Hindi ko mapigilang isipin muli ang nakasulat sa papel. Bakit ako lalayo sa kanila? Bakit? May balak ba silang masama o ano? Mabilis na natapos ang naturang subject na ‘yun hanggang break naming pero lutang parin ako hanggang ngayon.
Bumalik naman ako sa aking katinuan ng marinig ko ang pagbell, kaya naman ay agad kong inayos ang gamit ko at mabilis na tumayo. Ayaw ko munang makita siya, naguguluhan ako sa pinagsasabi niya kanina.
“Friend, ba’t na naman ba nagflo- float yang utak mo ? Lumilipad na ba ‘yan sa loob---Arouch! Ikaw-ng isip bata ka, ba’t mo sinaktan ang harmless head ko. Why me? Ba’t pa si ako ang sinaktan mo?—Why?”
“Anong ibig mong isip bata? Ako isip bata? Isusumbong kita kay mommy! Lagot ka!”
“See? Isip bata ka talaga, at isa pa sumbongera!”
“Tse! Isusumbong talaga kita kay mommy!”
Napahawak ako sa sentido ko. Lord, patahimikin mo po sila, please. Naririndi na ako sa pinagsasabi nilang na wala namang kabuluhan. P.S. Lord, kailangan ko na bang magpa itim ng buhok? Mukhang may puti na ata akong buhok nito e.
“-------Sumbongerang isip bata!”
“Aba----------Bakla!---“
“Tatahimik kayo o tatahimik kayo?” Banta ko. Mabilis naman nlang tinikom ang bibig nila at sabay naman silang nag irapan sa isa’t isa. Mga baliw.
Hindi ko namalayan na ang bilis na pala namaing nakaabot sa Canteen, konti pa lang ang mga estudyanteng naroon. Pumili naman si Dexie ng mesa malapit sa bintana, para daw marami siyang ma-boy hunting habang kumakain.
"Tara Girls, bili muna tayo ng pagkain." Anyaya ni Dexie agad naman akong tumango at kinuha ang wallet ko sa bag.
"Anong sa inyo hija at hijo?" Tanong ng tindera sa amin ng kami na ang susunod. Nakita kong padabog na lumapit si Dexie sa Tindera.
"Manaaaaang! Babae din ako, may monthly period din po ako! Hustisya manang! Hustisyaaaa! Retake please!" Nakanguso niyang saad. Nagkatinginan naman kami ni Patty at sabay na napailing.
"Hala oh sige, hijo---"
"Manang!"
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.