero oo. Sila lang talaga ang mukhang matino.

Natatandaan ko pa, unang araw ng pasukan namin. Papasok ako sa school nung araw na yun. Bike lang ang dinala ko kasi nakakatamad dalhin yung malaking sasakyan ko. Nakakaagaw pansin rin kasi 'yon sa ibang mga estudyante.

"Hey! Pwede bang wag kang humarang harang diyan!" Sigaw ng babae na sakay ng isang Van. Lumayo agad ako at hindi nalang siya pinansin. Ito ang problema sa school na 'to. Porket mayaman ay akala mo kung sino na kung makaasta. Hindi ko napigilan na mapa iling.

Katulad nga ng sinabi ko ay highschool lang kami nagkakilala nila Warson. Sa ibang school ako nun nag elementary at high school na ng mapagpasyahang lumipat dito sa kagustuhan na rin nila Daddy.

Sila ang unang kumausap sa akin nun. Maputi ako, naka eyeglasses at malinis sa pananamit. Kapareho rin nilang lahat. Hindi man ako sumasali sa kalokohan nilang lahat ay tinuturing pa rin nila akong kaibigan.

"Nandyan na si Irish my loves!" Sigaw ni Rosas habang kumikinang pa ang mga mata niya. Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa pinto at nakita ko ang babaeng sumigaw nung papasok ako sa gate kanina. I know it's cliche but isn't it awesome? Muli ulit kaming nagkita.

Nakangiti ito pero sumimangot ito ng makita si Rosas na lumapit sa kanya. Kumunot ang noo ko ng biglang hilain ni Warson ang tenga ni Rosas at paupuin ito sa sulok.

"Sino ba yan?" Lumingon sa akin si Sandrex ng tanungin ko siya. Nakangisi ito at tila aliw na aliw sa nakikita na pagkakagulo nila Warson at Rosas.

"'Yan yung anak ng may ari ng school. Classmate natin, pinsan ni Warson at crush ni Rosas." Wika niya. Tumawa ito ng malakas ng makita si Rosas na sinasakyan ni Warson na tila isa siyang kabayo. Pero hindi 'yun ang naka agaw ng pansin ko. Ito ay yung babae na pinsan ni Warson.

She's wearing a light make up. Maliit lang siya at nakapusod ang buhok niya. Maputi ito na katulad ng gulay na labanos at pinkish ang labi na alam kong natural.

Ng maramdaman niya na may tumitingin sa kanya ay lumingon lingon ito. Nagtama ang tingin namin dalawa, nagkatitigan hanggang sa kumunot ang noo niya. Siguro natandaan niya na ako yung lalaki kanina kaya dumila ito at umirap sa akin. Hindi ko napigilan na mahinang tumawa.

"Bawal pa yan ligawan." Lumingon ako kay Sandrex. Paano niya naman nasabi na liligawan ko si Irish? Hindi siya ang tipo ko na mga babae. Gusto ko sana ito sabihin sa kanya kaso agad siyang nagsalita na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Kailangan mo muna kasi na dumaan sa kamay ni Warson. Nakikita mo ba yang si Rosas? May gusto yan kay Irish kaya wag mo ng ligawan." Napatango ako at muling lumingon kay Irish. Tumatawa ito kasama ng mga kaibigan niya.

Nagkibit balikat ako at inilayo ang tingin sa kanya. From that moment, alam ko off limits talaga siya kaya pinigilan kong makaramdam ng kahit ano pa man sa kanya.

Lumipas ang ilang taon at grumaduate kami ng highschool. Marami rin nangyari sa taon na iyon. Grumaduate ako bilang Valedictorian at Salutatorian naman si Irish.

Mukha nga siyang naiinis sa akin dahil nauungusan ko daw siya sa pagiging top student. Hindi ko naman ginusto yun. At dun nagsimula ang pagkainis niya sa akin.

Akala ko nga hindi na ulit kami magkikita ng Irish na 'yon muli pero nagkamali ako. Bakit ko nga ba hindi naisip na sa kanila ang school na 'to? Natural na dito talaga siya mag aaral.

Nagpagpasyahan namin magkakaibigan na kumuha ng Computer Engineering na course. Pare pareho kami ng hilig kaya bumagsak kami sa iisang course na 'yon. Masaya kasi, second year palang kami pero naboto na agad kami bilang officials ng Department namin. Governor ako at hawak naman ni Warson ang pagiging Vice Governor.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon