Ten

645 11 0
                                    

[Patty]

Marahas kung iniling yung ulo ko ng palaging umuulit yung mga salitang binitawan ni Tita Mayla kanina. Napatingin naman ako kay Dexie ng marahan niyang tinapik yung balikat ko

"Hindi maka-get over, Te?" Taas kilay nitong tanong. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin. Anong ibig niyang sabihin? He sighed heavily and wrinkled his nose bago... magsalita

"Alam kung iniisip mo. Please, h'wag mo nang isipin yung sinabi ni Tita Mayla kanina dahil hinding-hindi yun mangyayari. Pwera na lang may lihim na pagtingin ka sakin? " Sinundan niya ng halakhak habang pa-iling iling ito. Bigla ko namang naramdaman na may kung anong bumabara sa lalamunan ko at ang mga kulisap ng dahan dahang namamatay ngayon. Ganito ba talaga kasakit marinig sa taong mahal mo na hinding-hindi kayo magiging kayo balang araw?

"Ba't ang sakit mong magsalita? Pero kapag kay kasi Cassie taob ka na agad kahit hindi ka pa bumubuka ng bibig? " mahinang sambit ko habang nakayuko. Bigla naman akong natigilan ng magsalita siya. SHET! Narinig niya!

"Eh sa mahal ko eh.. Anong magagawa mo? Tara na nga girl, kumain na lang tayo baka nalipasan ka lang ng gutom kaya nag e emote ka dyan" Pa-iling iling siyang tumalikod. I compose myself at sinundan siya.

Napatingin naman ako sa isang banda ng isang fast food chain. Cassie? Mukha siyang si Cassie kaso nga lang ang iksi ng buhok at lalaki yung dati pero kapag naka side view siya, para talaga siyang si Cassie eh.

Inalis ko naman yung mga conclusions ko, impossible namang siya si Cassie eh. Kung siya nga talaga yun, naku patay tayo niyan madaming di inaasahan ng mangyayari sa bago niyang make over.

Buti na lang at pumayag 'tong bakla na 'to na dito kami kumain sa isang fast food chain na kung saan nakita ko yung pamilyar na mukha ni Cassie. Kaya pinili ko yung katabing table para malaman kung siya talaga ang kumakain.

Lihim ko tiningnan ng pagtataka yung kamukha ni Cassie ng magsalita ko. Bigla ba namang nabilaukan. Weird.

Ewan ko ba at para kaming baliw nitong bakla na 'to na nag aaway sa mga walang kabuluhan na bagay ayun tuloy napasubo kami. Pumunta ba naman yung manager a.k.a Mr. Mayabang para sitahin kami at sabihin yung Policy KUNO. Gwapo nga siya at malakas yung sex appeal pero yung aura niyang mukha mayabang. Ugh, nevermind. Ayaw ko lang talaga sa mayabang kaya medyo naiinis ako sakanya.

Aalis sana kami ng bigla ko nasagi yung inumin ng kamukha ni Cassie. Agad ako humingi ng paumanhin sa nasagi-an ko. Reckless patricia!


Biglang nanglaki yung mata ko ng magtama yung paningin namin

"Sorry po.......C-cassie?" Nautal na sambit ko. Bigla naman siya na tigilan at umiba yung ekspresyon ng mukha niya

"It's okay. Hindi naman ako nabasa pero sino ba yung Cassie? A friend of yours?" I silently sighed. Hindi pala si Cassie, pero yung boses niya mukhang pambabae na ewan. Tapos yung tindig niya pambabae. Baka naman hindi mahilig mag-gym?




"Sorry talaga, hindi ko yun sinsadya.Yeah. Pero wala siya ngayon baka may binili kaya hindi namin siya nakasamang magbonding kung—" Lihim kung binigyan ng masamang tingin si Dexie

"OMG! Cassie is that you? You look like a boy na! Ay! Ang gwapo mo n---" Hinila ko ng palayo si Dexie at binigyan ng paumanhin na tingin.

"Tae ka. Hindi yun si Cassie, kamukha niya lang yun" Paliwanag ko. Bigla naman siyang ngumoso at palihim ninakawan ng tingin yung kahawig ni Cassie

"Ayy. Hindi nga? So kalokalike niya lang yun? T-boom siya te. Pwede na siyang sumali sa That's my tomboy..Kyaaah~" Taas kilay niya akong tiningnan

"Di mo din alam yun, te? Naku! Half of your life will never complete na kung hindi mo alam ang mga yun" Binatukan ko nga

"Ulol. Hindi naman ako taga- bundok para hindi yung malaman. Exage ka lang talaga mag imagine. Kung maka half of my life ah.. parang mamatay ka na agad." Nanlaki naman yung mata ko ng bigla siyang lumapit sa kamukha ni Cassie

"Sorry, kung medyo nagtagal kaming mag usap Mr.KNC, I'm Dexie by the way" Sabay lahad ng kamay nito

"Caleb, what's Mr. KNC?" Nagtatakang tiningnan ni Caleb si Cassie habang inabot yung kamay niya para makapagshakehands

"Infairness! Kamay babae yung kamay mo. Hihi. Well, Mr. KNC  stands for Mr. Kalokalike ni cassie-dearest" Agad namang binawi ni Caleb yung kamay niya ng sinabihan niya ito ng hawig kamay ng babae yung kamay niyaTumikhim naman agad ako at hinila sa likodan ko si Dexie na nakasimangot ngayon.

"Ah, sige Caleb, hindi na kami magtatagal pa baka nadistorbo ka namin sa pagkain mo. Nice meeting you Caleb. By the way hindi ko pa napapakilala yung sarili ko, I'm Patricia, patty for short—"

"Hey, this is my number Mr.KNC. Kapag nabobored ka text mo lang ako" He winked at him. Gross.

He chuckled" Haha. Thanks by the way Patricia and Dexie. It's nice to meet you." Ngitian ko naman siya at tumalikod pero ng bigla kung napatingin sa salamin, nakita kong bigla ng huminga ng malalim si Caleb an para bang umayos na yung paghinga niya. He's totally weird at all. Parang may mali.

Tumingin ako ulit sa repleksyon ng salimin. Bigla naman uminit ang pisngi ko ng makita kong taas kilay na nakatingin yung mayabang na manager na yun sa gawi ko napa iwas naman ako ng tingin at lumakad papalayo.

Damn this Arrogant mister, my day was messed up.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon