Twenty Six

352 5 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatunganga sa harap ng salamin sa kwarto ko. Wala namang sira o ano sa sinout kong damit pero napapasimangot parin ako. That perv! Ba't niya alam ang size ko?! 

"Cassie, nandito na ang sundo mo!" Rinig kong sigaw ni Mommy sa baba. Mas lalo namang sumama ang timpla ng mukha ko ng maisip kong makikita ko yung manyak na 'yun.

"Bababa na po!" Sigaw ko pabalik. Agad ko namang kinuha ang shoulder bag ko at chineck kong may nakalimutan ako. Once again, tumingin ako sa salamin. Naka off shoulder akong royal blue na short dress na hanggang above the knee, niligyan ko naman ng blue clip yung ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa kanan kong mata at naglagay ng light make up. At dahil satisfied na ako sa sarili ko ay lumabas na ako ka agad ng kwarto.

Mabilis kong ginawaran ng halik sa pisngi si Mommy at Daddy at agad na lumabas ng bahay. Nadatnan ko siya na prenteng nakasandal sa sasakyan niya, naka royal blue polo shirt din siya habang nakatuck in 'yun. Umayos naman siya ng tayo ng maramdaman niya yung presensya ko.

"Ang ganda talaga ng future wife ko."Nakangiti niyang saad.

  

Umirap naman ako at sabay sabing. "Shut up."

"May regla ka ba ngayon?" Tanong nito. Uminit ang pisngi ko sa tanong niya, wala sa sarili na sinampal ko siya sa kaliwang pisngi niya. Walangya siya, may gana ba talaga siyang tanungin ako ng ganung bagay, such a perv!

"Aray, para san 'yun?" Ngiwi niyang tanong. Umirap na lang ako at pumasok sa passenger seat niya, mukhang nakuha naman niya na ayaw ko siyang kausapin kaya agad siyang pumasok sa driver seat. Ngayon ko lang napansin, highschool palang siya pero pinapayagan na siyang magdrive, di ba siya makukulong?

"What?"Mukhang naramdaman ata nito na tinitigan ko siya.

"Ilang beses ka na bang nakulong?" Utas ko. Narinig ko naman siyang napasinghap.

"Cassie! All this time, ganyan ba talaga ang iniisip mo sakin? Isang kriminal?"

"Wala akong sinabi na kriminal ka, nagtatanong lang ako kung ilang beses ka na bang nakulong."

"Wala, zero. Ba't naman ako makukulong?"

"Nagdra drive ka kahit wala ka pa sa tamang edad." Sagot ko. Mukhang napa isip siya at kinuha yung wallet niya sa bulsa, may inabot naman siyang isang card sakin.

"Student Driver's License." Aniya. Habang binubuhay niya ang makina.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon