Fifty One

189 5 0
                                    


Cassandra's Point of View

"Sabihin niyo nga ulit at bakit dito talaga kayo magsle-sleep over sa bahay ko?" Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko at pinukolan sila ng masamang tingin na prenteng nakahiga sa kama ko habang nanonood ng spongebob.

"Shhh! 'Wag kang maingay, nanonood yung tao e!" Sita sakin ni Patty at nasa boung atensyon sa TV. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala ko ba nagbago na siya? O dala lang ng buwan ng dalaw kaya naging ganun siya kahapon?

Napatingin naman ako kay Dexi--Dexter na para banag hindi pa kumukurap sa katitig sa TV.

"Oy, Dex." Tawag ko sa kanya.

"Oh?" Sagot niya, di man lang ako tinapunan ng tingin.

"May so-soutin ka na ba para sa ball bukas?"

"Hmmm, mukhang meron na ata---shit!" Napaatras naman ako ng bigla na lang siyang tumayo.

"Papatayin mo ba kami sa gulat, Dexter?" Aniya ni Patty na ngayon ay hawak ang dibdib sa gulat.

Sinamaan niya lang kaming dalawa at dinuro.

"Kayo! Kayo ang may kasalan nito e!"

"Bakit kasalanan namin?" Nakataas na kilay na tanong ko at sumandal sa likod ng pinto. Frustrated na sinabunutan niya ang buhok niya.

"Nabaliw na ata." Mahinang saad ni Patty, at itinoun pabalik ang pansin sa TV na para bang walang nangyari. Napatawa naman ako, at kinuha ang suklay sa taas ng drawer ko at sinuklay ang buhok habang papalapit sa isang couch.

"Kainis! Damnit!"

Natatawa, tinapon ko ang throwing pillow sa kanya na sumapol sa ulo niya.

"Easy besh, sayang gwapo mo kapag nakalbo ka lang."

Nilingon niya ako. "Bakit di ka na in love sakin?"

Isang matinding katahimikan ang bumalot sa amin kahit on going pa ang pinapanood nilang palabas.

"Nevermind." Anya ng di ko sinagot ang tanong niya. Umiling na lang siya saka tinoun ang atensyon sa palabas.

Tumawa na lang ako na inilingan ni Patty.

"Ewan ko ba sayo Dex, resulta ba yan sa problema mo sa sosoutin mo sa ball?"

Inirapan niya lang ako. Humagikhik na lang ako at kinuha ang malapit na libro at nagsimulang magbasa.

***

Nagising ako sa malakas na tili. Humihikab na bumangon ako at tiningnan kung sino yung tumili.

Nakita kong kuyom ang kamao habang masama ang tingin ni Patty na basa ang sarili at si Dexter naman na may dalang tabo.

"ANO BANG PROBLEMA MO?"

"Ginigising lang kita." Bored na sagot ni Dexter at prenteng umupo sa malapit na sofa.

"Damn you! Wala ka bang maisip na normal na paggising?" Kibit balikat lang ang sagot niya at itinuon ang atensyon sa phone niya.

"BWISET KA!" Di ko akalain na susugurin talaga ni Patty si Dexter, kaya ang resulta natumba pabaliktad yung sofa at nadala silang dalawa pababa.

"Shit!" Dinig kong daing ni Dexter habang si Patty naman ay mabilis na sinabunutan si Dexter.

"Ang aga aga, naglalampungan kayo dyan. Oy, may ball tayong dadalohan mamayang gabi. H'wag niyong kalimutan."Napatawa na lang ako mabilis na pumunta sa closet para kumuha ng damit at maligo.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon