Chapter Eleven
[Cassie]
“Magandang Araw iha, kumain ka na para maaga kang makapasok sa school.” Pilit kong binigyan ng ngiti si Manang. Napatingin naman ako sa upuan kung saan umuupo si Mama
“Kung hinahanap mo si Mayla ay nandun siya sa likod, nagbuburda na naman ng bulaklak” Napa-buntong hininga naman ako ng maalala ko yung nangyari
Matapos yung maliit na pag uusap namain nina Dexie at Patty ay agad akong umuwi. Ayaw ko kasing malaman nila na ako yun kaya minabuti ko ng umuwi.
Nabungaran ko naman si Mama sa pagpasok ko na nakatalikod habang hawak ang isang frame. I let a deep sighed
“Mama…..”
“Oh, Cassie… Nabili mo na ba yung impor----“
Craaaaaash!
“Mayla? Ano yung nabasag--- Diyos ko! Cassandra anong nagyari sayo? Ba’t umikli yung buhok mo at nakadamit ka ng pangalalaki?” Naghe hysterical na tanong ni manang Maria. Agad naman akong tumungo
“Ikaw ba yan Cassandra…” Mahinanag sambit nito. Dahan dahan akong tumingin kay mama na ngayon ay nakalupasay sa sahig. Nanlambot ako ng Makita ko yung namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Mama. Gusto kong iuntog yung ulo ko sa pader. Damn me! Hindi ko nakitang umiyak si mama in the past years pero ngayon nakita ko siyang nangingiyak dahil sakin. Tumango ako
Bigla naman ako napaluhod ng marinig ko ang mahinang hikbi ni Mama. Gusto kong lumapit kay mama at yakapin siya pero hindi sumusunod yung katawan ko
“B-bakit Cassandra? Ba’t mo ‘to ginawa sakin? Ano bang pinagkukulang ko na nagdulot na ganito sayo. B-bakit?” Gusto kong sumagot pero parang naputol yung dila.
[3RD Person’s POV]
Namalayan na lang ni Cassie na may mainit na likido ang dumadaloy sa mga pisngi niya. Nakita niyang dinaluhan ito ni Manang Maria.
Napaiwas siya ng tingin ng Makita niya ang simpatya at awa sa mga mata nito.
Napatingala na lang ang dalaga ng makita niyang mahinang tumayo ang kanyang ina na labis ang pinaghihinagpis sa mga mata nito. Sinundan niya ito ng tingin paakyat ng kwarto, bigla naman siyang nagulat ng huminto at tiningnan siya nito ng maigi sa mata.

BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.