Thirty Seven
"Nag enjoy ka bas a ilang araw na praktis para sa school festival, Cassandra? Ang ganda ng dagat no? Tapos yung accommodation pa ang ayos rin, pwede ngang--"
"Coach." Tipid kong sagot ng pinutol ko siya. Wala ako sa mood para sa mahabang chikahan dahil hindi pa ako nag-agahan at malapit ng mag lunch, gustong gusto ko ng kumain.
"Bakit Cassandra?" Tanong niya.
Napa buntong hininga na lang ako. "Ba't niyo ba ako pinapunta dito Coach?"
Napakamot naman siya sa kanyang ulo. "Ganito kasi... ipapakita ko sana sayo yung mga school na makakalaban niyo--"
"Pwede niyo namang i-send sa email ko Coach a."
Napatahimik naman siya at di mapakali sa pwesto niya.
"Spill the beans Coach."
Napabuntong hininga na lang siya at napatango.
"May ipapabili sana ako sayo e."
"Ikaw pala bumili Coach?"
Umiling siya. "Hindi pwede e."
"Bakit naman?" Kunot noong tanong ko.
"Kasi yung kapatid ko may sinaling...tampon sa listahan kaya--"
Pinutol ko siya, "Kaya nahihiya ka Coach?"
Mabilis naman siyang tumango.
"First time niyo po bang utusan ng kapatid niyo Coach?"
"Hindi."
"E di okay lang pala e, pwede naman ikaw na lang Coach--"
"Sige na Cassie, lilibre kita." Napataas ako ng kilay. Cassie? Close lang?
"Cassie? Akala ko ba Cassandra Coach."
"Close na tayo, ililibre naman kita diba? Eto credit card ko." Sabay abot niya sa card.
"Madami bang bibilhin Coach?"
"Di naman, konti lang. Dyan mo na rin kunin yung gusto mong bilhin."
Ngumiti ako. "Kahit ano Coach?"
"Oo--este, h'wag mo lang damihan yung bibilhin mo, baka mawalan ako ng pera sayo."
"That will be 346.75 pesos Ma'am." Sabi ng Cashier sakin, tumango lang ako at binigay yung credit card ni Coach sa kanya. May nakita naman akong shopping cart sa isang tabi at kinuha yun at inilagay. Gutom na ako at nakakatamad ng pumunta sa baggage area para iwan tong pinamili ko.
Napa-hikab naman ako habang naglalakad, naghahanap ng lugar na pagkakainan. Tiningnan ko yung relo ko at napabuntong hininga na lang. 30 minutes na akong palakad-lakad at naghahanap ng kainan dito pero parang wala talaga akong nakitang bakante.
Susuko na sana ako ng may bigla nahagip ng mata ko ang dalawang taong nagsasayahan sa timezone. Napasinghap naman ako ng maramdaman ko yung hapdi sa higpit ng hawak ko sa cart. Napakurap ako ng maramdam kong nangingilid yung luha ko, kaya naisipan kong tumalikod na lamang.
Wala pa bang ikakamalas yung araw ko? Tanong ko sa sarili ko ng maramdaman ko yung impact ng pagkabangga sa isang tao.
"Sorry." Rinig kong sabi ng nakabangga ko. Hindi ko alam kung bakit masakit ang apekto nagpahingi niya ng sorry sakin, baka siguro gutom lang ako at kung ano-ano yung iniisip. Pero hindi e... parang sinasadya talaga, parang sinasabing ang saklap ng sitwasyon ko ngayon. Pinigilan ko na nga e, nung una pa, pinigilan kong mahalin siya dahil alam kong hindi tama. Yun nga, yung hindi tama ay yung nalaman mong ginawa ka lang laro para maging isang pagsubok nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.