Malalim na buntong hinga ang ginawa ko at tiningan si Hanna.Napa awang bibig naman itong nakatingin sakin.
"What the--- Ano bang iniisip mo at dinala mo ko dito? Dito pa talaga sa likod ng gym" Galit na lintaya nito. Bigla namang umurong yung dila ko ng makita ko yung galit sa mata niya
"Ah-eh...." Tinaasan lang niya ako ng kilay at tiningan yung kabuuan ko. Bigla naman akong naconscious sa sarili ko."You're not that sexy, nor that much pretty to join the squad." Aniya habang pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. I gave her a confuse look
"What? Hindi mo tanggap na hindi ka pasado maging cheerleader ng pep squad namin?"
"Ha?"
"I said you're not qualified to join the squad." I mentally face palmed, she misinterpret my intention.
"H-hindi naman kasi yun ang sadya ko sayo eh..." I stammered. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Eh ano? What do you want? Autograph? My Pictures? Or something?"
"H-hindi..."
"Then what? Sinasayang mo na kasi yung oras ko eh!"Asik niya. Napa-igtad naman ako ng maramdaman ko yung inis niya. I sighed heavily and composed myself
"I'm confessing---"
"W-what?" Shock and confuse written all over her face
"Let me finish first. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman ito but whenever I see you, my heart skips a beat and I'm having butterflies on my stomach the symptoms that I like you." There, nasabi ko na talaga sa kanya yung pakay ko. I looked at her, but her face was blank. Suddenly, she burst out.
"HAHAHA! You, what? You like me? Pffft--! Hahaha! Seriously? I didn't expect na may matitibo dahil sa alindog ko. Hahaha~!" Wala paring humpay na tumawa siya na halos umupo na siya sa lupamhabang hawak yung tiyan niya. I asked myself, ano bang nakakatawa sa pagsasabing gusto ko siya?
I cleared my throat.
"Uhh. Anong nakakatawa?" Tanong ko. Imbis na sagutin niya ako ay tinawanan na lang niya ako. Dapat magagalit na ako dahil hindi niya sinagot yung tanong ko at walang humpay na tumatawa. Bigla naman siyang napa ayos na tayo ng maramdaman niyang hindi ako nagbibiro
"This is not the first time na may magconfess sa akin. But, it's my first time na may magconfess na babae sa akin. You know what, when you confessed a while ago that you do really like me. It makes me shiver in disgust. I'm not this rude, you know. But as you can see, may gusto akong iba and I do really, really like him. A piece of advice, your feelings towards me was JUST an infatuation, para bang inspirasyon mo lang ako." Bigla naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bago pa man niya ako talikuran ay nahablot ko na yung braso niya.
"Yung naranasan ko signs. Ano? Hindi ba totoo yun? Peke lang ba? Walang bang katotohonan yun na ginawa lang ng mga walang magawa sa buhay? Ha? Sagutin mo ko?" Marahas ko siyang yinugyog. Bigla naman niya akong tinulak.
"Ano ba! Nakaka-inis ka na ah! Yung naranasan mong signs? Ha! Maraming dahilan kung bakit ka makakaranas nun! At isa pa pwede bang kalimutan mo ng nag usap tayo about this confessing thingy....... NANGINGILABOT kasing isipin na may gusto ka sa akin." At tinalikuran na niya ako
"Who's this guy? Sino ba yung gusto mo? " Bigla naman siyang natigilan sa tinanung ko pero hindi siya lumingon
"He's the guy, every girls dream. And the one I dream to love forever.......Louie Adrian Lopez" And she finally went off. Napa upo naman ako ng malaman ko kung sino yung gusto ng taong gusto ko.
Napaupo ako sa isang lumang upuan. I shiver in disgust, what did I fucking this time? Have I lose my mind?! Shit, ganito na ba talaga ako ka desperado para hindi pa matalo?
***
The bell rung, hudyat na tapos na ang klase. Nandito ako sa gilid ng labas ng pinto, naghihintay sa kanya. Gusto ko siyang maka usap.
"Ms. Santos, why are you here? Bakit hindi ka pumasok sa klase?" Napa angat naman ako ng tingin ng marinig ko yung boses ni Ms. Divine.
"Medyo sumakit po yung ulo ko at nagpahinga sa clinic. Kaya ngayon lang po ako nakabalik" I lied at ibinigay ang excuse slip.
"It's that so? Pero next time, mag pasabi ka kung may masakit sayo o kung ano" Buti na lang at naniwala si Ms. Divine. Siya kasi yung adviser namig, kahit mabait siya at maunawain hindi naming yung inaabuso. Just this time.
"Okay po Ms. ." I tried to gave her a smile. Nag paalam na ito at umalis. Bigla naman akong napatalon ng marinig ko yung boses niya.
"Ganyan mo ba talaga ako namiss sweety, at hinihintay mo pa ako dito. Hihi. Kinilig ako" Hagikhik nito habang iinipit yung imaginary strands sa gilid ng tenga niya. Pero wala ako sa mood para sakyan yung drama. I gave him a blank look.
"Let's talk."
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.