Seven

728 17 0
                                    


I sighed heavily while entering the department when my mom words comes up in my mind.

"I hope you will use it wisely sweety and choose what is important. Please, don't think na namumulubi tayo dahil sinasabihan kita na bumili ng dapat bilhin but please think, hindi lahat ng pagkakataon may perang mag aabang. Sana gamitin mo yan para sa mga importanteng bagay..."

I immediately dismiss the thought and headed in a stall.

"Uhm. Ma'am, nandun posa kabilang bahagi yung section ng mga pambabaeng damit." Sinulyapan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa harapan.

"I know."Tipid kong sagot.

"Eh kung alam niyo naman po pala ma'am na nandun ang pambabaeng damit, ba't pa kayo pumunta dito? Para po ba sa boyfriend niyo po. Ayieee~ ang swerte naman po ng boyfriend niyo dahil may sweet syang girlfriend. Ayy! Kinikilig ako."Napatingin naman ako sa saleslady na parang uod ngayon sa gilid. Kagaya ng mga babaeng kapag nakakakita ng gwapo parang uod kiligin. I gave her a fake smile na dahilan upang umiwalas yung mukha niya na para bang nagustuhan ko yung opinion niya.

"It's none of your business, Miss. And mostly, I don't asked your opinion" Hindi pa ako nakatalikod ay nahagip ko siyang naka nganga. Bago pa man ako makalayo sa pwesto niya ay narinig ko siyang magsalita.

"Para namang nagustuhan kong paki-alaman yung buhay niya kung hindi lang sa trabaho kong 'to, Naku. Porket maganda siya at pwede na siyang magtaray. Hmp!" Hindi ko na lang siya pinansin na nag aalburoto ngayon sa likod ko. Mabilis kung binarayan ang mga pinamili ko at lumabas na ng department store.

"Ohmy! Ang ganda na ng pamangkin ko, hindi parin kumukupas. Haha! Manang-mana sa tita" Agad naman niya akong binigyan ng mahigpit na yakap at masaya ko itong tinugonan.

"Si Tita frank talaga, nambola pa" Natatawang saad ko. Nakita ko namang siyang sumimangot

"Ano ka ba Sandra! Sa gandang kong 'to? Tita frank talaga? Hmp! It's Tita Francheska. Nakakatampo ka na~" Pagmamaktol na saad ni tita. Yes, tita frank is not a real girl, she's a certified gay. But sometimes, hindi mo aakalain na babae siya kung hindi mo talaga titigin ng mabuti. I grin and giggled while looking at her.

"Ikaw talaga~ So what brings you here at my parlor, my dear pamangkin?" nagtatakang tanong nito. I sighed and tell her. Sorry tita, I need to do this. 

"Seriously? Akala ko naman nagbibiro ka noon. Ang ganda pa naman ng buhok mo, Sandra. Pero, alam ba ng mga magulang mo 'to?" Seryosong niyang sambit sa mga huling salita. I slowly shook my head. Nakita ko namang napangshinghap siya at umilin-iling.

"Alright, kung ito ang talaga ang gusto mo, hindi kita pipigilan. I know this is very cliché.... Nasahuli ang pagsisi, remember that." Hindi ko na lang pinansin ang mga huling salita at agad ko siyang dinamba ng yakap. She just shook her head and led the way to her parlor.

"Your ready? " Nag alalang tanong ni tita ng maka upo naku sa upuan at tiningan ang repleksyon ko .I just lazily nod, nakita ko naming napailing na lang si tita. Mariin ko namang pinikit ang mata ko habang nararamdaman ko ang pagputol na matulis bagay sa buhok ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito, pero sana naman hindi ito mas malala sa iniisip ko. Bumalik naman ako sa wisyo ng may mahinang tapik akong naramdaman  sa balikat ko. I slowly open my eyes and stare at my own reflection.

Nakita ko naman ang sarili ko na nakatitig sa akin. Wala akong makitang bakas ng kahit emosyon sa mga mata nito. Wala namang nagbago sa pisikal kong anyo pwera na lang sa buhok. Ang ikli na, pinili ko kasi ang bob cut na style. I don'y want to get all the attention of the school by cutting into a boy cut.

Napatingin naman ako sa repleksyon ni tita sa salamin. Napabuntong hininga naman siya at umiling-iling. I tried my best to give her a genuine smile but I failed.

"Don't. Don't try smiling if you don't want too." Napa-iwas naman ako ng tingin at agad kinuha ang pinabili ko at dumiretso sa dressing room. Narinig akong may isang tumili.

"Ba't ang gwapo ateng? Pakiss nga, isa lang!—aray! naman mother dearest, nagbibiro naman si aketch eh." Napangiti naman ako ng bigla hampasin sa ulo ni tita si Lulu. Nakita ko naman matulis na naka nguso ito ngayon. Lulu was tita's apprentice sa paghahandle sa negosyo nilang parlor. May 13 silang branch all over the Philippines. Magaling kasi si tita mag alaga ng business kaya hindi na ako magtataka pati sa ibang bansa makakatayo siya ng branch ng parlor niya. Medyo natatawa nga ako sa pangalan ng parlor nila eh. "Touch me not", ewan ko nga kung saan nila napulot yun ng dalawa. And I think they're planning to open up another branch to other country.

"Naku, Leo Garcia. Tumigil ka nga bago kita masapak ng magazine"Pigil tawa kong tiningnan si Lulu short for Leo na pahaba ang matulis na nguso nito. Bigla naman siyang napa irap ng makita niya akong natatawang nakatitig sa kanya

"Hmp! Maka-alis na nga baka maka wrinkles si aketch, baka mawalan pa ako ng customer~" Namamaktol na sambit nito. Mag karaan ng ilang minuto ay nag paalam na ako kay Tita at kay Lulu na nakasimangot parin hanggang ngayon

Hindi ko alam kung anong iisipin ko, matatakot o mahihiya sa mga tingin ng mga babae sakinngayon habang naglalakad. 

 Nagpasyahan kong pumunta sa isang fast chain at kumain. Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mangilabot sa tingin ng mga babae at mga bakla. Para kasing gusto nila akong kainin ng buhay. 


Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon