Warson.
"Merry Christmas!"
Napangiti ako ng makita ang mukha ng tatlo. Mas maaga sila kumpara sa napagka sunduan namin na call time. Rosas is smiling widely, Sandrex is holding his phone and Harold is still wearing his bored look. May dala dalang malaking bag pack at plastic ng pagkain mula sa sikat na restaurant.
Bumaba ako ng hagdan at tinapik sila sa balikat para bumati. Halata na pinaghandaan nila ang lahat.
"Whoa! Sino ang tumulong sa Mama mo na nag decorate?" Rosas asked when we finally entered the house. Namamangha na inilibot niya ang tingin sa mga decorations.
It's already six pm and Mama is already preparing our foods. Dinala ko ang mga kaibigan ko patungo sa guestroom kung saan sila sama sama na matutulog. It has a three beds that Mama really prepared for them. Napagka sunduan kasi nila na sama sama sila sa iisang kwarto.
They decided to stay their for a minute kaya nauna akong bumaba sa kanila. I need to help Mama in preparing our foods.
Kumunot ang noo ko ng makita si Ate na sinisimot ang lata ng condensed milk. Napangiti ako at lumapit sa kanya.
"Ate. Penge ako." Hindi pa siya sumasagot ay agad kong hinila sa kanya ang lata at kumuha ng bagong kutsara.
"Ang bastos mo talaga na bata ka! Hindi pa nga ako sumasagot!" Pilit niyang inaabot ang condensed milk sa akin pero itinaas ko ito para hindi niya maabot. Mas matangkad ako kay Ate ng ilang pulgada.
"Akin nalang 'to Ate! Kinain mo na lahat ng condensed d'yan. Sinisimot ko na nga lang 'to e." Ng umalis ang pagkakahawak niya sa akin ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Napangiti pa ako ng marinig ang naiinis niyang pag sigaw ng pangalan ko.
Natigilan ako ng biglang tumunog ang phone ko. Ipinatong ko ang lata sa center table at kinuha ang phone mula sa bulsa ng khaki short ko.
From: Pan.
Were on our way.Pan is short for Pandak, si Irish. Kumunot ang noo ko sa text niya. Minabuti kong umupo at nag reply sa kanya. Baka wrong send?
To: Pan.
w3r n4 u? d2 n4 m3.Then I press send. Nilapag ko ang phone ko at kinuha ang remote para buksan ang TV. Dume kwatro ako bago nagsimula ulit simutin ang condensed milk.
Mama is almost done in preparing our foods kaya hindi na ako tumulong.
"Nood tayo ng replay ng NBA!" Lumingon ako sa likod at nakita ko ang pagbaba nilang tatlo. Mas nauuna si Rosas maglakad sa dalawa.
"Ang gwapo mo Warson, ikaw na ang pinaka macho sa lahat ng lalaking nakilala ko. Ang gwapo gwapo mo talaga! Kyaaaa!"
Natahimik sila at nagka tinginan. Mayamaya ay napuno ng tawanan namin ang buong living room.
"Tangna! Ano'ng trip mo Son?" Natatawang wika ni Sandrex.
"Ang lakas ng tama mo Son! Bakit 'yan ang ginawa mong message ringtone?"
Sumimangot ako at nagpatuloy sa pagsimot ng condensed milk. Pero ng wala na ito ay inilapag ko ito sa tabi. Saka ko kinuha ang phone ko kung saan may reply ang magaling kong pinsan.
From: Pan.
Ha?Kumunot ang noo ko sa naging reply niya. Wrong send talaga siya? Muli kong s-in-end ang una niyang message sa akin. At muling nag compose ng text message.
To: Pan.
Wrong send ka 'no? Sino ka text ko sa tropa ko?Ilang minuto lang ang tinagal bago ito nag reply sa akin.