Ramdam ko ang malamig na tubig galing sa gripo. Kakatapos ko lang magpahinga galing sa practice at agad na dumiretso sa banyo para maghilamos. Ewan ko ba kung totoo yung sinabi nila na kapag binasa mo yung sarili mo o maghilamos ka mas gagaan yung pakiramdam mo, pero bakit parang wala namang nangyari? Kahit hindi ko kapahin banda sa puso ko, nararamdaman ko yung sakit.
“Ang dami mo ng nasayang na tubig oh.”Bigla naman akong nabalik sa wisyo at pinatay ang gripo habang pinupunasan yung mukha. Tiningnan ko si Patty na ngayon ay titig na titig sa mukha ko.
“Bakit?” Tanong ko.
Hindi siya sumagot at tinitigan ulit ang mukha ko. “May dumi ba ako sa mukha?”
Makalipas ang ilang sandali sa pagtitig niya sakin ay umiling siya.”Wala naman, parang may nag iba lang sa iyo.”
Nagkasalubong ang dalawa kong kilay sa pagtataka. “Bukod sa pagputol ko ng buhok ko, anong iba sakin?”
“You’re always spacing out.”
“Spacing out? Anong ibig mong sabihin?”
“Kanina sa practice, habang nasa game ka bigla ka na lang titigil at mag iisip ng malalim. Buti na nga lang at hindi ka natatamaan or worst malaman ni Coach na pre-occupied yang utak mo habang nasa game.” Aniya habang tinatanggal niya yung shirt niya sa harapan ko at kinuha ang isang damit sa locker niya.
“Why not use the cubicle?” Tanong ko.
She furrowed her eyebrows at me. “Seriously? Gagamit pa ba talaga ako ng banyo kung pantaas lang yung tatanggalin ko? Haler, it’s just a waste of time you know. Besides, wala namang magtatangkang sumilip dito dahil pwede ka namang look out diba?”
Umiling naman ako at ngumiti, bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya ako. “Wait, don’t tell me di ka pa nasanay sakin na ganito ako or you are trying to change the topic?”
Ngumiti naman ako sa kanya sabay sandal sa isang locker. “Of course I do, sanay na sanay na ako na wala kang takot na magbihis sa harapan ko and why would I try to change the topic aber?”
She looked at me for a mere seconds and sighs.”Who is he?”
Tinaasan ko siya ng kilay.”Sino ba yang tinutukoy mo?”
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.