Thirty Five
“Seryosong usapan….” Mahinang sambit ni patty sa tabi ko. Isang malakas na pag alon ang yamani, nilingon ko siya ng nakatulala rin na nakatanaw sa dagat.
“….mahal mo ba talaga siya o isa lang siyang pagsubok para sa iyo?”
Bumuntong hininga ako at sinubsob ang mukha sa yinakap na tuhod.
“Hindi ko rin alam…”
“Wala ka ba talagang balak na ihinto yung binabalak mo?
Kibit balikat ko siyang nilingon. “Mukhang wala e. Alam mo yung feeling na gusto ng isip kong ihinto pero yung puso ko ayaw e.”
Hindi siya umimik, kaya hindi na rin ako. Ang paghampas ng alon sa paanan namin ang nagsisilbing tunog sa paligid at mararamdaman mo na ang lamig ng simoy ng hangin dahil ilang buwan na lang malapit ng magpasko.
Isang nabaling sanga ng kahoy ang napagising sa diwa ko, at mabilis na lingon yung likod ko. Hindi ko namalayan na napaawang na pala yung bibig ko sa katitig sa kanya.
Yung huling salita na sinabi ni Patty bago umalis ay di ko na naintindihan dahil alam ko sa sarili ko na nasa kanya na yung boung atensyon ko. Marahan kong hinawakan ang bandang puso ko. Ganito ba talaga kalalim ang pagkakatama ko para maging mabilis pa sa nagtatakbuhan ng kabayo ang puso ko?
“B-ba’t…ka…n-nandi—to?” Kung pwede lang sapakin yung sarili ko, kanina ko pa talaga ginawa. Hindi ko man lang maitago na kinakabahan ako sa tuwing makikita ko siya.
Hindi man lang siya nagsalita pero dahan dahan naman siyang lumapit sakin. Hindi ko alam pero mas trumiple pa yung rigidon ng puso ko, at mas lalong nagpakaba sakin ay parang di ko maikilos yung katawan ko.
Mausising tinitigan ko siya na papalapit sakin, at umupo sa tabi ko.
“A-anong…” Bigla akong napatigil sa paghinga ng hapitin niya ako sa bewang at pinalapit sa tabi niya. “…ginagawa mo?”
Di ko parin alam na nakatitig parin pala ako sakanya hanggang sa tumitingin siya sakin. Nahigit ko ulit yung hininga ko, alam kong ilang pulgada na lang at maghahalikan na talaga kami.
Palihim akong napamura ng dahan dahan lumapit yung mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na alam kong ano yung gagawin ko, kaya pumikit na lang ako at naghintay na lumapat yung---
“Ba’t ka ba umalis kanina?” Naramdaman ko yung hininga niya sa bandang tenga ko at napamulat na lang sa tanong niya. And then it hit me, hindi niya pala ako hahalikan. Naramdaman kong tumaas lang ng dugo ko papunta sa mukha ko. Shit! Nakakahiya.
Tumikhim muna ako bago sumagot. “Tapos mo na kasing gamutin yung sugat ko…”
“Kahit na, may sasabihin pa ako sayo.”
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.