Thirteen

553 10 0
                                    

Chapter Thirteen~*~Hamster~*~

“Pero seriously di nga, pinatulan mo talaga ‘tong aso ‘to? Sinabihan mo na lang sana ako na mahilig ka pala sa aso para naman mabili kita ng may kaledad hindi yung nasa tabi-tabi” Nakalumbabang sambit ni Dexie habang tumitipa sa cellphone niya

“Hey! How many times I told you, don’t call me dog coz’ I’m not!”

“What are you talking about? You’re not the one I was referring to, Hana.” Inosenteng sambit nito. Nakita ko naming namula si Hana sa Inis.

“Why are you so mean to me? Ganyan ka ba talaga magselos para tarayan ako?” Bigla namang napatigil sa pagtipa si Dexie sa mga huling salita na isinambit ni Hana

“What? Jealous? With whom?”

“With Me, you’re jealous coz’ mas maganda pa ako sayo. Am I right?” Nakangising saad nito

“Pardon me? Ako magseselos dahil mas maganda ka sakin? OHMYGOSH! You’re kidding right? Wala ka nga sa kalingkingan ko tapos sasabihan mo ‘kong nagseselos ako. Aww, free dreaming eh? “ Natatawang pahayag ni Dexie, napatingin naman ako kay Hana ngayon na nakangitngit ngayon at sobrang pula na sa inis

“Why would I dream in free, kung totoo naman?” Surely, sarcasm was filled with her words.

“Totoo? You’re telling me na totoo na nagseselos ako? Dream on! Kung magseselos man lang ako edi sana ni lubos ko na ‘yun sa umpisa at isa pa, you’re not worth it to jealous dahil mukha mo pala plastic na at lastly, hindi ako nagseselos sa mukhang plastic!” Asik nito at marahas na tumayo pa-alis. Binaling ko naman ang tingin ko kay Hana na ngayon ay parang ready ng pumatay ng tao. I heavily sighed when I realized na tumunganga lang ako ng mag-away sila sa harapan ‘ko

“Okay ka lang? “ Pag-alalang tanong ko. Napa-atras naman ako ng binigyan niya ako ng masamang tingin

“Tingin mo, do I look okay?”She snapped out “bakit hindi mo inawat yung demonyong kaibigan mo! I thought, yung manliligaw tinutulungan yung nililigawan. Pero anong ginawa mo? You just looked at us with amusement filled on your face. Anong tingin mo samin—sakin, entertainment? “ Walang prenong lintaya niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil yun yung pinaka-mahabang sinabi niya sa akin. Napayuko naman ako sa kahihiyan, right, dapat ko pala siyang protektahan dahil nililigawan ko siya---

“Una na ‘ko” Mahinang sambit ni Patricia. Napatingin naman ako sa kanya na tahimik na inaayos yung mga gamit niyang nasa mesa. Gusto kong tingnan si Hana pero nahihiya akong tingnan siya.

Napa-igtad naman ako ng may marahan na tapik ang naramdaman ko sa balikat. I looked at her with confuse look.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon