Fifty Two

211 4 2
                                    


Cassandra's Point of View


"Two hours? Naku! Kaya yan! Kailan ba magsisimula party ninyo ateng?" Tanong ng baklang make up artist na isa sa mga workers ni Tita Franky--este ni Tita Franchesca na si Marcy na magmamake-up sakin. Tatlong tao kasi ang kinuha namin kay Tita para sa aming dalawa ni Patty, para naman yung isa ay hair stylish namin.


"6:30 po." Sagot ko, nang inalalayan akong umupo sa isang upuan para simulan ng i-make up. Nasa gilig ko naman si Patty na nakapikit na at sinandal ang sarili sa upuan habang nilalagyan ng kung anong kolorete sa mukha.


Narinig ko ang mahinang tawa ng hair stylish namin na hinahanda ang mga gagamitin niya para sa buhok namin.


"Ter, h'wag mong kalimutan na pinoy ang mga dadalo sa ball kaya di yan magsisimula exactly 6:30. Filipino time tayo ngayon ateng." Napatawa naman ako ng narinig kong mag 'hmp' si Patty. Kanina pa kasi yan mainit ang ulo dahil nakukulangan siya oras para sa preparation.


"Pikit ka girl." Sumunod naman ako sa utos at pumikit naramdaman ko namang may kung anong pinahid sa mukha ko.


"Just sit back and relax, kami na bahala sa inyo." Ngumiti lang ako, hiniyaan siya sa kung anong gawin niya sa mukha ko.


Napadilat naman ako ng may naramdaman akong mahinang tapik sa pisngi ko. Humikab na nag-inat ako at tiningnan si Marcy na malaki ang ngiti.


"Akala ko di kana gigising e. Tulog mantika mo te!" Aniya, na ikinatawa ng dalawang bakla na nagme meryenda. 


Ngumisi lang ako. "Inaantok ako e," Nilibot ko ang tingin ko at hinanap si Patty. "Asan si Patty?"


"Patty ba kamo? Ayun nasa baba na, kamakarengkeng ang lola mo!"Natatawang sagot ni Laine na nagmake up kay Patty.


Kumunot ang noo ko. "Ha?"


 "Mamaya na tayo magchikahan at magbihis ka muna ng gown mo." Bago pa ako maka angal ay tinulak nila ako sa banyo dala dala ang gown na so-soutin ko at mabilis na sinarado ang pinto. Umiling na lang ako agad na nagbihis.


"Perfect! Yung heels na lang, bilis dito! Soutin mo na! Dali!" Natawa naman ako sa hair stylish namin na minamadali akong pinasout ng heels na puti, na magma-match sa color white na long gown ko.


Mabilis niya akong tinulak sa body mirror na nasa gilid ng walk-in closet ko. Napatulala na lang ako, para hindi ako ngayon ang nakikita ko sa salamin. Tumaas na kasi yung buhok ko at bob cut na ang hair style na mas bumagay sa long gown na backless habang pinalibutan malilit na bato ang upper gown ko. 


"Pretty! Tinalbugan beauty natin mga bakla. I'm so proud of my work." Ma'dramang lintaya ni Marcy sa amin, napangiti nalang ako at nagpasalamat.


"Sus! Wala yan, naku ba! Basta kami parin kunin niyo kapag may ganito ha?"


Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon