***AUTHOR'S NOTE
Sa first chapter ng story na ito, gumawa ako ng isa pang prologue. Kindly read it, masasagot na ang isa sa mga katanungan niyo sa chapter na iyon. Thanks!
Forty Six
"Grabe parang kahapon lang yung School Festival a, hangover parin akooooo!" Napaangat naman ako ng tingin marinig ko iyon sa kabilang table. Napailing naman ako, parang ang bilis lang kasi natapos ang school festival. One week na ang nakalipas at balik naman kami sa dati.
Napailing naman ako ng may maalala ako, right si Frank. Naala ko pa yung sinabi niyang babantayan niya ako sa boung linggo dahil pwede namang pumasok ang mga outsiders. Pero ni-anino man niya di ko nakita. Pinilit niya pa akong paniwalaan na binabantayan niya ako, ang kaso dumidistansya daw siya dahil kay Louie baka daw kasi mabugbog siya ng wala sa oras.
Napalingon ako sa katabi ko na nagpapadyak sa sahig. "Kainis naman si Sir Manuel! Ba't may quiz pa, wala ba 'tong palugit? History nga, so past is past!" Nayayamot na saad ni Patty sa gilid ko habang minumodmod ang sarili sa libro.
Napatawa naman ako. "Mag iisang buwan na 'yan binigay ni Sir satin, wala ng palugit."
Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Shut up, soon to be Salutatorian! Hindi naman kasi ako sobrang talino kagaya mo! Bagay talaga kayo ng jowa mo, siya running for Valedictorian, ikaw Salutatorian! Sana naman pagmagkaanak kayo, di naman akoin lahat ng katalinuhan niyo!"
Napaubo ako sa sinabi niya, buti na lang at tapos na akong kumain. Pinandilatan ko siya ng mata.
"Anong anak ka dyan? Tumigil ka nga! Nasa first grading pa tayo no! Di ko naman kasi kasalanan kung hindi ka nag advance study. Yan kasi manood ka pa ng mga Korean movies para score mo di maintindihan!"
"Tss. So what kung nasa first grading pa tayo? E at least, last year na natin to sa highschool at di tayo nasali sa K12 program."
I smirk. "Di natin masasabi yan."
"What?"
"Kung hindi ka magpapatino dyan, at kung mababagsak ka sa quiz na ito may chance na masasali ka sa K12 program." Pumalktak ako ng binato niya ako ng fries na mabilis ko naman inalagan. Nahagip ko naman ng tingin ang lalaking 'to sa harap namin na tahimik na nagbabasa habang nakasalpak ang earphones sa tenga.

BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.