Thirty Six

232 5 2
                                    

Thirty Six

“Kumpleto na ba lahat?” Napatingin ako sa harapan ng bus dahil sa sigaw ni Coach Lim. Tumango naman ako ng magkatingin kami ni coach, ibinalik ko naman yung tingin ko sa labas ng bus habang inayos yung pagkalagay ng earphones sa tenga ko.

“Sipsip.” Huling narinig ko bago natabunan ng musika ang palagid.

Biglang uminit ang pisngi ko ng maramdaman ko siyang nakahilig sakin. At dahil sa nahihiya ako sa ginawa niya, ginalaw ko yung balikat ko kung saan siya nakahilig.

“Ano ka ba, feel mo talagang ang gaan ng ulo mo no?”Mahina kong sambit. Ngumiti lang siya sakin at nagpacute.

“Eto naman si Wifey, ang sungit. Naglalambing lang nga yung Hubby niya e.” Pinigilan kong tumingin sa likod ng upuan namin na kung saan naka-upo si Margareth. Hindi ko pa kayang malaman niya na nahulog na ako sa laro nila.

Napatingin naman ako sa kanya ng sinundot niya ako.

“Okay ka lang?” Nag-alalang tanong niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. “Ba’t mo naman natanong?”

“Kasi bigla ka nalang natulala at natahimik. May problema ba?” Tinitigan ko ang mga nag alalang mata niya. Parang gusto kong umiyak, ba’t parang ang totoo ng lahat? Kung pwede lang hindi ko talaga alam kung bakit ganito siya, kung pwede lang talaga.

“Yan ka na naman e, natulala ka naman. Tell me, ganyan ba talaga ang karisma ko at napatulala ka na lang?” Ningitian ko lang siya at dahilan upang ngumiti siya ng malapad.

“Hindi.” Tipid kong sabi at inirapan siya sabay tingin sa bintana. Narinig ko siyang nagmaktol pero hindi ko lang siya pinansin. So ganito pala talaga yung feeling na gusto niyo yung isa’t isa---ako lang pala.

Na alimpungatan ako ng maramdaman ko ang mahinang tapik sa pisngi ko.

“Wifey….” Kumunot ang noo ko. Ba’t siya agad ang nakita bago gumising? Pati ba naman sa reality, siya parin ang bubungad sakin? Kanina pa siya panaginip ah—wait. 

“Anong sabi mo?” Mahinang tanong ko.

“Wifey… ang sabi ko po, gising na dahil nasa school na tayo.”

“Wifey?”

Tumango siya at ngumuso. “Don’t tell me nagka amnesia ka bigla dahil sa pagtulog mo?” Napatahimik ako at mahinang kinurot ang sarili. Napabuntong hininga ako at napasandal na lang at napapikit. So all this time, totoo pala. Hindi pala ‘to panaginip lahat. Hinayaan ko na talagang mahulog sa laro nila. Napabuga ako ng hangin, I guess ganito talaga kapag nagmahal ka at di ka nag iisip. You never know that your risking yourself just by loving someone.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon