"O-oy! T-teka lang!.." Hingal na habol ko kay Dexie. Grabe 'tong baklang 'to parang araw-araw sumasali sa fun run, ang bilis tumakbo.
"Tch." Ismid nito habang ako naman ay habol hinga na naka upo dito sa damuhan. Nandito kasi kami sa garden, ewan ko ba at ba't kami napadpad dito.
"Si Louie hinahabol si Cassie, si Cassie hinahabol yung mahal niya at ikaw sumali rin sa pag habol kay Cassie..." pati ako nakihabol rin, yun nga lang palihim na nakahabol sayo. Yes, I'm currently with this fake gay here right beside me. Nagpapanggap na bakla para mas maging close kay Cassandra. Kahit masakit makitang masaya siya, I don't want to ruin our frienship.
"Ano? Magfu fun run na lang ba tayo nito?" Hindi ko alam kung anong nag uudyok sakin para sabihin yun basta ang alam ko lang—Ahh! Ewan! Naguguluhan na ako. Bigla naman akong nabato sa kinauupuan ko ng magsalita siya.
"Edi sumali ka..." Lihim ko siyang tiningnan na nakatingin sa naglalaro sa field soccer. Ewan ko ba, kapag kami lang dalawa nagiging seryoso siya. Hindi ko alam kung anong araw yun na sinabihan niya akong mahal na niya si Cassie at yung masakit na part ay yun din yung time na hindi ko namalayan.
I composed myself. Ba't pa ako sasali kung sa una palang nakasali na ako sa habulan? "Ngek! Sino naman ang hahabulin ko? Ikaw? Hahaha!" I tried to fake a laugh buti na lang at hindi niya napansin.
"Duh~ Hindi ako pumapatol sa isip bata no!" Aba! Loko 'to ha. Inirapan ba naman ako? Pasalamat siya mahal ko siya.
"As if! Hindi din kaya ako humahabol sa mga taong friendzone~" Pang aasar ko. Bigla namang nawala yung ngiti ko ng naging seryoso ang mukha niya.
"Bakit? Hindi ka ba nakaranas na hanggang friends lang kayo ng gusto mo?" Bigla naman akong napalunok ng makita kong seryoso siyang nakatingin sa kin. Napa-iwas naman ako ng tingin.
"Hindi ko alam, basta ang alam ko---secret! Haha! Bukas na lang! Babye! Text mo ko ha!" Agad naman akong kumaripas ng takbo papuntang parking lot
"Oh Ma'am Patricia, ba't naman kayo pawis na pawis?" Nag aalalang tanong ni Manong Albert.
"Ah wala 'to Manong, nagswi swimming kasi ako kanina" What a lame excuse, Patricia. May nagswi swimming pang nakikita ang pawis? Napa iling naman akong sumakay sa backseat at pumakit. Siopao! Muntik ko ng sabihin!
***
"Hoy Bruha! Gumising ka na nga! Hoy!" Bigla naman akong naalimpungatan ng may naramdaman akong yumoyugyug sa balikat ko pero binalewala ko lang. Leshe kasi yung baklang yun, hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya ang resulta alas-tres na ako nakatulog.
"PATRICIA!" Napa talon naman ako bigla ng marinig ko ang matinis na boses malapit sa tenga ko
"Ay Bakla ka nga!" Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakasimangot na Dexie ang nabungaran ko.
"Oh Problema mo?"Tanong ko
"Ikaw! Ikaw yung problema ko" Nanlalaki naman ang mata ko. Ako yung problema n-niya? Tapos ang susunod mag tataka akong tingnan siya tapos hindi na niya kayang itago pa na mahal pala niya ako kaya sasabihin na niya ngayon tapos magugulat ako at sasabihin din na mahal ko rin siya at magki kiss kami.
Tumili ako, nakita ko naman siyang sobrang nakasimangot ngayon. Eto na bayun? Kyah~
"Ba't naman ako yung problema mo?" Buti na lang at marunong akong magtago na ngiti.
"Eh kasi po, alas nuwebe na at pupuntahan pa natin si Cassie dahil mamamasyal tayo sa mall kaya kung ako sayo, bilisan mo ng maligo at mag ayos para makapunta na tayo agad kina cassie!" Napawi naman ang lihim kong ngiti ng marinig ko ang sagot niya. Napabuntong hininga naman ako sabay tango habang papasok sa banyo. Ito ba ang epekto sa panonood ko ng madalas ng mga korean drama movies?
"Good Morning tita Mayla! Si Cassie po?" Bungad ni Dexie kay Tita sa sala. Binigyan naman namin ng tag iisang halik sa pisngi si Tita.
"Oh, Good Morning din Dexie and Patricia. Breakfast?" We shook our head in unison.
"Tapos na po Tita" Sagot ko habang namimili ng mga magazine sa lamesa
"Hmmkay. Kung si Cassie ang hinahanap niyo, wala siya eh. Kanina pa siya naka alis dala yung credit card. Alam niyo ba kung anong importanteng bibilhin ni Cassie?" Tanong ni Tita
"Hindi po, bakit nyo naman na tanong tita?" Tanong ni Dexie
"Nagtataka kasi ako kung bakit sa mahabang panahon ay ngayon niya lang inisipan kunin yung credit card niya."
"Baka naman po, importante talaga yun na ba kulangin yung allowance niya" Napatango naman si tita sa sinabi ni Dexie. Mga ilang minute mo naman kaming nagkwentuhan ng napagpasyahan naming umalis pero bago pa kami magkatalikod ay nagsalita si Tita
"You know what. Bagay kayong dalawa." Natigilan naman ako sa sinabi ni Tita. Napatingin naman ako kay Dexie ng napangsinghap siya.
"What? Tita naman eh! Nagbibiro ka ba! Hindi kaya ako pumapatol sa isip bata." Naiiling na paalis nito. Palihim naman akong napangiti mapait. Nga naman, ba't naman siya magkakagusto sa akin? Isip bata kaya ako. Naramdaman ko namang nakatingin sa akin si Tita. I gave her a fake smile and we went off.
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.