Forty Three

202 8 0
                                    



Napangiwi ako habang pinupunasan ang pawis sa leeg ko habang naka-upo sa damuhan. Kakatapos lang namin sa huling mantinding ensayo namin kanina sa open court at dahil sa pagod ay naisipan ko munang magpahinga bago pumunta sa shower room.



"Grabe si Coach, boung maghapon naman tayong nagpraktis para sa tournament next week, tapos next week rin yung school festival natin. Wala ba tong kapaguran?" Yamot na saad ni Patty sa gilid ko habang nagbubunot ng damo.



Napatawa ako. "Anong kasalanan ng damo at ba't siya pinagtutuunan ng galit mo?"



Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Pakealam mo? Walang basagan ng trip."



"Di ka man lang nakokonsensya sa pagpatay mo sa damo?" Binelatan na lang niya ako at tumigil. Napatingin naman ako sa isang ka-teammate namin na papalapit sa pwesto namin habang may dalang supot na may lamang tubig.



"Thanks, Rachell." Ngiti ko sabay kuha sa inabot niyang supot, inabot ko naman yung isang mineral water kay Patty.



"Ayos lang, di rin naman kasi ako gaanong kapagod sa pagse serve." Binuksan naman niyang takip ng mineral water saka uminom.



"Di ka uupo Rach?" Tanong ni Patty habang nakahiga na sa gilid ko. Sinundot ko siya sa tagiliran na dahilan upang mapa-igtad siya.



"Ano ba!" Pinandilatan ako ng mata ni Patty, narinig ko namang humagikhik si Rachell sa harapan namin.



"Nga pala, Cass." Tawag sakin ni Rachell, napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.



"Bakit?"



"Kamusta na kayo ni Louie?"



Napatahimik ako. Last week nakita ng halos estudyante na naghawak kamay kami papasok sa building namin, yun rin yung araw na nagkasagupa sa labas ng gate si Frank at Louie.



Sa isang matapang na estudyante na nagtanong samin ng 'Kayo na ba?' at yun lang pala ang hinintay nila para makumpirma na kami na nga. Samo't saring 'Congrats' at 'Congratulations' ang natanggap ko last week pero ang pinagtataka ko wala ni isa ang humadlang na kami na nga.



Bumalik naman ako wisyo ng sikohin ako sa tagiliran ni Patty na di ko namalayan na umupo pala.



Tumikhim ako bago sumagot. "Ayos lang."

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon