Warson
I get my calling card and gave it to the girl who ask for my number. Ngumiti ito sa akin ng matamis kaya kumindat ako sa kanya.
Nakasalubong ko lang siya papasok kanina. Siya ang unang ngumiti sa akin kaya nakipag landian ako ngayon.
Napangiti ako sa hawak niyang calling card. Wala akong ganyan, sa katunayan ay kay Rosas ito. Hindi ako mahilig sa babae, sila lang ang mahilig sa akin.
Ng papaalis na siya ay natigilan ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. I never allowed her to kiss me on my cheeks!
Napapitlag ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Gulat na napalingon ako. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ang seryoso niyang mukha.
"Warson...." Pagtawag niya sa akin. Problema nito?
"Sam? What's up?" Kumunot ang noo ko ng mapansin ang presensiya niya dito. Sobrang layo ng Nursing Department sa Engineering Department para maligaw siya.
Sumimangot ako ng makita ang kakaibang tingin ng mga lalaking ka block ko sa kanya. Hinablot ko ang librong malalaki na hawak niya. Hinawakan ang kamay at hinila papunta sa department office namin.
"Wait lang, nasasaktan ako." Napatingin ako sa kamay niyang hawak ko. Binitawan ko ito at sinabing sumunod sa akin. Naiinis ako kapag may tumitingin sa kanya na iba. Parang gusto kong manuntok!
"Uy! Chicks!" Sigaw ni Rosas. Binato ko sa kanya ang libro ni Sam at muntikan ng tamaan kung hindi niya lang nasalo.
"Girlfriend ko." Pakilala ko kahit kilala na nila. Lahat kasi sila ay nagtataka na tumingin sa aming lahat. Marami rami rin ang tao dito ngayon dahil may meeting na magaganap.
"Pumapagibig talaga." I raised my middle finger at him. Tumawa ito at hindi ko ulit pinansin. Ikinuha ko ang upuan si Sam at pinaupo sa tabi ko.
"Siya pala yung Samantha na ex mo dati Son?" Tanong ni Charles, secretary ng organization namin.
"Girlfriend ko pare". Ngumisi ako ng bigla itong sumimangot at nag focus ulit sa paglalaro.
"Hello Sam!" Bati ng lahat. Sumimangot ako ng mag angat si Sam ng tingin at ngitian ang mga ito.
Tumikhim si Harold. "Kumpleto na tayo? Shall we start the meeting?" Nagsitanguan ang lahat. Umayos ng upo si Sam at bumulong sa akin.
"May meeting pala kayo? Lalabas nalang muna ako." Nahihiyang wika niya.
"Kasalanan mo yan eh, pupunta punta ka dito eh." Mahinang bulong ko sa kanya. Nagsasalita na kasi si Harold sa harap.
"Tinext mo kaya ako kagabi, suplado." Naiinis na wika niya. Ipinakita pa nito sa akin ang phone na may text ko. Napakamot ako sa batok ko.
"Aw. Oo nga pala."
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong nito.
"A-ano kasi eh. Ipapakilala talaga dapat kita sa mga ka group ko." Bakit ko nga ba siya tinext nun? Inisip ko ang rason pero hindi ko maisip ang totoo. I gulped hard and smiled at her.
"Vice? Ano masasabi mo tungkol sa sinabi ko?" Napatingin ako kay Harold ng tinawag niya ang pansin ko. Lihim na napamura ako. Katabi ko ang distraction!
I laughed awkwardly. "Okay lang, maganda." Narinig ko ang tawanan nila.
"It seems like your not paying attention with our meeting today. Iba talaga kapag nandito ang girlfriend, nawawalan ng concentration ang iba. Right Sam?" Narinig ko ang pagtawa ni Sam sa tabi ko. Sumimangot ako kay Harold. Balak niya ba akong ipahiya?!