Missing her.

945 25 0
                                    

Warson.

Hindi na naging masaya ang huling araw namin sa Boracay. Umalis si Sam nung umagang yun at wala rin akong nagawa kundi tumunganga at bumalik sa kwarto at ginugol ang nalalabing oras ng gwapo kong mukha sa apat na sulok ng hotel room namin. Ang mga kaibigan ko ay nagsasaya lang at hindi na ako ginambala pa.

Naiinis ako, nagagalit, at naaawa sa sarili ko. Bakit ba lagi ko nalang pinapayagan ang sarili ko na iwan ni Sam? Siya lang ba ang may karapatan na mang iwan sa amin? Alam ko peke lang ang relasyon namin pero bakit ba kasi nasasaktan ako?

Hindi dapat ginaganito ang isang gwapong katulad ko. Leche.

Kinuha ko ang phone ko at nag post sa Facebook. Kumuha ako ng picture ko na bagong gising at nag post ng duck face. With a caption na..

'Bakitbakamingmgapogiaylaginalanginiiwan?'

Tss. Nakakabadtrip sila. Nabalitaan ko pa na magkasamang umalis ang hilaw na taong yun at si Sam. Pambihira. Kahapon pa kami bumalik dito sa Manila at kahapon pa ako nakakulong dito sa kwarto. Buti nalang nga at walang umiistorbo sa akin.

Tiningnan ko ang phone ko. Wala ring text galing sa kanya.

"Anak! Nandito mga kaibigan mo!" Sigaw ni Mama sa kabaling pinto. Tss. Ano na naman kayang gagawin ng mga 'to dito? Hindi ako sumagot at alam na ni Mama ang gagawin niya. Ano pa nga ba? Edi papapasukin yung mga ugok.

"Ewww! Plano mo bang sumali sa kumbento? Bakit ka nagkukulong dito?" Wika ni Rosas ng makapasok sa kwarto ko. Bigla kong inihagis ang medyas ko na nakakalat sa kanya. Lalaki ako kaya madumi ang kwarto ko.

"Tss. Manahimik ka." Masungit kong sagot. Bad trip kaya ako.

"Ano bang nangyayari sayo bro? Hindi ka naman totally iniwan ni Sam ah? Nauna lang umuwi yung tao. Ang adik talaga nito." Saad ni Sandrex. Tss. Kahit na, nauna pa rin siyang umuwi.

"Iniwan niya ako." Wika ko.

"Ang Arte nito. Ano bang gusto naming gawin sayo?" Napabaling ako sa kanila. Bakit dalawa lang sila? Nasaan si Harold?

"Nagtataka ka ba kung nasaan si Harold? Ewan namin." Sagot ni Rosas. Hmmn, saan ba nagpupunta ang isang yun kapag hindi kami kasama? Binaon ko ulit ang mukha ko sa unan. Tinatamad akong kumilos.

"Son! Bakasyon ngayon! Sayang naman kung magmumukmok kalang diyan diba? Sayang talaga!" Palatak na wika ni Rosas. Tss. Imbes na natutulog ako ginugulo naman nila ang buhay ko. Nandito na rin naman sila kaya aalis nalang ako.

Bumangon ako at inihagis ang damit ko sa kanila.

"Whoa! Live porn!" Wika ni Rosas.

"Teka Son! Di pa kami ready! Threesome? Haha!" Wika ni Sandrex.

"Mga kalokohan niyo. Ulol!" Wika ko. Nagbihis ako ng damit at lumabas agad.

Nagulat ako ng bigla akong pinaputukan ng party poppers ng kapatid kong si Alexia. Baliw.

"Yehey! Akala ko totoo ang sinabi ni Ate Mai na magmomonghe ka. Buti nalang at lumabas ka na! Panalo ako sa pustahan namin! Thank You Mga kuya's! Haha!" Tumatalon talon na wika niya pa. Wow. Pinagpustahan pala ako nila? -_____- Tss. Magaling.

"Op! Dapat may parte rin kami diyan huh. Ano bang prize mo Alexia?" Tanong naman ni  Rosas. Ngumiti ng pagkatamis tamis ang bunso namin at naningkit pa ang mata na nagsalita.

"Video ng whole episode ng Barbie!"

Natawa ako ng mapangiwi ang dalawa at alanganin na ngumiti.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon